Kabanata 47

334 14 1
                                    

Punishment



Pagdating ko sa bahay ay dim na ang lights sa sala at matanglaw na liwanag mula sa kusina. Nanlalambot kong pinadausdos sa isang balikat ko ang bag na dala ko upang matanggal na iyon sakin. Nagmamadali akong pumunta sa tinutulugan ni papa at naka-lock na iyon kaya hindi na ko nag-abala pang katukin siya, siguradong tulog na iyon. Pasado alas diyes na. Dumiretso na ko sa kusina upang makakain muna bago umakyat sa kwarto ko. Kahit pagod na at inaantok ay mas lamang ang pangangailangan ko sa pagkain.




Nagkaroon kami ng particum sa isang major at kinailangang pumunta kami sa isang city dito at doon kumuha ng mga subject. Kaya heto't ginabi ako ng sobra, nagpaalam naman ako kay papa. Sobrang napagod ako hindi dahil sa pagkuha ng mga litrato kundi sa paglalakad at byahe, ang bigat pa ng bag ko dahil bukod sa mga libro at notebook ay nandoon ang laptop at mga tripods. Dalawang babae lang kami at siya naman ang nagdala ng mga ibang props na pwede naming magamit.




Hindi si Aikah ang kasama ko dahil isang subject lang kami magkaklase. Nursing kasi iyon. Nanlalambot kong tinignan ang pagkain sa mesa, sinabi sakin ni papa na ipinagtira niya ako. Kahit mabigat ang katawan ay binilisan ko na ang kilos para makakain na at makatulog na.




Matapos naming mag-usap ni Aikah ay pumasok kami na tahimik nanaman siya. Hindi na rin ako nagsalita dahil medyo nainis ako sa kanya. Wala pa siyang masyadong alam sa nangyari kaya wala siyang karapatan para sabihing mali ang ginawa ko. Bakit kailangan niyang ipagpilitan ang sarili niya? Mas sinasaktan niya ang sarili niya na hinding-hindi ko gagawin. Leaving is hard. But staying is more and you have no choice but to act blind to save the ship from sanking. Oh, fvck that thought!




Nagsimula na kong kumain nang tahimik. Gusto mang bumagsak ng mata ko ay hindi pwede, kailangan ko pa itong hugasan. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng isang kwarto. Pagkatapos may bumukas nanaman ngunit padabog iyong sumara. May bumukas nanaman at nagsara kaya't halos mapatalon ako ng makita kong pababa si Seven sa hagdan. Naka maong short siya saka puting hoodie jacket.




Kahit medyo madilim ay nakikita ko mula rito kung gaano kagulo ang buhok niya. Nakahawak ang isang kamay niya sa phone kaya nakita kong magkasalubong at iritado ang mukha niya at ang isa ay sa buhok.



Aalis siya?...



Simula kasi kaninang nag-usap kami ni Aikah ay hindi na ko nakapag-reply dahil naging busy na rin ako. Pinagmamasdan ko pa siya at tatanungin na sana nang mapatalon ako sa gulat dahil nag-riring ang phone ko. Mahina lang pero dahil sa sobrang tahimik ay rinig na rinig iyon. Madali ko iyong kinuha sa bulsa at nakitang si Seven ang tumatawag.



Napatingin ako sa kanya at halos malaglag ako ng makitang nakatingin na siya sakin. Masama. Malalim. Awrang hindi mo gustong kalabanin. Ngunit humahalo ang relief na hindi ko alam kung bakit. Nag-aalala ba siya sakin? Tinitigan ko lang siyang patayin ang tawag at lumapit sakin. Nabitawan ko ang kutsara at dahan-dahang napatayo kahit mas nanlambot ang tuhod ko. Para kasi niya akong susugurin nalang bigla.



Ngunit hindi pa ko nakakatayo ng ayos ay mabilis niya akong hinawakan sa magkabilang baywang at padarag na pinaupo sa lamesa dahilan upang pumasa ere pa ang mga paa ko sa lakas ng impact. Ang sakit ha! Buti hindi ko nasagi 'yung plato! Nagulat nalang ako nang halikan niya ko ng mabilis at marahas. Muntik na kong mapahiga dahil sa pagsugod niya!



"Seven!" sigaw ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko! Baka may makakita samin! "Sto-p! S-seven!" pilit akong umiiwas sa labi niya ngunit talagang sinusunggaban niya ang labi ko.



Hinihila ko na ang jacket niya ngunit sadyang malakas siya. Sinisipa ko na rin siya pero mas lalong nagwala ang puso ko sa kaba. Hinawakan niya ang dalawang hita ko upang ibuka at saka niya idinikit ang katawan sakin.


Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon