Right one
Pagpasok namin sa kusina ay maingay ang lahat. Umaalingawngaw ang palakpak at tawa ni mrs. Kwon sa lamesa. Nanlaki ang mata ko sa dami ng pagkaing nakalatag sa hapag, karamihan ay mga banyagang pagkain. Tinawag ako ni papa kaya't nagmadali akong umupo sa katabi niyang upuan. Patili ring tinawag ni mrs. Kwon ang anak at pinaupo sa katabi niyang silya.
"I'm sure you miss this.." turo niya sa isang putahe doon.
Ngumuso si Seven at kumuha noon. Nagsimula ang kainan at para kaming isang buong pamilyang nagkukwetuhan sa nangyari samin buong maghapon. Ilang saglit pa ay natoon ang usapan sa kay Seven. Puro papuri at pagka-miss nila ang sinasabi nila kaya rindido na ako sa tawa nitong lalaking ito! Gustong-gustong pinupuri!
Kinamot niya ang tenga. "Nah.. change topic manang Ester." ngisi niya.
Tumawa si mang Ramon. "Baka naman kasi hindi ka nagseseryoso, hijo."
Nagkibit-balikat siya. "It's just that.. I'm waiting for the right one."
Bago matapos ang salita niya ay bumaling sa akin ang malalim niyang mata! Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakita ko ng ganyan kalalim at katindi ang tingin niya. Direkta at balot na balot ng kaseryosohan ang mga matang nakatitig sakin ngayon. Nanlambot ang tuhod ko at tila gusto na ring bumagsak ng katawan ko, kinuha niya ang lakas ko! Nag-iwas ako ng tingin ngunit sa gilid ng mata ko ay ramdam ko ang mas lumalim niyang titig kaya't kahit ayoko ay nag-angat ako ng tingin ngunit nang magtama ang aming paningin ay agad siyang ngumiti at kumindat.
Sumimangot ako at nagbaba ng tingin sa nakahandang pagkain sa harap ko. What's with this man? His killer smiles.. his.. stares... why all are these affecting me so much? Yeah he is good looking and when he smile.. damn! Drop dead gorgeous! But when he's serious... it looks dangerous, really dangerous that comes to a point, you'll just be his slave and do anything he wants because you can't protest in anyway. He'll not let you protest in anyway, he will caught you off guard.
Natapos ang kainan. Dumiretso ako sa kwarto upang mahimasmasan ng kaunti, maliligo ako! Pagbukas ko ng kwarto ay agad akong pumasok ngunit nagulat nalang ako ng muntik na kong tumalsik sa gilid dahil sa biglaang pagpasok ni Seven sa kwarto ko. Gulat na gulat ko siyang hinarap at ang kulugong ito ay nakapamulsa pang nililibot ng tingin ang kwarto ko!
"Hoy! Bakit basta pasok ka dito. Labas!"
Malaki ang ngisi niyang bumaling sakin. "Chill, lady. I'm not going to steal any of your things here."
Huminga ako ng malalim. Sineryosohan ko ang mukha upang makuha niyang hindi ako komportableng andito siya! "Labas.."
Ngumuso siya at nakapamulsang naglakad sa kwartong iyon. Napatingin ako sa pinto, sarado! Malamang ay siya pa ang nagsara. Kunot noo niyang sinilip ang labas ng bintana ko pagkatapos ay pinasadahan ng palad niya ang vanity mirror ko na nadaanan niya at nagawa pang mag-pacute sa salamin noon saka muling naglakad papunta sa kama ko. Umupo siya doon at tumalon-talon pa na parang bata.
"Seven!" gigil akong lumapit sa kanya at hinatak siya patayo ngunit hindi ko siya mahila-hila dahil pinipigil niya! Lumakas ang halakhak niya.