Kabanata 36

387 14 2
                                    

Warfreak


"Huy!" pitik ni Aikah sa mukha ko.


Nilingon ko siya. "Tsk." inilagay ko ang shoulder bag sa balikat ko at naunang naglakad sa kanya palayo. Huminga ako ng malalim at saglit na ipinikit ang mga mata ngunit napadilat nalang ako ng makita at marinig ko ang boses ni Seven. "Dammit!"

"Wait, Caes" dinig kong sigaw ni Aikah sa likod. I was half run!


Naabutan niya ko. Humawak siya sakin kaya tumigil ako at tinignan siyang hingal na hingal habang nakakapit sakin. Bigla akong na-guilty.


"Grabe 'yung totoo. May lahi ka bang kangaroo?"


Nanliit ang mata ko sa kanya. Nawala ang awa ko. Maldita 'to ha!


Tumawa siya at umayos ng tayo. "Joke lang eto naman. Ang bilis mo naman kasing maglakad!" saka ako mahinang hinampas sa braso.


"Bumibilis ang kangaroo kapag tumatalon!" inis kong sabi. Tumawa lang naman siya. Hindi ko nalang siya pinansin at nagtuloy na sa registrar's office. Mag-eenroll na kami for third year. Muntik ko pa nga itong makalimutan kung hindi lang tumawag si Aikah ng pagka-aga aga. Pumila na kami. Dapat pala mas inagahan namin dahil ang dami ng tao.


Nilingon niya ko dahil siya ang nasa unahan ko. "Ayan ang haba tuloy ng pila. Bakit ka ba kasi hindi natulog kagabi at nakalimutan mo pang ngayon tayo eenroll?" bahagya ko siyang tinulak dahil umusad ng kaunti ang linya.

Umikot ang mata ko. "Eh sa nakalimutan ko."

"Eh bakit nga hindi ka nakatulog ng maayos?" inosente niyang tanong.

Kinunutan ko siya ng noo. There's no way I will tell her I stayed up all night thinking about that freaking weirdo! "Can you please just shut your mouth for a while, please? Ang dami mong tanong."

Umirap naman siya at hinawi ang buhok na hanggang ibaba lang ng baba niya. Hindi apple cut pero maikli. "Matulog ka mamaya para hindi ka high blood, psh."


Tumingin na siya sa harap at kumalikot nalang sa cellphone niya. Tama siya! I need sleep dahil talagang nag-iinit ang ulo ko. Katulad nalang nitong nasa likod ko, kanina pa ito e. Ang gaslaw gaslaw at natatamaan niya ko. I know she knew that dahil tumatama siya sa likod ko, na nakakabangga na rin ako! Nilingon ko siya at busy siya sa pakikipagharutan sa mga kausap niya.


Tinulak ko siya. "Miss.. hey!" sigaw ko upang makuha ang atensyon niya. Humarap siya sakin. Bagong mukha o di ko lang siya nakikita? Tumaas ang kilay niya. "Can't you just move with some etiquette and don't be so clumsy? You keep on dragging my back as if you can't feel it."

Tumaas lalo ang kilay niya. "Ow.. the great Caeslei Aquiron." Humalukipkip siya at tumawa ang mga kausap niya kanina. "Uhm, sorry dear but.. it was intentionally, ugly pathetic and whore bitch." nilingon niya ang mga kasama at nagtawanan sila.


So she's not a first year or whatnot. She know me. Well everybody knows me. Ngumisi ako. "Uhh oww. Thanks for being honest and if that so.. I should return the favor, right?"


Bago pa niya maikunot ang noo niya at matanggal ang pagkakahalukipkip niya ay malakas kong hinila pababa ang buhok niya dahilan upang mapa-upo at sumalampak ang pang-upo niya sa sahig. Nataranta at sumigaw ang mga kaibigan niya saka siya pinulot upang makatayo. Kitang-kita ang sakit sa mukha niya dahil sa lakas ng pagbagsak niya. Nakakapika e! Bilang lang ng daliri akong makipag-away sa mga haters ko at ang huling away ko ay noon pang second year ako, lalaki naman iyon—I mean bading. Sabi niya ay inagaw ko daw ang boyfriend niya na hindi ko naman kilala at nakipag-break daw sa kanya. Kaya ayun pinagtulungan nila ako kasama ang dalawa pa niyang kaibigan na babae na inagawan ko rin daw.

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon