Kabanata 44

602 15 5
                                    

Off limits



Mala tugtog sa kutilyon ang musikang bumungad samin nang makapasok kami sa loob. Nagkalat na ang mga tao sa buong lugar at nagkakasiyahan. Medyo late na rin kasi ngunit alam kong hindi pa nagsisimula ang program na gaganapin.



Nilingon ko ang katabi kong nasa bungad palang kami ay may kinausap na agad siyang mga naka tux na kalalakihan na may katandaan na rin. Of course, they will know Seven the one and only heir of this company. Lumingon ako sa paligid upang hanapin ang kitchen, pupuntahan ko si papa. Nang may makita akong isang staff na lumabas sa isang pinto at may dalang tray ng pagkain ay doon ko nalaman kung nasaan iyon kaya bumaling ako kay Seven na panay pa rin ang dakdak sa mga kausap.





Marahan kong hinila ang dulo ng sleeve ng coat niya. Nilingon niya ako at yumuko upang marinig ang sasabihin ko. "Pupunta ako kay papa."

Kumunot ang noo niya. "No. You'll stay here beside me. Nasa kitchen lang ang papa mo."

Gusto ko sanang magprotesta ngunit nang makita kong nakatingin samin ang mga kausap niya ay dumistansya ako sa kanya ngunit agad niyang hinapit ang bewang ko. Nanlaki ang mata ko. Bumulong siya. "Kakalas ka lang sakin until we get back home."



Kinagat ko ang labi at nginitian ang mga nakatunghay samin. Hindi ko na binalingan si Seven.


"Girlfriend?" nakangiting sabi ng isa samin.




Mabilis akong umiling at ngumiti ng pilit. Tumawa lang si Seven sa naging reaksyon ko. Binitawan niya ang bewang ko ng may isa nanamang lumapit at nakipag-kamay siya doon. Huminga ako ng malalim. I need to find my father, at least doon hindi ganito ang pakiramdam ko. Nanliliit ako sa mga kaharap ko, kahit maganda ang suot ko hindi pa rin ako dapat lumevel sa mga katulad nila.



Bwisit kasing pito 'to!




Naalala ko nanaman kung paanong nagpilitan kami ni Dally na isuot ko 'tong damit. Mas lalo kasi akong nahiya nung sukat ko pala 'yung binibigay ni Seven kanina. Malamang nakuha niya iyon nung hawakan niya ang bewang ko nung nakadagan siya sakin.




Halos igapos na ko ni Dally para lang isuot ko 'yung damit. Pagkatapos ay inayusan niya na ko, sabi ko marunong naman ako pero siya pa rin ang gumawa. Pinalatsa niya ang buhok ko kaya tuwid na tuwid iyon at inipit niya pataas lahat upang may silbi daw 'yung turtle neck. 'Yung isang paper bag ay may laman na pumps na silver.


"Case?"



Natinag ako sa pagyuko at nang iangat ko ang mukha ay nakita ko si John. Ngumisi siya at ginantihan ko rin. Lumapit siya sakin upang yakapin ako. "Nice to see you again.." bulong niya sakin.


Tumawa lang ako. Tinap ko ang balikat niya upang pakawalan na ko ngunit humigpit pa lalo ang yakap niya kaya't humalakhak ako. Nang biglang may tumikhim at may humila sakin palayo dahilan upang makawala ako. Bumagsak ang tingin ni John sa kamay ni Seven sa braso ko.



Ngumuso siya. "I'm.. sorry?" patanong niyang hingi ng paumanhin.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya at tumingin muna ng masama bago bumaling kay John ng may pekeng ngiti. "It's ok-

"Don't do that again." Maanghang na sabi ni Seven. Dumampi ang palad niya sa likod ko kaya't napamura ako ng mahina ng bahagya akong mapaliyad. "She's now off limits." Umigitng ang panga niya.

Nanlaki ang mata ko. Tumawa ang mga matatandang nasa harap namin. Nakita kong tinap ng isa doon si John. "Son, you should ask the lady first if she has a boyfriend. I don't want a fight between the Kwon's." saka muling humalakhak ang halatang tatay ni John.




Kumalas ako kay Seven. Naiinis ako kung bakit niya ako binabakuran. Hindi ko naman siya boyfriend! Malilintikan talaga sakin ang lalaking ito mamaya, ayokong dito siya awayin dahil lalo lang akong liliit.




Tumingin ako kay John na may nanghihingi ng tawad na mga mata. Tumango naman siya at ngumiti saka kumindat. Ngumiti rin ako pabalik. Bumaling ako kay Seven na may masamang tingin ngunit mas madilim ang mata niya kaysa sakin. Inirapan ko na lamang siya, mabuti nga't hindi iyon napapansin ng mga nasa harap namin dahil busy sila sa isa't-isa.



Saglit na umalis si Seven at pinauna na akong umupo sa isang round table na walang tao dahil kailangan niyang puntahan ang mama niya. Naisip kong tawagan si papa ngunit ng naka dalawang ring ay binaba ko na at nasapo ko pa ang noo, busy nga pala iyon. Kaya tinext ko na lamang siya na nandito ako.



Muling bumalik si Seven. "Are you hungry?"

Umiling ako. Hindi ko malaman kung bakit hindi ako ginugutom. Bumaling ako sa kanya ng may maalala. "Bakit off limits ako ha?"

Ngumisi siya. "Because you're with me."

Tumawa ako ng peke. "Alright. Ngayon lang naman tayo magkakasama kaya pagbibigyan na kita."

Hinaplos niya ang dulo ng buhok ko at muling nagtaasan ang balahibo ko sa leeg papunta sa tenga ko. "You misunderstood it baby, when I say you're with me. It means you are with me... alone. Just with me all the time."

"What do you want."

Kumindat siya. "You know who I want."




Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ng silyang inuupuan ko. Bumaling ang ulo niya sa likod ng ulo ko, tila nagtatago ng mukha ngunit nalaman ko nalang ng singhutin niya ang batok ko. Napalayo agad ako at siya namang halakhak niya. Kinurot ko siya sa hita at alam kong hindi siya nasaktan dahil naka-maong siya. Kinagat ko ang labi at nag-iwas ng tingin, hindi ko rin mapigilan ang mapatawa sa mga ginagawa niya.




"Uy natatawa siya. Kinikilig ka no?" bulong niya sa tenga ko dahil nakabaling sa ibang direksyon ang mukha ko.




My heart pounded much more. Palpitating like there's no more tomorrow. Thinking he's just an inch away makes me panicked and feel shivers at the same time. He is so intimidating but when you start to get along gusto mong ganun nalang siya para wala ng makapansin sa kanya.




Humarap ako sa kanya. Sobrang lapit ng mukha niya ngunit wala sa aming lumayo. He stared at me, at my soul like he wants to go inside in a deep way. Nakangisi siya kaya't ngumisi rin ako. Lalong lumawak ang ngisi niya.




"Why did you kiss me?" mahina at paos niyang sabi habang titig na titig sa akin. Naramdaman ko sa buhok ko ang daliri niyang dumudulas lamang habang iniikot niya iyon.

"You don't like it?"

Ngumisi siya at kinagat ang labi. Napalunok ako at saglit na sinulyapan ang pumupula nanaman niyang labi. Tangnang labi 'yan! Umiling siya. "I don't"

Natawa ako at hinila ang laylayan ng dark blue blazer coat na suot niya. "Uhh... talaga?" irap ko.

He burst a sexy damn laugh. Gah! Maloloka na ko! Is he seducing me? Tumango siya. "So now, convinced me to like it. Do it again."

Ngumisi ako ng peke saka siya sinapak sa may tiyan. Napaubo siya. "Ayun maraming bote dun, doon ka nalang."

Tumawa naman siya at kinurot pa ang pisngi ko. "Kasalanan mo kapag nalululong ako diyan sa labi mo."

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon