Kabanata 56

376 14 1
                                    

Idol


Padyak ako ng padyak habang inaantay na i-dismiss kami. Kating-kati na kong lumabas upang muling matawagan ang bruhang Shon! She shocked me! Pagkatapos niyang sabihing 'I'm back' ay bigla namang sumulpot ang professor namin kaya napilitan akong ibaba, napakastrikta kasi 'nun. Hanggang sa nagsunud-sunod na ang dating nila kaya hindi na ko nakapag-back call.


"Do you already have plans for next week?"


Kanina pa ko nakatitig sa nagsasalitang professor namin sa harap ngunit doon lang ako nagkaroon ng ulirat sa tinanong niya. Binubura na niya ang mga sinulat niya kanina sa white board habang nakangiting nakasilip sa amin. Tapos na pala ang klase. Umingay ang paligid at ako lang yata ang walang alam sa ikina-iingay nila.


"Meron na kaming na-plano ma'am! Pero wala pa kaming representative, we're running out of time." sabi ni Genie. Isa siya sa officer ng org. kaya updated ang block namin.

"Kulang kami sa oras ma'am!" nagsusumbong na sabi ng isa ko pang kaklase.

Tumawa si ma'am. "Ay naku, sayang naman. Malaking incentives iyon lalo na kung manalo ang organization niyo."


Kumunot ang noo ko. Ano bang meron?


Umalis si ma'am na iniwan kaming maingay at nagkakagulo. Iyong iba ay bumilog pa para makapag-usap. Tumayo na ko at hindi na sila inintindi. Habang inaayos ko ang gamit ay idina-dial ko na ang number ni Shontelle! I miss that bru so much. Nang biglang mapatingin ako sa isang bilog na iyon ng mga kaklase ko. Tumaas ang kilay ko nang makitang nakatunganga silang lahat sakin. Wala naman kasi akong close dito.


Ipinagpatuloy ko na lamang ang pag-aayos ng gamit at handa na akong lumabas nang may tumawag sa pangalan ko. Mula doon sa bilog.


"Caes!"


Nilingon ko iyon. Si Shane na papalapit sakin. Kahit naman wala akong close dito ay alam ko na ang pangalan nila, hindi ako ganun kasama para hindi matandaan ang pangalan nila sa mahabang panahon.


Itinaas ko lamang ang kilay ko habang patuloy pa rin sa pakikinig ng pag-riring ng kabilang linya.


Lumunok siya at pumunta muna sa gilid ang kanyang paningin bago tumingin sakin ngunit hindi pa rin ganoon kadirekta. Seemed like she's intimidated to me. Kinagat niya ang labi at bumuka ang bibig ngunit binawi niya rin at itinikom. Nakanguso niyang nilingon ang bilog na pinanggalingan. Kumunot ang noo ko.


Ano bang kailangan niya? At itong Shontelle na ito ay hindi nasagot?


"What?" pagkuha ko sa atensyon niya dahil tila hiyang-hiya siya sakin. 'Yung mga kasama niya ay panay ang cheer sa kanya na 'sige na, kaya mo 'yan.'

Humarap siya sakin at nag-alangang ngumiti. "Uhm.. Caes.. kasi 'yung sa ano sana.. 'yung sa next week? P-pwede bang-

Inis kong binaba ang cellphone dahil walang bruhang Shontelle na sumasagot. Tinignan ko si Shane. Nag-iwas siya ng tingin. "Ano bang meron next week?" tumingin ako sa mga kaibigan niya na nakatunganga samin. Gulat sila.

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon