First
[He wants me, Caes. He wants me back kaya nandito siya-] napatigil siya at napatingin sa likuran niya. Magpapaalam na sana siya but too late, bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang nakangiting mukha ni Kirt na may dala pang dalawang plastic bag. Ngunit nawala ang ngiti niya ng makita ako.
[Pinapakuha mo ko? Gusto mo ba talagang bumalik ako sa pilipinas, Shontelle?] his jaw clenched at unti-unting ibinaba ang mga dala. Humakbang siya palapit. Kinuha niya ang cellphone ni Shon saka ako hinarap.
This is the first time I saw his eyes like that. Scary and it's like you are in danger once you'll try to block his way. Tinignan muna niya si Shon na nakahawak sa ulo at nakayuko saka muling bumaling sakin, natakot naman ako.
[Sabihin mo sa kanila, lalo na kay Clae..] again his jaw tightened. [Hindi na ko babalik diyan, alam ko na ang lahat. They want to tear us apart. Nung una hindi lang ako pumalag, but now?..] he faked a laugh. [Hindi na ko papayag na kontrolin nila Shon. Alam pala ito ni Clae pero wala siyang ginawa, alam naman niyang mahal ko si Shontelle e, pakisabi sa kanya... fvck him!]
[Please, Kirt.. no.. don't..] hindi maituloy ni Shon ang sasabihin dahil sa sobrang paghikbi. Hindi ako makapagsalita, may ganito na palang kwento bakit hindi ko manlang alam? Ano-ano pa bang sikreto ang malalaman ko sa Eastrad?
[Caes, I'm sorry but I will stay here. Gagawa pa rin naman ng pangalan ang Eastrad kahit wala ako. It's just that mas priority ko si Shontelle ngayon. Sana maintindihan mo kung anong punto ko. I really don't know how will I continue my life when she's not around. When I know that she is here-in a fvcking place without me surrounds her. At kung susubukan nilang puntahan ako dito..] muling dumilim ang mga mata niya. [Hindi.Ako.Sasama.]
The finality in his voice made me cry the whole time. Nagulat din ako dahil nakikita ko sa mga mata ni Shontelle na ganun din ang nararamdaman niya kay Kirt. Ngunit tila hindi lang talaga siya panatag dahil kalaban nila ang mga magulang niya. She said..
[Sa sobrang sama ng loob ko kahapon nang malaman kong kaya pala ako pinatapon dito because of Kirt, nasabi ko sa kanya. May kasalanan rin ako pero I don't know masaya ako na nandito siya. Pero, Caes.. you know my parents. Alam mo ang kaya nilang gawin..]
"You two should fight.." wala sa sariling sabi ko.
Nag-aalangan siyang tumingin sakin. [Do I?]
Ngumiti ako. "Kung si Kirt nagawang i-sacrifice lahat, dapat kahit papaano gagawa ka rin ng paraan para hindi masayang ang lahat ng iyon." Muli akong ngumiti. "It's your happiness, Shon. Iyon ang nakasalalay dito, I hope you would have the courage to face it bravely. Kayong dalawa ni Kirt. I believe in you guys.."
I sighed. Paano kung sa akin kaya iyon mangyari? Yung tipong mismong mga magulang mo na ang kalaban mo? Napitlag ako sa pagkakahiga sa sofa ng tumunog ang cellphone ko. And it was Vann, kumalabog ang puso ko at tarantang-taranta kung paano ko siya babatiin.
"Hm?-
[Ayos ka lang ba?]
Kumunot ang noo ko sa boses na ginamit niya. Nag-aalala. "Oo. Bakit?"
He sighed [Akala ko pinagalitan ka ni Luther e..] for a while we stayed silent. Pero binasag niya iyon. [Kumukuha na ng ticket sina Clae at Luther papuntang Germany ngayon. Desidido silang pabalikin si Kirt.] saka bumuntong hininga.