My mother's flaws
"At kailan ka pa natutong maglihim samin ng ganyang mga bagay!?"
Sumisikip ng matindi ang dibdib ko. Kumuha ako ng lakas mula sa inuupuang sofa upang makatayo at harapin ang nangngangalaiti kong ina. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pag-iling ni papa sa screen ng laptop.
Paglabas na paglabas ko palang ng kwarto mula sa pagkakahimbing ay nakita kong magkausap sina mama at papa. Nang maramdaman nila ako ay agad akong kinompronta ni mama. Hindi ko alam kung paano kaya iba nalang ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa kaba.
Nalaman nila.
"Ma. I'm sorry. Balak ko naman pong sabihin sa inyo e—
"May kinalaman ba ang lalaking iyan sa hindi mo pagpasok nung nakaraang mga araw?!"
"Wala, ma. Wala po." pigil-pigil ko pa rin ang mga luhang gustong kumawala. "Hindi po siya ang dahilan. Wala siyang ginagawang masama, ma."
"Hindi ako naniniwala. Dahil nakita ko ang reaksyon ng tao sa mga accounts mo! Anong ibig nilang sabihin sa mga iyon?! Bakit ka nila nilalait!?" matalim siyang tumingin sakin ngunit mamula-mula ang kanyang mata. "Hindi ko na alam kung paano pa kitang paniniwalaan ngayon, Caeslei Rehm. Pero isa lang ang gusto namin ng papa mo.."
Kinabahan ako sa naglalarong emosyon sa kanya dahil miski isa ay wala akong makita. Tumingin ako kay papa na may galit at malungkot na mga mata. Doon bumuhos ang mga luha ko. Did I disappoint them that much? Did I waste all their sacrifices? Did I? Because for me, I didn't. Nagmahal lang ako sa panahong hindi nila inaasahan, is that a sin?
"Leave the man."
Nanlaki ang mga mata ko at tumigil ang paghinga ko ngunit sasabog na ang puso ko. I can't do that easily! Bakit hindi nila maintindihan?! Wala naman kaming ginawang masama, bakit kailangan humantong sa ganito. Bakit 'yung iba hindi naman ganito kung paghigpitan. Wala akong makuhang sagot kung bakit ganito sila kahigpit, but I'm thankful they are because they love me for real. But it's too much! Sumusunod naman ako sa lahat ng gusto nila, but not this time.
"No, ma. H-hindi ko magagawa—
"Caessi!" dinig kong sigaw ni papa.
Napatigil ako sa pagsasalita. Dahil sa unang pagkakataon ay nagimbal at umikot ang paningin ko dahil sa isang sampal!
"Gagawin mo! Hindi mo ba nakikita, sinisira ka niya! Walang ibang dulot ang pakikipagrelasyon mo diyan dahil masisira ka lang! Iiwan mo ang kung sinong herodes na iyon, naiintindihan mo? Dahil kung hindi. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko, Caeslei Rehm. Kilala mo ako, 'wag mo kong subukan!"
"Ma.." garalgal ang boses ko habang sapo ang mainit kong pisngi. Tila dumikit na ang kamay ni mama doon. "Hindi—hindi ko po kaya.."
"Bakit buntis ka na—
"Hindi ma! Ma, hindi." Pigil ko dahil nakita ko ang pagtutubig ng mga mata niya. After all, I don't want to cause pain to her. "P-pero hindi ko siya kayang iwan, ma. Please, mama.."
Tumingin siya sa malayo at nakita ko ang marahas niyang pagbitaw ng kanyang hininga at pilit na pagpigil sa mga luha. Nasasaktan ako sa nakikita ko.
