Kabanata 37

340 12 0
                                    

Pinakamaganda



Halos mahilo na ko sa kakaikot ng mata paglabas ng office. Dito ko ibinuhos lahat dahil hindi ko naman pwedeng irapan ng harap-harapan si dean. Dapat ay second offense ko na ito ngunit dahil hindi pa naman nagsisimula ang klase ay hindi na nila ito binilang. Bagkus ay maglilinis nanaman ako ng office.. at ito mismong office niya na parang wala namang dumi. Sina Seven at 'yung nakaaway niya ay sa office ng faculty, iyong nilisan ko dati.





Lumabas na ako. Isang hakbang palang ay may bumangga na sa likod ko at bago pa ko makaharap ay nakita ko na ang likod ng bading na nakaaway namin parehas ni Seven nasa unahan ko na at naglalakad na parang hindi niya alam na nakabangga siya.



"Gago! Hampaslupang 'to! " sigaw ko. Alam ko namang hindi niya maiintindihan.

Lumingon siya. "What?!"



Inirapan ko lang siya at hinawi ang buhok ko. Umirap lang din siya ng hindi makakuha ng sagot sakin at tuluyan ng umalis. Humalukipkip ako at sumandal sa pader sa tabi ng pinto ng office, ang tagal naman ng isang 'yon. Tatanungin ko pa siya! Isa pa siyang gago.




Ilang segundo pa ay bumukas ang pinto. Kumunot ang noo ko ng bumungad sakin ang malawak na ngisi niya sa mukha. Tinanggal ko ang pagkakahalukipkip at hinarap siya. Mas lumawak ang ngisi niya.




"Anong nginingisi-ngisi mo dyan?"

Tumaas ang kilay niya. "Masama ba? Tara kain tayo." Saka umakbay sakin na agad ko namang tinanggal.

"Pwede ba? Hindi tayo close noh." Irap ko. "Bakit ka ba nandito ha?!"

"You didn't heard what I've said, did you?" inis na aniya. "I said I am going to transfer here."

"Baket?"

Tumaas ang kilay niya. "Anong baket? Earth on you, lady."

Napangiwi ako sa sariling katangahan. "E-eh bakit dito. Marami namang mas magandang school diyan."





Pumaskil nanaman ang nakakakilabot niyang ngiti. Tumindig ang balahibo ko. Ilan bang ngiti meron ang lalaking ito? Minsan nakakatakot minsan... nakakatakot pa rin. Nakakatakot dahil nakakatunaw! Ugh! "Nandito kasi 'yung pinakamaganda." diin niya saka kumindat sakin.





Muli niyang inilagay ang braso niya sa balikat ko at binigatan niya na ito upang hindi ako makapalag. Hinihila niya ako sa kung saan. Mamaya pa kami magsisimula kapag pumatak ang alas-kwatro ng hapon, alas dose palang ng tanghali.





Tumunog ang phone ko kaya sinilip ko ito sa shoulder bag na dala ko ngunit napasilip ako sa kamay niyang nakadantay sa balikat ko. Nanliit ang mata ko sa kamao niyang may namumula at nahahaluan na ng kulay violet. Nakikita ko rin ang ilang ugat nito. Namamaga na! Eto na nga ba ang sinasabi ko! Napatingin ako sa kanya ngunit diretso lang ang tingin niya sa daan hanggang sa tumingin na din siya dahil naramdaman niya ang titig ko.

Tumaas ang kilay niya at doon ko lang naalala ang cut niya sa labi! Hindi na iyon nadudugo dahil namuo na! Nagulat nalang ako ng marinig ko ang mahihina ngunit maririin niyang mura bago mahinang tinabig ang mukha ko sa kabilang side. Nagtaka ako.




"'Wag mo nga gawin 'yan dito!" singhal niya. Naramdaman ko ding inalis na niya ang pagkaka-akbay niya.

Nangiwi ako sa akto niya. "Ano bang ginagawa ko?!"

Muli nanaman siyang nagmura at kinamot pa ang tenga dahilan para mamula ito. "'Wag mong titigan 'yung labi ko!" sabay iwas ng tingin.




Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon