Kabanata 55

484 12 8
                                        

For good

"Achiiiii!"


Sumimangot ako sa megaphone kong kapatid. Tumalon siya mula sa likod ng mahaba naming sofa at patalbog na umupo sa tabi ko habang may hawak na nail cutter.


"Calei!" sigaw ko nang lumubog iyon. Baka masira, buti kung siya lang ang mabubungangaan.

Ngumisi siya sakin. "May nakita akong squidward na ballpen malapit dun sa school ko. Bente lang."

"Oh, anong pake ko?" umirap ako saka inayos muli ang tela ng uniform ko.

Idinuldol niya sakin ang mukha niya kaya napalayo ako. Hinampas ko siya at umangil naman siya. "Aray! Ayaw mo na kay squidward?"

"Sino ba nagsabing gusto ko si squidward!?" galit kong sinabi. Bwisit na 'to may pinapaalala pa sakin! Naiintindihan ko namang wala siyang alam pero... argh!

Nanlaki ang mata niya. "Eh bakit ang dami mong-

"Binigay lang 'yun! Alangan namang hindi ko tanggapin?!" gusto ko siyang sigawan sa mukha kaso hindi ko magawa dahil maririnig kami ni mama.

"Eh bakit nagpapabili ka-

"TUMAHIMIK KA NA NGA CALEI MHER!" nagtagis ang panga ko. "Lumayas ka sa tabi ko!" lumayo ako sa kanya.




Mula sa gilid ng aking mata ay nakita kong natigilan siya. Bigla tuloy akong na-guilty. Huminga nalang ako ng malalim at pumikit bago humarap sa kanya. Nakanganga pa rin siya at pakurap-kurap sa harap ko.


"Calei.." hindi siya sumagot. "Dito na ko... for good."



Lalong lumaki ang mata niya at pagkabukas ng bibig niya. Napairap ako kahit natatawa sa reaksyon niya. Nagulat ako ng tumalon siya sakin at niyakap ako ng mahigpit. Sigaw siya ng sigaw ng achi at tawa ng tawa habang pinapatay ako sa yakap niya!


"T-te-Calei!"

Humalakhak siya at lumayo. "Hindi ka na aalis? Dito ka na? Tabi tayo mamaya? Kahit bukas din saka isang bukas?... Achiii!" saka muling yumakap sakin. Ilang saglit ay narinig ko na ang hikbi niya.

Tumawa ako at pinalo ang braso niya. "Ang OA mo."

"Hindi a! Masaya ako kasi hindi nalang ako ang uutusan ni mama."

Tumawa ako. "Tamad ka."

Lumayo siya sakin at pinunas ang mata. "Totoo ba? Hindi mo ko tino-talk shit ha?"

"Bunganga e."

Umirap siya at pinunas ng maigi ang pisngi. "Psh. Malaki na ko." tinitigan niya ako ng mabuti. "Sinong nagsabi? Sila mama?"


Napasinghap ako at nagbaba ng tingin. Umiling ako.


"Ikaw lang ang nag-decide? Paano 'yung studies mo doon?"




Lumukso ang puso ko. Mula nang lumapag ang eroplanong sinakyan ko dito sa Pilipinas ay iyan na ang iniisip ko. Tatlong araw na mula nang magpasya akong bumalik dito.


Paano ako nakaalis? Nagpaalam ako kay papa na dito ko na lamang ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. Nung una ay nagtatanong siya ng masinsinan ngunit isang araw lang ang itinagal ay pumayag na siya. Hindi niya ko pinigilan sa gusto ko na ipinagtaka ko ngunit dahil kilala ko ang papa ko, alam kong hindi siya namu-mwersa kapag ayaw namin.




Hindi ko alam kung anong sinabi niya kay mama. Dahil nung umuwi ako ay hindi ako sinigawan o binulyawan, katulad pa rin ng dati. Pero mas kinakausap niya ko ngayon, at ramdam ko din ang pagka-miss niya sakin na iniyakan ko ng isang gabi.


Masaya ako kasi napatawad niya na ako sa kasalanan ko sa kanila noon. Kaya ngayon hindi ko alam kung paanong sasabihin sa kanya. Ramdam kong wala siyang alam sa pag stay ko na dito.



At si... Se-hays. Simula nung may nangyari samin ay hindi na ko nagtangka na kausapin siya. Para saan pa? Hindi rin naman niya ako kinakausap o madalang niyang idapo ang mata sakin. Para akong hangin na nilalampasan. Mas ok na iyon.



Kaso bigla nalang siyang nawala, hindi ko alam kung saan siya pumunta, gusto ko man magtanong ay pinigilan ko. Isang linggo iyon, kaya doon ako nagkaroon ng tyempo para sa plano kong bumalik dito. At kahit naman nandoon siya ay wala siyang pakielam, hindi niya ko pipigilan dahil wala akong karapatan para luhuran niya.




Oo, aminado ako. Simula nang umalis ako doon na-realize kong nasa akin ang malaking pagkakamali. Dapat hindi ko ginawa iyon. Kinupkop ako ng mga magulang niya, pinag-aral, maganda ang trato samin ng papa ko. Nagi-guilty ako. Lalo na nung paalis na ko.



"I will miss you, darling. Please comeback here, ok? Our door is always open for you." naluluhang sabi ni Mrs. Kwon




Hindi ko alam kung paano kong kinayang maglakad palayo. Itinuring nila akong kanila pagkatapos ay ganun na lamang ang ginawa ko sa tunay nilang anak. But what can I do? Hindi ko na alam kung ano ang totoo.


Nararamdaman ko siya pero hindi ko alam kung dapat ko siyang pagkatiwalaan, naubos ang tiwala ko.



Nilunok ko ang nagbabadyang luha. Sa mga lumipas na araw nakikita ko nalang na umiiyak ako dahil sa pagka-miss sa kanya. Denying won't help and change what I just feel for him.


"Achi?"

Huminga ako ng malalim at tumikhim. "Sinabi ko na kay papa at pumayag siya... k-kay mama hindi ko pa nasasabi."

Ngumuso siya. "Samahan kita?" alam niya rin kasi ang ugali ni mama.



Humarap ako at ngumiti sa kanya. We fight, argue like other siblings but in the end of the day we still love each other. Hinawi ko ang buhok niya.


"Hindi na. Isang sigawan lang 'yon." ngumiti ako na ikinatawa niya.



Sa ika-sampung beses napairap ako sa muling pagbangga ko sa mga estudyanteng nakakasalubong ko. Pinagpag ko ang uniform ko bago nagpatuloy sa paglalakad patungo sa classroom ko.


Tatlong buwan na ang nakaraan nung bumalik ako dito. Naka-enroll na ko sa ikaapat na taon. Mabuti't pinayagan nga akong magpatuloy at ang iilan ay naka-credit kaya hindi ako full load.



Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Tumagilid ang ulo ko nang unregistered number ang nagbi-blink sa screen.


"Sino 'to?"


[Wow. I don't know that hello is now 'sino 'to?']


Nanlaki ang mata ko nang mabosesan ko ang nasa kabilang linya.


"SHON!?" taranta kong nilipat sa kabilang tenga ang phone ko. "SHONTELLE!?"



Tumawa siya. [Don't freak out, sweetheart.] muli siyang humalakhak.




Kinagat ko ang labi dahil hindi ko maiwasan ang malawak na pag-ngiti at panay ang kagat ko sa aking daliri. It's been a long time when we had our last conversation, but she knew that I'm already here in Cavite City. I told her everything but when my class started I got so busy, so as she. Hindi ako mapakali. Namimiss ko na siya talaga.



"H-how? I mean, hindi roaming ang number na gamit mo?



Muli kong narinig ang halakhak niya. [I'm here.]

Kumunot ang noo ko. "What?"


Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.


[I'm back...]



Napigil ko ang paghinga at natigil ako sa paglalakad. Natulala ako nang ilang saglit bago tumili nang napakalakas!



Wala akong paki sa mga napapatingin at umiikot ang mga mata sakin. Naluluha kong tinakbo ang daan patungo sa gate ngunit nang maalala na may klase ako ay parang tanga akong tumakbo pabalik sa loob.

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon