Unang tikim
Napabalikwas ako at tarantang inayos ang sarili. Kumabog ng matindi ang dibdib ko sa kaba. Tumingin ako kay Luther na nakangiti habang ang dila niya ay nasa pisngi niya tila aliw na aliw. Lumapit ako kay Vann at hahawakan na sana siya ngunit hinila niya lang ako papunta sa likod niya habang diretso at masama pa rin ang tinging ipinupukol sa kay Luther.
Humarap samin si Luther. "Possessive e?" sarkastikong aniya.
"Wala kang pakielam. Pag-aari ko na 'to."
Tumango-tango naman siya. My gosh, his smile! He is definetly mocking. Hinawakan ko ang braso ni Vann upang kumalma ngunit nagulat ako ng maramdaman ang panlalamig niya.
"Grabe pala ang isang Savellano magselos, kahit kaibigan hindi pinapatawad—
"Dahil minsan may mga traydor din."
Humalakhak si Luther. Lumapit ang iba dahil kita sa mukha ni Vann ang kaseryosohan. "Am I one of them? What do you think?"
"What do you think?" balik tanong ni Vann.
Ngumisi naman si Luther. "Maybe yes. Maybe no."
"Naglalaro ba tayo, Luther?"
Muli ay umalingawngaw ang halakhak ni Luther. Ngayon ko lamang siya nakitang ganito. Iba sa mga nakikita ko sa kanya. Oo, sanay akong seryoso siya kadalasan kaya naninibago ako sa pagiging sarkastiko niya at tila nanghahamon ang bawat bagsak niya ng salita pati na rin ang paraan niya ng pagtawa, parang nang-aasar.
"Oo. At ikaw ang taya."
Ngumisi si Vann ngunit alam kong naiinis na siya. He is a short tempered person kaya bago pa sila magkaasaran ay bahagya ko na siyang hinihila palayo. Tumingin siya sakin at ganun nalang ang paglunok ko ng makita ang galit sa mata niya kaya unti-unting dumudulas ang hawak ko sa kanya. Pero bago pa iyon tuluyang malaglag ay mahigpit niya iyong kinuha, filling all the spaces in my fingers.
"I'm not a player. So I am not interested." Matapang na aniya saka kami lumabas ng shop.
Hila-hila niya lang ako kaya hindi na ko nagbakasakaling magsalita pa. Sa klase ng tinging ibinigay niya sakin kanina ay dapat lang na tumahimik muna ako upang hindi siya masabayan. Pero nagkamali pa ako dahil minasama niya ang pananahimik ko.
"Ano. Wala ka manlang sasabihin?!"
Gulat akong napatingin sa kanya. Hindi ko alam ang lugar na ito kaya't laking pasalamat ko nalang dahil kakaunti lamang ang mga taong dumadaan. Tiim ang panga niya at malalim ang hinga. Umiwas ako ng tingin dahil sa intensidad ng kanyang tingin sa akin, at hindi ko gusto iyon.
"Wala akong ginagawa—
"Pero siya may ginagawa!"
Huminga ako ng malalim. Hindi ito ang unang pag-aaway namin ngunit ito ang unang beses na labis ang pagsigaw na ginagawa niya. "Pinipigilan ko siya Vann! Kilala mo ako. Hindi ako basta-bastang babae na basta nalang pumapatol sa iba kahit may karelasyon na."
Humalukipkip siya at muling nagtagis ang bagang niya. "Sabihin mo nga. May gusto ba siya sa'yo?"
Nalaglag ang panga ko dahilan upang pagak akong mapatawa saka ngumiwi. "Naririnig mo ba ang sarili mo? Vann, walang gusto sakin si Luther! Alam niyang tayo kaya hindi mo dapat iniisip iyan!"
"Bakit hindi ko maiisip. Sa inaasta niya halatang may gusto siya sa'yo, Rehm! I'm not a child so don't make me stupid!"
Kinagat ko ng mariin ang labi saka ipinikit ang mata. "Bukas nalang tayo mag-usap." malumanay kong sabi. Binuksan ko ang mga mata ko at nasalubong ko ang mas maiinit at malalalim niyang tingin. "H-hindi natin ito maayos kung galit ka.." lakas loob kong sabi kahit panay ang tahip ng dibdib ko.
"Alam mo ba kung bakit ganito nalang ako magselos?" lumapit siya at kumabog lalo ang puso ko. "Dahil kahit hindi pa kita tuluyang kilala, binibigay ko na sa'yo lahat ng kaya kong ibigay. Na kahit hindi pa tayo ganun katagal, tumatatak na sa isip kong ikaw at ikaw lang ang ilalakad ko sa altar."
Tumigil lahat. Napatunghay sa harap niya at pilit na isinisiksik ang mga pinakamagandang salitang ngayong ko lamang narinig sa buong buhay ko. Patuloy ang pagkalabog ng puso ko ngunit tumigil ang paghinga ko. Hindi ko lubos maisip na sa ganitong edad ay naiisip na niya iyan... sa akin pa. Masaya ako sa narinig ko pero mas nanaiig ang takot na baka hindi iyon mangyari. Na baka sa sobrang advance niya ay magsawa siya at makahanap ng iba. Masyado pa kaming bata para doon kaya hindi pa ito ang tamang oras para doon.
I'm afraid that one day I will wake up and he is not mine anymore yet he said he'll walk his life with me. I'm afraid of the fact that I am just a nobody compare to some other girls, they can be his good asset while me... I don't know maybe I'm just an excess baggage.
What do I have? My dancing skills? Nah, he can't marry me because we have the same passion. What else? Wala na kong maisip para isipin niya ang sinabi niya kanina.
"Rehm.."
Doon ako natauhan. Malambing at mabini ang boses niya ng tinawag ako. Hinawakan niya ang mukha ko patungo sa leeg ko at doon iyon nagtagal. His thumb goes up and down in my neck, touching it all over again.
Kinikilabutan ako dahil sa kaunting hawak na iyon. Hindi ko alam kung bakit hindi ako masanay-sanay dahil madalas naman niya itong gawin. Yumuko na lamang ako upang hindi niya makita ang unti-unting pagpula ng pisngi ko.
But his other hand guiding my chin upward just to meet his electrifying black eyes. Lalong nadedepina ang kilay niya dahil sa paraan ng pagtingin niya sakin, hindi nakakatakot. His iris is slowly getting bigger.
"After you graduate. I will proposed to you and right after you graduate in college, we will get married."
And everything is a blurr. Hindi ako nakapagsalita at naramdaman ko nalang malambot na bagay sa labi ko. I'm not dumb, I know he kissed me. Dahil sa halo-halong pakiramdam ay naitulak ko siya kahit kakadampi pa lamang ng labi niya sa labi ko. First, I don't know what to do. Gusto ko siyang itulak dahil hindi naman pribadong lugar itong kinatatayuan namin. Second, damn it's my first time! Why he didn't bother to have an introduction!
Pero hindi niya ko hinayaang makalayo ng tuluyan dahil pagkatulak ko sa kanya ay agad niyang inagapan ng hapit ang baywang ko papunta sa kanya. Sumubsob ang kamay ko sa matigas niyang dibdib gawa na rin siguro ng pagsasayaw. Hindi ko alam kung nag-ggym ba siya dahil hindi na tumatakbo ng maayos ang isip ko.
Nagwawala ang bawat parte ng sistema ko at siya lang ang nakakagawa nito. Nahihirapan ako sa paghinga at kinukuha niya ang lahat ng lakas ko. Mahina pa rin akong bumulong ng pasasalamat dahil nakakaya ko pang tumayo at dahil na rin iyon sa tulong niya.
Muling umakyat ang isang kamay niya sa leeg ko at kahit pinipilit kong labanan ang ginagawa niyang pagtulak doon papalapit sa kanya ay hindi ko na nagawa dahil miski ako ay unti-unti nang nanghihina at nalulunod sa kakaibang pakiramdam. Napalunok na lamang ako ng buo ko nang malanghap ang nang-aakit niyang pabango na humalo sa nakakadala niyang hininga.
"Do you want me to stop?" paos na boses at malamlam ang mga mata niya. "Do you want me to stop what I want to do with you right now, Rehm?"
Kinagat ko ang labi dahil ayokong umamin! His presence makes me weak that, all I want to do is to let him, to obey him. Para akong nasa ilalim nang isang malakas na kapangyarihan at sundin nalang lahat ng gusto niya ang tangi kong magagawa.
Nang hindi ako magsalita ay muli niyang idinampi ang labi niya sa labi ko kaya ang pagpikit at pagdama nalang sa susunod niyang gagawin ang nagawa ko. Pero muli akong napadilat ng doon lang iyon, hindi manlang lumalapat san g mariin sa labi ko. Direkta lang siyang nakatingin sa mata ko na may namumungay na mata.
"If you want me to continue..." napasinghap ako ng maramdaman ko ang labi niya sa bawat pagbigkas niya ng salita. "Kiss me." saka marahang kinagat ang pinakagilid ng labi ko.
He's killing me!...