He can't be
Sorry if I hadn't update these past weeks. I got sick and may nilalakad akong mga papeles. Pero ita-try kong mag update ng two to three chapters ngayon, para naman hindi masayang ang paghihintay niyo. Sa mga dedication din, hinahabol ko nalang kasi madalas sa mobile ako nag a-update e, hindi ko alam paano magdedic sa mobile.
At sa mga SKYDRAGON dyan! Lumabas kayo haha. Saka sa mga matiyagang reader ko, salamat ng hard! Minsan nawawalan na ko ng feels kaya magsilabas kayo! Haha. AND! I just want to promote another story of mine, actually nasimulan ko na siya and some chapters already posted. FROZEN SECRETS po ang title, sana basahin niyo din :) kapag natapos ko na itong JAC doon naman ako magpo-focus. Anyway this was my longest author's note. Gaja! Enjoy reading!
Pasimple akong nagtipa ng sagot dahil panay na rin ang sulat ng guro sa harap. Nanginig pa ng isang beses ang kamay ko habang nagtitipa kaya't iwinasiwas ko muna ng bahagya ang aking kamay at pinatunog ang bawat daliri.
Ako: Anong bang pinagsasabi mo!? Nasa klase ako, tumawag ka pa!
Siya: Hindi ka na kasi nagreply.
Napakagat akong muli sa labi at hinahalungkat ang dahilan ng panginginig at pagkakamanhid ko dahil sa mga dumadaloy sa aking katawan.
Ako: I'm busy.
Siya: I'm sorry. Tinawagan na kita kasi hindi mo na ko nireplayan. All I'm saying is whenever you ignore me.. I am close to own you.
Anak ng---! Anak talaga ng--! Ano bang... SHEEEEET! Saan ba niya... ahh--!
Naalala ko nanaman tuloy 'yung minsang dalhin niya ako sa condo niya. Noon ko lang nalaman na may condo pala siya. Iyon daw kasi talaga ang hinihiling niya sa papa niya, siya ang sumundo sakin sa school at dumaan kami doon bago umuwi. Gagong 'yon! Walang ginawa kundi ang nakawan ako ng halik minsan sa sobrang tagal namamanhid na ang labi ko! Ayaw niyang tantanan!
Hanggang sa t'wing maaga ang uwian ko siya ang sumusundo sakin at dinadaan ako doon. Madalas siya ang nagluluto pagkatapos ay magmu-movie marathon kami at iyon nanaman ang pagdikit-dikit niya saka ako hahalikan! At kapag nadadala na ako tatawa siya saka ako yayakapin nalang at magbe-behave na.
"Caes?"
"Ha?" napatunganga ako sa kay Aikah. Kusang tumikom ang bibig ko ngunit nagwewelga na ang puso ko sa loob. I felt the familiar yet strange feeling that I haven't felt since I'd been here.
Hinawakan niya ang balikat ko. "Are you.. ok?" sabay baba ng tingin sa aking telepono.
Kumurap ako at pasimpleng inilagay iyon sa bulsa ko saka ngumiti. "Oo naman. Sige na baka mahuli pa tayo ditong nagdadaldalan." Humarap na ako sa prof namin at inayos ang upo.
Nakita ko sa gilid ng aking mata na tumitig pa siya sakin saglit bago inayos ang upo at nakinig sa harap. Pumikit ako ng mariin at pinagdasal na kumalma ang sarili. The spark and tingling sensation I am feeling is forbidden. I shouldn't feel this kind of emotion because of him, he is forbidden. He can't be my match. My karma, either good or bad. He can't be.
Ayokong sagutin ko ang sarili kong mga tanong. Ngunit habang tumatagal kong i-deny ay lalo kong nalalaman ang sagot! Ayokong sabihing ito ang dahilan kung bakit iba ang turing ko sakanya, kung bakit ko siya iniiwasan. Because damn! I already know what the fvcking reason is! Pero hindi ko hahayaan ito, pipigilan ko ito. Hindi na ako mahuhulog muli sa patibong. Hinding-hindi na. I am not going to dish myself in my own oil.
