Perfect surprise
Buong buwan ay igunugol namin sa pagpa-practice at sa pag-aaral. Bukas ay hindi na muna kami mag-eensayo dahil hectic lahat ang schedule namin. Midterms na nila this week at kami naman ay bukod sa mga quizzes ay nalalapit na rin ang third grading at napasama ang section namin sa mga oobserbahan para sa demo ng mga teachers namin sa iba't-ibang subject.
"Grabe. Nakaka-haggard na ito mga atey ha!" sabi ng bakla kong kaklase. Niyaya ako ng tropa nila na sumama sa kanila sa lunch break.
"Naku. Bakit naman kasi kailangan lahat ng subject satin ang demo? Amper!"
"Eh kung ibagsak natin 'yung sa kay Sir Grado nang makaganti naman sa 150 items test niya na right minus wrong! Punyemas siyang dugong siya!"
Pumalakpak ang katabing si Orleane. "Tama! Tama. Brilliant idea!"
Natawa ako sa kaniya-kaniya nilang reklamo. Unfair nga naman iyon, top 5 ang section namin pero kami pa. Bakit hindi iyong mga nasa mas mataas?
"Ikaw Caes. Ano score mo dun?"
"92."
"Wow. Mataas pa rin 'yun. Ako nga wala pang 60. Buset."
"Nag-aral ka ba atey? Baka naman kasi puro ka-jowaan mo nanaman ang intendyes mo balahura ka. Wala ka namang nahihita diyan sa palaka mong boyfriend."
"Hoy! Baklang janitor fish. Baka kapag sinabi ko sa'yo ang section ng bago kong boyfriend, everyday ka ng kumopya sakin!"
"May bago nanaman?!" sabay-sabay nilang sita. Napa 'sshh' naman si Orleane bago excited na bumulong sa mga kaibigang tanging iling nalang ang nagawa. Ang bakla naman niyang katabi ay animo'y kinikiliti sa kung saan dahil sa paghagikhik nito habang panay pa rin ang bulong sa kanya ni Orleane.
Marami kaming kaklase na galit kay Orleane dahil malandi nga raw ito at intrimitida. Papalit-palit kasi ito ng boyfriend pero hindi naman ibig sabihin nun ay huhusgahan na dapat. Aaminin ko nung una ilag ako dahil parang matataray sila pero hindi, hindi naman ako sasama kung alam kong mapapasama ako. They're just hiding their real color, I don't know why but when I'm with them I felt no pressure and harm.
May mga katangian si Orleane na hindi pa nila nakikita o nalalaman kaya hindi dapat sila nangmamata agad. Yes, she's a player but when you see her eyes, there's something.
"Feeling pretty ka talaga atey! Wish luck na hindi ka mahuli sa mga kapilyahan mo. Wit na kita kilala kapag hinanap ka nila sakin ha. Pero, boom pak iyang new guy-lalu mo ha, gorabelschi ka diyan. Baka naman may kaibigan 'yan, recommend mo ko..."
At nagpatuloy ang mga kalandian nila. Napailing nalang ako at napakapa sa bulsa ng maramdaman ko ang vibration ng phone ko.
Vann: Are you eating already?
Nagtipa naman agad ako.
Me: Yup.
Vann: Alone?
Me: Nope. May mga kasama ako.
Vann: Who? Guys?!
Umirap muna ako bago tumipa. Kailangan may exclamation point agad?!
Me: Sila Orleane.
Vann: Ah. Alright. I'll fetch you there. Five pa uwian mo diba, antayin nalang kita.
Me: Ha? Bakit wala na kayong klase?
Vann: Oo. Wala 'yung dalawang prof namin. Makakapag-date na tayo :) sunduin na kaya kita ngayon? Ipagpapaalam kita sa mga teacher mo.
Me: Ano ka ba hindi pwede!
Vann: It's alright. Trust me *wink*
Napangiti ako. Dahil nga naging busy kami ay nawalan na rin kami ng time lumabas. Hanggang text chat at tawag nalang.
"Ay oh mga atey! May lumalablyf dito sa tabihan. Iuntog ko na ba sa mga masel niyo sa mukha?"
Napatingin ako kay Romart-'yung bading. Nakataas ang kilay niya sakin habang nakahalukipkip. Nginitian ko na lamang sila. Alam naman nila na boyfriend ko si Vann. Nung nalaman nila iyon ay katakut-takot na threat ang nakuha ko sa baklitang ito. Si Vann at Kirt kasi ang kinahuhumalingan niya sa Eastrad kaya na-broken daw siya kay Vann mabuti nalang daw ay may Kirt pa. Kung alam niya lang... may nag-mamay-ari na sa kulugong iyon kahit nasa malayo.
"Hoy baklang ilusyonada na may pempem! Kapal ng mukha mo. Tuktukan ko 'yang bagang-bagangan mo e!"
Binaling ko sa cellphone ang atensyon ng muli silang mag-usap. Patipa pa lang ako ng reply ay narinig ko na ang masaganang hiyawan at tilian ng mga kababaihan sa buong caf. Nilingon ko ang entrada nang pintuan ng lugar at nakita ko siya. Seryoso ngunit may mapaglarong ngiti sa mukha niya at patuloy siya sa paglinga na tila may hinahanap. Sa tingin ko'y may nag-bago sa kanya... hair cut? Tama, nagpagupit siya kaya hindi ko masisisi ang mga nandito. Maging ang mga kasama ko ay natigil sa pagdaldal at maya-maya'y pagkatapos matitigan ang mukha niya ay napalitan ng nakakabinging...
"Luther Buenavidez!!"
Dahilan upang mapatingin siya sa direksyon ko at magtama ang aming mga mata. Simula ng magka-asaran sila ni Vann ay napansin ko ang hindi nila gaanong pagpapansinan. Kaya dumistansya nalang rin ako ngunit habang ginagawa iyon ay siya namang lapit niya at parang wala lang naman sa kanya. Hindi na rin naman siya gumagawa ng kung ano-anong ikagagalit ni Vann pero ramdam ko ang pag-iiba ng awra ng boyfriend ko sa tuwing lalapit siya sakin.
"Ohmygulaynamatamlay! Ngayon ko na lang siya ulit nakita dito!"
"Wala ba sila Clae?"
"Where's Vann?! Si Kirt!!!"
"Ang gwapo niya sa uniform!!"
Patuloy sa pagpupuri ang mga kababaihan samantalang siya naman ay patuloy na humahakbang palapit sakin. Nakasalubong niya si Dwane at binutukan niya lang ito. Nakipag-high five siya sa mga kakilala at saka dumiretso sa table namin. Nilingon ko ang mga kasama ko at para na silang sinilaban ng apoy sa kanilang mga pang-upo at hindi na magkandaugaga sa mga inuupuan. Ngumuso nalang ako at tiningala siya. Maluwag ang ngiti niya sa dumaang kakilala na binate siya saka bumaling sakin.
"Hindi ba sila nagha-hire ng water girl. Kahit sa practice lang."
"Gaga. Bakit kasi wala kang talent sa dansung atey!" dinig kong bulungan nila.
"Hi."
Bahagya akong ngumiti. "You're here, well obviously." ngumiti naman siya at nagkibit-balikat. "Bakit ka andito?"
"Para makita ka?" pilyo niyang sabi.
Narinig ko naman ang impit na tilian sa paligid. Ngunit hindi ko nagugustuhan dahil kumabog ng malakas ang puso ko. Mariin akong napapikit. Isa nanamang malalakas na sigawan ang dumagundong sa buong cafeteria. At sa isinigaw na pangalan ay nanlamig ako.
"Oh my! Si Vann!"
"Uwaaa! Nasa'n sina Clae!"
Pero hindi lang doon iyon natatapos dahil kahit hindi ako tumingin ay lalo akong nanlalamig dahil sa mga naririnig ko. Hindi ko alam kung totoo ba 'yung mga naririnig ko o dahil sa lakas ng ingay ay nag e-echo nalang ang mga boses nila.
"Who's that girl? Where's Caes? Definitely it's not Caes."
Hindi ko na kinaya kaya tumayo na ko upang makita siya. Nagtama ang paningin namin. Ngunit lumipat agad ang paningin ko sa babaeng nakahawak sa braso niya na para bang takot na takot sa mga tao dito sa loob. Naramdaman ko si Luther sa gilid ko at ang pagdausdos ng kamay niya sa balikat ko. Hindi ko alam pero parang naramdaman niya ring tensyunado ako sa nakikita ko.
"Ibang school mga atey."
Si Mitchy. College na rin pala siya dahil alam ko ang school uniform na iyon. Nakakapit siya kay Vann na parang wala ako at hindi ko alam kung paano silang magkasama gayung hindi naman sila parehas ng eskwelahan. Ganun na ba sila ka-close? And for pete's sake nandito rin ang boyfriend niya! Hindi ba siya natatakot kay Luther?
Nakalapit sila at nawindang ako sa sinabi ni Mitchy.
"Wow. You two look good. What a perfect couple."
a
