Stop
"C'mmon bro!" hiyaw ni Clae. "Sasapakin na kita, Kirt Roeven!"
Tipid na tumawa si Kirt. "Go to hell."
Pumadyak si Clae. "Shit naman, Kirt e! Sumama ka na kasi!"
"Pabebe 'yang tukmol na 'yan."
"Hoy, Kirt! Baka tadyakan kita diyan. Sumama ka!"
Inayos ni Kirt ang bag at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa at huminga ito ng malalim bago tumitig sa aming lahat. Napalunok naman ako. Ayan nanaman 'yung mamamatay-tao-look niya.
"Hindi ako sasama. Ayokong sumama. 'Wag kayong paulit-ulit." saka nagpaunang lumakad palabas ng campus nila. Ako at si Dwane lang ang high school palang samantalang the rest ng Eastrad ay college na.
Narinig ko ang mahihinang mura ni Luther at Clae samantalang si Dwane..
"Damn you man! Letche ka, magpakamatay ka ng hayup ka! Sana hindi na bumalik si Shon! Iwan ere ka!"
Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Kirt na ngayon ay dahan-dahang humarap samin pabalik. Mas lalong tumalas ang paningin niya at doon kumabog ng matindi ang puso ko. Alam mo ng sa ganoong mga tingin ay may gagapang mamaya. Mukha namang natakot din si Dwane dahil biro lamang talaga iyon ngunit sineryoso ni Kirt. Nasanay na kasi kaming lahat ay biro lang kay Kirt kaya ganyang nagugulat kami.
Bago pa man makalapit si Kirt at humarang na sina Vann at Luther nasa paligid na rin ng iba. Habang si Dwane at panay ang pagsasabi na joke lang iyon ngunit lahat kami ay nagulat ng isang hawi niya lang sa kila Luther ay nahablot niya pa rin si Dwane sa kwelyo. Nakita kong sumenyas si Vann sa likod ko ngunit hindi ko naintindihan dahil tulala ako sa kay Kirt na pirmi ang bagang at halatang pigil na pigil ang galit. Natauhan nalang ako ng hilahin ako ni Clae paatras dahil masyadong mainit si Kirt at tila rumaragasang toro.
"Tama na, dude."
Dinuro ni Kirt si Dwane na tiim ang bagang. Nakita ko pa ang panginginig ng kamay niyang mahigpit ang pagkaka-kwelyo kay Dwane.
"Kahit kailan hindi ko kayo iniwan sa ere, Dwane. Ako ang iniwan!" mariin niyang sabi saka padarag na binitawan si Dwane na patuloy sa paghingi ng dispensa.
Hinawi niya ang kamay ni Luther saka tuluyang umalis. Napakagat ako sa labi at kinamot ang noo. Ngumuso ako ng makita ang frustrations sa mukha ng bawat isa. Naramdaman ko nalang si Vann na hawak na ang kamay ko. He tucked my hair before smiling at me.
"Ito ang totoong ugali ng Eastrad."
Pagak akong ngumiti. "Alam ko."
Ngumiti lang siya sakin saka ako iginiya palabas ng school nila. Ngunit ilang sandali lamang ay naramdaman ko na ang buong grupo sa tabihan. Napatawa nalang ako sa paraan nila ng pag-uusap. Tila walang nangyari, dahil sobrang pormal pa nila at nagtatawanan sa babaeng nambasted kay Dwane kanina lang. Nilingon ko sila kaya't napatigil sila.
"Tutuloy pa ba tayo?" tanong ko.
Tumango si Luther. "Hayaan mo ang gagong iyon. Bahala siya di siya masukatan."
Tumingin ako kay Vann para tanungin kung sang-ayon siya pero nagkibit-balikat lamang siya. Dumiretso kami sa suki naming sastre at pasalamat dahil alam na niya ang sukat ni Kirt dahil nakalista na pala iyon. Nagtagal lamang ang iyon dahil may mga nagbago sa katawan ng iilan kong kasama.
"Inaalagaan mo ba ang figure mo?"
Napamaang ako kay Luther ng lumapit ito sakin at ngumiti kahit di manlang ako tinapunan ng tingin. May kung anong kinakalikot sa mesang nasa gilid ko.
"Ha?"
Natapos siya saka tumingin sakin. "Iyang figure mo kako, alaga mo ba iyan? Di ka tumaba e. Dumaan ang fiesta a.." saka humalakhak.
"Hindi. Ewan ko. Di lang siguro ako pala kain ng madami." Kibit-balikat ko.
"Ah." tumango-tango siya. "You should gain weight, you know."
Kumunot ang noo ko. "I'm fine with my—
"It's not for you." tumabinge ang ulo ko dahil hindi ko siya naintindihan. "Let's see if Vann will still love you, even if you're.." tumingin siya sakin mula ulo hanggang paa at muling bumalik sa mga mata ko. "Fat."
Hindi ako nakasagot. Hindi dahil nasaktan ako o may na-realize. He's weird that's all.
"You're weird."
Tumawa siya. "Nope. I can catch you if he'll drop you."
Nanliit ang mga mata ko at ngumiti sa kanya. "Are you in the influence of drugs?"
Lalong lumakas ang tawa niya. "What if yes?"
Nanlaki ang mata ko habang natatawa sa kanya. Alam ko namang nagbibiro lang siya. Umiling ako. "Wag mong dalasan, nakakasama iyan." tawa ko.
"What if I'm addicted, should I stop?"
"Seriously?" natatawa ko ulit na sabi.
Humilig siya sakin kaya napaatras ako dahil kung hindi'y magtatagpo ang dapat na magtagpo kaya mabilis akong lumayo. Kay Vann dapat iyon. Sa kanya lang.
"Tell me should I stop?" aniya sa pabulong at malalim na boses.
"Lut—
"I'm serious, Caes. I don't know if I can stop. I'm already drowned... in you."
Unti-unti ang paglaki ng mata ko dahil tatanggapin ko na sanang biro lamang iyon ngunit nakikita ko kung paanong lumalapit pababa ang mukha niya sa mukha ko. Paatras na ko ng madama ko ang braso niya sa likod ko na nakapatong sa armrest ng upuang inuupuan ko. Panay ang kabog ng dibdib ko dahil abot-abot na ang kabang nararammdaman ko. For pete's sake nasa paligid lang ang boyfriend ko! Anong bang pumapasok sa isip niya!
"Luther..."
"Sshh.."
"One more move, dude and you'll know where the hell is."