Don't trust, Don't fall
"Hala atey! Magkasama sila. Wit mo nalang tignan, let's go na atey." Hila sakin ni Romart.
Nagpahila ako ngunit hindi nakaligtas sakin ang paghimas ni Vann sa tiyan ni Mitchy. It was obvious but I'd still not believe. Parang hinihiwa ang dibdib ko at unti-unting dinudukot palabas ang puso ko sa sakit. My tears started filling my eyes but I keep my cool, ayokong magmukhang gaga dito. Nanlalamig ang sistema ko at kung hindi ako hawak ni Romart ay nabuwal na ko ng tuluyan.
How was that?! May anak sila? Damn them! Fvck them! Seriously, how many times they did that. Ten, twenty, thirty!? Mga hayop sila! Ang bilis niyang nagkalaman kaya imposibleng isang beses lang may nangyari. Baka nga kami pa ni Vann meron na. Fvcker! Ang sakit-sakit na! Wala ng katapusan. Bakit ba hanggang ngayon hindi pa rin ako namamanhid, sawang-sawa na ko sa pakiramdam na tila kinukuha lahat sa'yo. Nagsasawa na ako. Pagod na pagod na ko. Pero bakit hindi ako makapagpahinga kahit saglit? Habang buhay ko ba 'to mararamdaman dahil kung ganun ayoko na mabuhay.
Buong pag-iikot na nangyari ay wala ako sa tino. Nanunod kami ng sine, paglabas namin ay tawa sila ng tawa pero ako tanging ngiwi lang ang nagagawa ko. Hindi ko alam kung sinabi ni Romart kay Orleane ang nakita namin dahil sa tuwing pinapansin ng mga kasama namin ang pananahimik ko ay siya ang sumasalo sakin.
"Oy manahimik nga kayo ng konti. Para kayong mga tindero't tindera sa palengke. Diyan muna kayo, may bibilin lang kami ni Caes." saka ako hinila palayo ni Orleane.
"Ha? Anong bibilin e, wala naman akong pera."
Tumigil siya sa paghila sakin. Naupo siya sa bench na nakita kaya sumunod ako sa kanya. Pinagmasdan niya lang ang mga palaboy na tao sa paligid tapos ay tumingin sakin.
"Men." panimula niya. "They can bleed us more than twice."
"Kaya kung magiging patanga-tanga ka, walang matitira sa'yo. Trusting them is like you are willing them to hurt you so, don't trust."
"Hindi kita maintindihan."
"I know you understand me!" she scold. "Napagdaanan ko na ang ganyang sitwasyon kaya 'wag mo ng itago."
"Kaya ka ba.."
"Oo. Bitch na kung bitch pero 'yun lang ang nakita kong paraan para kahit paano makaganti ako. They are all the same so why bother to hurt them too even if they are not the exact person who hurt me." kibit-balikat niya. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at nakita ko ang namumula niyang mga mata. "Listen, I've been there kaya ko sinasabi ito, hindi ako magsasabi ng kung ano-ano kung hindi ko naranasan."
"Bakit kita papakinggan?"
Ngumiti siya ngunit may pait. "Because it will help you. Lumaban ka. Pumarehas ka ng laban, but this time make sure you'll be the winner. Maglaro ka rin ng laro nila but... don't fall."
"Revenge?"
Ngumiti ulit siya. "With a vengeance dear."
"Hindi ko kaya. Hindi ako katulad mo. Wala akong alam at lalong hindi ako capable gumawa nun dahil baka pagtawanan lang ako. Hindi ako maganda, hindi ako.. palaban."
Inangat niya ang ulo ko and I can clearly see the madness in her blue gray eyes. "We are allies here, trust me. Kung kaya ko, dapat kaya mo. Help yourself, Caes."
Pagpasok ko ng kwarto ay iyon ang laman ng isip ko. Napaupo ako sa kama.
"Pero hindi ibig sabihin nun ay susuko na rin ako. Kapag hindi ka na lumalaban, ako ang susugod. Kung hindi mo na kaya, ako ang magpapatuloy. At kung dadating sa puntong bibitawan mo ko, ako ang kakapit. Ipapaalala ko sa'yo na hangga't hawak kita hindi ako susuko. Na hangga't sakin ka hindi ako magsasawa kahit ayaw na ayaw mo na. Hindi ako mapapagod na hawakan ka dahil ikaw ang lakas ko."
"Men. They can bleed us more than twice."
"Marry me."
"'Wag mo siyang hahayaang mawala sa'yo dahil baka magulat ka isang araw wala na siya sa'yo. Please, Caes promise me na hindi mo siya iiwan kahit anong mangyari. Mahal na mahal ka ni Vann."
Napaupo ako sa kama. Mahal? Really? May alam ba si Luther?
"Kaya kung magiging patanga-tanga ka, walang matitira sa'yo. Trusting them is like you are willing them to hurt you so, don't trust."
"He chose me over you. Vann is already mine."
"Pinaglalaruan lang kita. Na hindi kita gusto at lalong hindi kita MAHAL. Na wala akong pakiealam sa'yo, dahil alam mo Rehm. Na-thrill ako sa'yo."
"You're not enough."
"Gusto ko lang ipamukha sa'yong tapos na ang laro. Your time is up, Rehm. Thanks for a wonderful and challenging game. Yes, you are just a challenge for me."
"Lumaban ka. Pumarehas ka ng laban, but this time make sure you'll be the winner."
Tumayo ako at lumapit sa maliit kong cabinet kung saan nandoon ang mga jewelries ko na hindi ko naman nagagamit, iba't-ibang make-up na pinadala ni papa na inaalikabok na, at kung ano-anong ginagamit sa pagpapaganda. Umupo ako sa upuan at tumingin sa repleksyon ko sa salamin na naka-attached sa cabinet.
Tinanggal ko ang pagkakapusod ng buhok ko at nilugay ang mahaba, itim at natural na kulot sa ibaba kong buhok. Kinuha ko ang isang pares ng may tamang kalakihang bilog na gold na hikaw saka binuksan ang isang brand new M.A.C na dark red lipstick habang hindi inaalis ang aking paningin sa aking repleksyon at wala sa sariling dahan-dahang nilagay ito sa labi ko. Nang ibaba ko ay mataman kong tinitigan ang sarili. Kahit lipstick lang ay hindi maipagkakailang may itinatago pala akong ganda. Nagmukha akong palaban at ibang tao. Katulad ni Orleane.
"Maglaro ka rin ng laro nila but... don't fall."
Pinatalas ko ang tingin at nangako sa sarili. "Wala na kong karapatang magmahal kaya maglalaro ako. I will do the best game that they can't imagine in their entire life."
Tumitig lang ako sa sarili ko hanggang sa makarinig ako ng katok at biglang pagsulpot ng ulo ng kapatid ko mula sa likod ng pinto. Hindi ako lumingon ngunit tinitignan ko siya sa salamin. Nakikita ko kung paanong unti-unti niyang nilabas ang katawan at tuluyang pumasok sa kwarto ko. Laglag ang panga at kunot na kunot ang noo.
"Achi?" lumapit pa siya ng kaunti. "Ano 'yan?"
Nilingon ko siya at nginitian. "Changes."
"Ha?"
Tumayo ako sa pagkakaupo at lumapit sa kanya. Hinawi ko ang iilang hibla ng buhok niya papunta sa likod. "Pupunta akong London."
Nanlaki ang mata niya at kumunot ng maigi ang noo niya senyales na hindi siya naniniwala. Huminga ako ng malalim. Ayoko man gawin pero kailangan ko siyang iwan, alam kong ayaw na niya ng ganito pero ito ang kailangan ko ngayon at alam kong maiintindihan niya ko balang-araw.
"Sa London ako magka-college."