Kabanata 39

373 14 1
                                    

Floral shorts


Kinurap ko ang mata. Tumawa ako ng malakas sa harap nila at pinakitang hindi iyon plastik. "Ganun ba? Congrats to him! Babae ba o lalaki?"



Torture ba? Oo sagarin na natin. Tanga ako e. Para isang bagsakan nalang ng sakit ang kaso baka sa sobrang dami hindi ko na kayanin. Sa totoo lang gusto-gusto ko ng ibaba ang tawag at umiyak pero ayokong sisihin nila ang sarili nila. At saka manhid na ko diba? Kaya hindi na dapat ako nasasaktan. Pero hayop! Sobra-sobra na ang sakit sa puso ko! Wala ng mapaglagyan.



Kinagat ko ang labi ng walang sumagot sa kanila. Lalo akong naiiyak sa ginagawa nila. Inirap ko ang nagbabadyang luha at saka muli silang nginitian. "Guys. Ok na. Ano ba naman kayo ha ha."

Kinamot ni Kirt ang sentido. "Anyway, malapit na ang birthday mo, right? Iyon talaga ang dahilan ng pagtawag namin, uuwi ka ba?"

"Ah? B-baka hindi e. Pasukan na kasi 'yun so.. might be busy"

Tumango si Clae. "Advance happy birthday, then."

"How will you celebrate it kung busy ka?" singit ni Jace.





Lumutang ako. Hindi ko rin alam. Naalala ko nalang din nung binanggit nila pero hindi ko talaga naalala na malapit na kong mag-birthday. "Maybe have a dinner date with my dad.. and... go out with my friend here." siguro iyon na nga lang.

"Madami kang kaibigan dyan?" maluwag na ang mukha ni Dwane. "Pakilala mo naman ako, Caes!"

Nanliit ang mata ko. "Isa lang siya."

Ngumuso naman siya. "Hindi ka ata friendly dyan?" tumawa siya. "Pero ok lang, may isa naman!"

"May boyfriend siya." pagdedeklara ko kahit di naman totoo. Wala namang nababanggit si Aikah sakin.




Bumagsak ang balikat niya at bumaba ang energy niya kaya natawa ako. Binatukan naman siya ng mga kasama niya doon. Saglit pa kaming nag-usap at kung ano-anong suggestion nila na dapat gagawin ko sa araw ng kaarawan ko. Ang dami na nilang alam, promise!



"Alright. Bye, ingat kayo diyan!" kumaway ako sa screen.



Natawa ako dahil sabay-sabay nanaman silang nagsalita at mga nagsiksikan, nagtutulakan pa para lang makita ang mga pagmumukha nila sa screen kaya humagalpak na ako sa mga itsura nila. Minsan kasi ay ilong lang tapos pisngi... mga baliw kasi.



"Sige na, Caes. Ingat ka din diyan. Tatawag nalang ulit kami if my chance na magkasama-sama na ulit kami dito. College life, you know."

Tumawa ako at tumango. "Mga busy person na rin pala kayo! Ipagpatuloy niyo 'yan. Baka mamaya magulat nalang ako businessman na halos lahat kayo."

Tumawa si Kirt. "Ako lang dahil walang pag-asa ang mga ito."




Nagkulitan pa sila bago tuluyan naibaba ang tawag. Maluwag ang pakiramdam ko nang matapos ang usapan ngunit ng tuluyang tumahimik ang kwarto ay doon bumalik ang sinabi ni Dwane. Saglit akong natulala bago huminga ng malalim dahil nagsisimula nanamang gumuhit ang kirot sa dibdib ko.





Tumayo na ko at kumuha ng mga damit. Nanglalagkit na rin kasi ang katawan ko dahil natuyo na ang pawis ko. Iniwasan ko muna ang box ng squidward ko, mamaya ko na iisipin kung anong gagawin ko diyan. Pumasok na ko ng banyo.



I think I need cold shower...



Natagalan ako dahil sa pagmumuni-muni kaya't nang lamigin ay tinapos ko na ang paliligo. Sinuot ko ang white maong shorts ko at black v neck na lee pipes na niregalo sakin ni papa nang makapasa ako ng second year. Tawang-tawa nga ako sa kanya noon, hindi lang kasi damit ang binigay niya may nike pa!



Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon