Blood Cloth
Kindly watch the video on multimedia (credits to the owner). Nasaktan ako nung pinanood ko siya :'( sila po talaga ang portrayers nina Caes at Seven.
Hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak. Hindi ako marunong umiyak!
Kanina ko pa kinukumbinsi ang sarili kong hindi ako marunong umiyak. Huminga ako ng malalim at nilingon ang malaking flat na nasa likod ko. Nakaupo ako sa gutter dahil hindi naman ako makapasok sa loob. Nagtagis ang panga ko at napapikit.
Gusto kong umatras pero nangingibabaw ang galit sa puso ko. Galit kay Aikah dahil hindi siya bumibitaw at talagang may nangyari pa sa kanila. Galit sa kanya dahil ang lakas ng loob niyang pahulugin ako sa kanya kahit may girlfriend siya at talagang kaibigan ko pa! At lalong galit sa sarili ko dahil naaamin ko na nang nahulog ako.
I fell in his trap!..
Hindi ko akalaing kakagat ako sa kanya. I warned myself about him but what now? I'm being desperate to have my revenge? Sobrang sakit e! Wala nang paglagyan. Masakit ang ginawa ni Vann kaya nga ako nagkaganito pero bakit mas masakit 'yung kanya na ang tangi ko lang naiisip ngayon ay ang maging desperada para masaktan siya.
Kung masasaktan siya...
Alam kong isang katangahan nanaman ito pero alam kong hindi niya ko titigilan hangga't wala siyang napapatunayan. Ganun naman lahat ng mga lalaki. But I guess we will both benefit on this one. He'll have me, at the same time magagawa ko na ang revenge ko.
Hindi ako tanga para hindi maramdamang hindi niya ko gusto. In his eyes, I saw the tenderness and sincerity. Alam kong ganun din ang pinakita ni Vann sakin ngunit niloko niya pa rin ako. Dapat natuto na ko diba? Of all people I should've know! Kaya panay ang panalangin kong hindi ako magsisi at hindi mabaliwala ito. Dapat masaktan siya.
Sasaktan ko siya higit pa sa sakit na nararamdaman ko. This will be my last ace.
Pumarada sa harap ko ang Land Rover at dali-daling bumaba si Seven doon. Patakbo siyang humakbang sa akin and when he was about to hug me tumayo na ako.
"Caes.."
I looked away. I don't want to see his face. "I-park mo 'yang sasakyan."
"What?" ngunit tinignan ko lang siya saglit at muling tumingin sa gilid. "D-do you want to stay here?"
Hindi ko siya sinagot at nauna ng pumasok sa loob. Hanggang lobby lang ako dahil wala naman akong unit dito. Ilang sandali pa ay pumasok na rin siya. Humakbang na ako, nauuna. Ngunit naabutan niya ako nang tumigil ako sa harap ng lift. Pinindot niya ang floor niya.
Nang bumukas iyon ay agad akong sumakay. I can feel he wants to say something but he can't dahil marami kaming kasabay. Hindi ako umiimik at nakikita ko sa gilid ng mata ko ang paminsan-minsan niyang pagsilip sakin pagkatapos ay iiling at maririnig ko ang munti niyang mga mura.
Nakarating na kami sa floor niya at agad akong lumabas. Nakakailang hakbang palang ay hinawakan niya ang braso ko upang pigilan ako. Tumayo ang balahibo ko sa hawak niya at hindi ko na napigilang..
"Caes-
Natigil siya dahil pagkahawak niya ay sinugod ko siya ng halik. Madiin at malalim agad ang ginawa ko. Nanggigil ako sa galit! Naiiyak na ako sa inis! Medyo napaatras pa siya dahil sa biglaan kong pagsugod, agad niyang hinawakan ang likod ko upang alalayan ang balanse naming dalawa.
Saglit akong humiwalay upang itulak siya at napasandal siya sa pader ng hallway. I resumed the kiss. Intense kiss na halos mabasa na ang buong bibig ko.