Kabanata 58

363 13 0
                                    

Reunite

"Gosssh!"

Napahinga ako ng malalim at muling umirap nang marinig ko ang ikapitong 'oh my gosh' ng bruhang Shontelle. Nasa malayo palang ako ay nagsusumigaw na ang loka at nung nasa gate na ako ay parang tangang tumili muna kaming dalawa bago lumapit at yumakap sa isa't-isa. I so miss her!

"Pero bru, tumaba ka talaga!" humalakhak ako. Kanina ko pa kasi iyon pinupuna. Nagkalaman talaga e!

Tumawa si tita Aryan-mama niya. "Para saan pang nag-business siya ng mga pagkain kung payat siya?"

Tumawa ako at sumimangot nanaman siya. Umirap siya sa repleksyon ko sa salamin. Nandito kami sa kwarto niya at si tita ay inaayos ang mga gamit niya kahit pinagbabawalan ni Shontelle. Aalis kasi kami upang mamasyal, bestfriend quality time.

"Whatever. At least ako katawan lang ang nagbago. Ikaw halos lahat. Pati ugali. Napakamaldita!" tumawa siya sa huli.

Nanliit ang mata ko sa kanya. "Gusto mo sample?"

Doon na siya lumingon sakin at humagalpak. Halos maiyak na ata siya. Napakababaw talaga. "Mama oh!" tawa niya at ipinagpatuloy ang pag-aayos. Umiling lang si tita at tinawanan lang kami.

Tumawa ako. "Naay isip bata na, sumbungera pa!"

"Hoy grabe. I'm not childish! You mean my face.. looked like a child." Tumawa nanaman siya. Natawa nalang ako sa kanya. Ok, hands up. I know, alright. She's a one hell baby face. Mukha na nga siyang living doll.

Maputi si Shon. Makinis. Medyo tumaba siya pero makurba pa rin ang katawan. May bagsak at itim na itim siyang buhok hindi katulad ng akin na may natural na kulot sa dulo. Full bangs din siya na malapit nang takpan ang mata niya kaya mas lalong na-define 'yung 'baby face'.

Itim at malalim ang mga mata niya at may maliit na ilong. Maganda talaga siya. Kaso muntanga lang talaga minsan, doon pumalpak e. Well, it is indeed true that no one's perfect.

"Sige na umalis na kayo para hindi kayo masyadong gabihin at mas makapag-bonding kayo." Biglang sabi ni tita. Tapos na siya sa isang maleta. "Mamaya ko na aayusin ito, kung maaga ka ay ikaw na. Naalala ko ang kuya mo.. tinawagan mo ba iyon?"

Ngumuso si Shon. "Ngayon? Nope." Tumingin siya sa sakin bago muling bumaling sa ina. "But before I came here he already knew."

Tumaas ang kilay ng mama niya. "Ow.. so surprise pala ito." Tumawa ang mama niya. Kanina nga ay umiyak pa siya nang i-kwento niyang sobrang nagulat siya nang makita ang anak sa gate. Akala niya daw namamalik-mata siya.

Humagikhik si Shon. I think they're better now. Lumapit siya sa mama niya at muli itong niyakap. "Your promise ma, ha?"

Umirap ang mama niya ngunit tumawa din. "Ok, ok. I won't tell your dad. Dapat din siyang ma-surprise."

Nagtawanan muna kami bago nagpasyang bumaba. Pinag-isipan pa namin kung anong mas masaya. Commute o gagamitin namin 'yung Alterra niya nabili niya one year ago. Ngunit sinabi ni tita na magpahatid nalang kami kaya dali-daling sumakay si Shon sa sasakyan niya.

"Bye, ma!" tumawa siya. "I'll be careful, promise!"

Tumawa ako sa nakasimangot na si tita Aryan. "Pagbibigyan kita ngayon! Just be careful!"

Kumaway lang si Shontelle bago isinara ang binata. Pinaandar niya na ang sasakyan. Cool. Rich kid. Malaki ang ngisi ko sa kanya, nanunuya. Isang beses niya akong hinampas kaya napatili ako sa takot na baka bumangga kami. Ang bilis niya kaya magpatakbo!

Matindi ang kanyang paghalakhak. "OA!"

Tumatawa ako pero bwisit ako sa ginawa niya. "Really, bru? Walang kang karapatan magkaroon ng lisensya!"

Tawa lang siya ng tawa pero medyo binagalan niya naman kahit paano. Dumaldal lang kami sa buong byahe. Nakarating kami ng mall na panay ang tawanan. Nagpasya kaming kumain muna bago maglibot. Nagulat ako nang sa isang restaurant kami pumasok at hindi sa simpleng fast food lang.

Hinawakan ko siya para pigilan sana ngunit dire-diretso na siya kaya napapasok na rin ako. Napansin ko ang sunod ng tingin sa amin at ang iba pa ay nagbubulungan sabay maghahagikhikan. Marami ang abala sa kanilang cellphone. Tumaas ang kilay ko... parang vini-video nila kami?

"Shon, bakit dito? Ililibre mo ba ko?"

Humagikhik siya. "May manlilibre sa'yo.."

Magtatanong pa sana ako ngunit bigla naman siyang kumaway at ngumisi ng malawak sa kung saan kaya napatingin ako doon. Nanlaki nalang ang mga mata ko at nanigas sa kinatatayuan nang makita ko ang... Eastrad!

Laglag ang panga ko at halos lahat ng mura ay isinigaw ko na sa utak ko! Abnormal ang bilis ng pintig ng dibdib ko at pati tibok ng ugat ko sa pulso ay nararamdaman ko na! Si Luther at Vann lang ang wala at lahat na sila ay nakaupo sa isang U-shape leather couch-nanlalaki rin ang mga mata at laglag ang pangang nakatitig sakin.

Unang nag-alis ng tingin si Kirt. Pagkatapos ay nakangangang napatayo ng dahan-dahan si Dwane habang nasa akin pa rin ang mga mata. Sumunod na tumayo ay si Jess... parang may dalawa akong ulo kung tignan! Iniwas ko ang tingin at tumikhim. Gustuhin ko man tumakbo ay hindi na pwede nakita na nila ako, alam na nila.

Humalakhak si Clae nang humakbang na kami papalapit. Tahimik nila kaming sinusundan. Nag-init ang pisngi ko sa ginagawa nila. Grabe makatitig e! Nagulat sila nang pabirong hampasin ni Shon ang mesa sa harap nila. Humalakhhak muli si Clae.

"Ang sasama ninyo! Ako dapat ang tinitignan niyo ng ganyan dahil ako ang nagbabalik-bayan!" ngumuso siya.

"Tss.." rinig kong pagsusungit ni Kirt.

Pumasa-ere nanaman ang halakhak ni Clae. Halos batukan niya ang katabing si Dwane. "Parang kayong mga siraulo! Ayaw niyo kasing magtiwala kay Kirt!" sabay hila niya sa nakangangang si Dwane.

Natatawa ako ngunit pinipigilan ko. Masama ang tingin sakin ng iba e.

Kumunot ang noo ni Shon. "Guys, really? Mag-ngangangahan nalang ba tayo dito? Can't you just give us a hug instead of drooling there?" tumawa siya sa huling sinabi.

"Tss.." dinig ko nanaman muli kay Kirt. Hindi ata naririnig ni Shon 'yon e.

Nagulat ako sa sabay-sabay nilang tawanan at pagtayo. Dinumog nila kami ni Shon. Di ko na napigilan ang halakhak nang halos tumakbo ako dahil nakita ko ang pagsugod nila sa amin. Bumilog sila at inipit kami ng yakap ni Shon sa gitna. Nagreklamo si Shon ngunit pinatahimik lang siya ng kapatid.

"It's so good to reunite!" nakangising bulong sakin ni Shon kahit pareho na kaming naiipit sa mga matatangkad na barakong ito.




Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon