Kabanata 30

323 9 0
                                    

Kabanata 30


"Hindi na ko mapapaliguy-ligoy pa hijo.."



Kaharap ko ang mama at papa ni Caes ngayon sa isang coffee shop malapit sa subdivision namin. Oo ang papa niya. Naikwento niya sakin na nasa ibang bansa ito kaya nagulat akong nakikita ko siya ngayon. Blanko namang nakatingin sakin ang mama niya at hindi nagsasalita. Base sa postura nito ay hindi talaga ako nito gusto para sa anak. Ganun din naman ang papa niya pero kahit papaano ay nakakausap ko.



"Tigilan mo ang anak namin."



Inaasahan ko na ito nang tawagan ako personal ng mama ni Caes. Hindi ko alam paano at saan niya nalaman ang sa amin pero isa lang ang nasa isip ko, lalaban ako.



"Sir, pasensya na po pero hindi ko po maga—


"Hindi ako mapagpasensiya hijo.." malamig na putol sakin ni Mrs. Aquiron.



Punong-puno na ng kaba ang puso ko pero hindi ako magpapatalo. Gagawin ko ang lahat. Hinawakan ni Mr. Aquiron ang kamay ng asawa at humarap sakin.



"Alam naming hindi magiging madali ito. Kung ano man ang sinabi o ginawa mo para sumuway samin ng ganito ang anak ko ay hindi ko mapapalagpas. Lalaki din ako at alam ko kung ano ang intension mo sa anak ko."

"Sir, malinis po ang intension ko. Wala rin po akong sinabi o ginawa para suwayin niya kayo, hindi ko po iyon gagawin. Ma'am, sir, maniwala po kayo. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo kaya hindi po ako gagawa ng kung ano para magkasira kayo."

"Well if you don't know, nasisira na kami ng anak ko ng dahil... sa'yo." pinakadiinan niya ang bawat salita. "Hindi ko na patatagalin ito. Ayoko kita para sa anak ko. You're just a typical collegiate na hinatak pa ang anak ko sa lintik na pagsasayaw na iyan!"


"Caessi. Ma, please." pakiusap ni Mr. Aquiron ngunit hindi tumigil ang asawa at dinuro pa ako.


"Ikaw rin ang dahilan kung bakit na-bully ang anak ko sa mga social sites diba? Hindi mo ba inisip kung anong pakiramdam ng nabu-bully?! My daughter suffered all night because of that accusations na wala namang katotohanan! Hindi niya alam na alam kong bawat gabi ay umiiyak at nagtatago siya sa kwarto niya!" paiyak nitong turan.


Thinking her suffering alone wants me to kill myself. Tumingin ako kay Mr. Aquiron at kunot na kunot ang noo niya, marahil ay hindi niya ito alam dahil malayo siya. Nagtiim ang panga ko at tumungo. "I-I'm sorry, ma'am, s-sir."


"I'm sorry!? That's all you've got!? Hah!" frustration's all over her face at natatakot ako doon. Umayos siya ng upo at kinalma ang sarili. "I want the best of my girls. I won't let guys like you ruined them." maanghang niyang sabi.

"I will the best for her. Just let us ma'am. Papatunayan ko sa inyo na malinis ang intension ko at papatunayan kong kaya ko siyang panindigan. Ayoko kayong bastusin dahil alam kong galit lamang kayo. Pero hindi ko po kayo susundin."



Tumaas ang kilay niya. "Iyon pa nga lang sa mga nambabastos sa kanya sa facebook hindi mo na naipagtanggol ang anak ko—


"Siya po ang nagsabi na 'wag na naming patulan. Ayoko pong lalo pa siyang maging masama sa mata ng tao kung magsasalita pa kami."

"Talaga? So, do you want me to appreaciate that nuts way of thinking?" pinatong niya ang siko sa mesa at pinagsalikop ang mga daliri habang mataman akong tinitigan gamit ang malamig na ekspresyon.


"Ano ka ba kumpara sa anak ko? Sino ka ba para sa anak ko? Isang mananayaw. Iyan lang ba ang kayang mong ipagmalaki? Sorry but I don't need a dancer for my daughter. I want a perfect life for her. A man who can stand beside them time to time. A man who can give them all—not just about the money, but the love they're deserve to have at ikaw ang sagabal doon. Now, tell me ano ang magagawa mo para sa anak ko?"


Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon