Tanggap ko na
IS.THIS.FVCKIN'.REAL?
Galit kong nilingon ang stage at doon nakita ko ang ilang kalalakihan... hindi basta kalalakihan! Napapikit ako at lumunok. Natutuyo ang buong lalamunan ko. Nanginginig ako. Bakit... bakit pamilyar ang ilan sa kanila?
Eh, putangina! Kaibigan sila ng kapatid ko! Paanong... Saan nila.. Bakit 'yung... Ah shit! Gulong-gulo ang utak ko at wala akong makuhang sagot! Gusto kong sabunutan ang sarili upang itatak ang kasagutan ngunit magmumukha akong tanga non. May mga steps silang katulad ng mga sinasayaw namin noon at doon mas nagwala ang aking puso!
Ginagaya nila kami!
"Shontelle!"
Gulat siyang napalingon sakin, bahagya pang nakabuka ang bibig. Umiling siya. "I-I didn't.." pumikit siya at muling tumingin sa stage. "I didn't know! I didn't! Hindi ko alam 'yan. B-baka.. dammit!" napahilamos siya sa mukha.
Naririnig ko ang tanong at nararamdaman ko ang mga kalbit nila Genie sa likod ko. Marahil ay ngayon lang din sila nakapagsalita matapos marinig iyon.
"You mean, meron na talaga dati pa?" dinig kong balisang tanong ni Shane sa kung sino.
"Yes! Pero dahil high school palang ang mga iyan ay hindi natin alam. And as far as I heard, they won a lot of competition but still they managed to be silent. At ngayon lang sila talaga lumabas sa madla!"
Nanlaki ang mga mata ko at napalingon sa kanila. Hindi nila napansin ang matalas kong tingin dahil busy sila sa pakikinig sa sinasabi ng nagsasalita. I can feel the rising pressure on my chest, blocking my heart to beat and lungs to breathe.
"How? I mean paanong di natin nalaman agad? Tayo ang no.1 fanclub!" frustrated na sabi ni Genie.
"Idk! Basta ang alam ko lang matagal na silang nabuo ulit pero hindi na ang dating mga miyembro. Hindi ko nasabi sa inyo dahil wala naman na akong paki at wala ako dito!"
"What the hell?!"
Muli akong tumingin sa stage. Sa mga tao.. bakit nga ba hindi ko nadinig? They are chanting Eastrad's name yet I didn't notice that? Sumasakit ang ulo ko. Their audience impact is intense as we had before. Talagang matagal na sila at dahil na rin siguro sa pangalan.
"Paanong magkapareho ng pangalan?" wala sa sariling sabi ko.
"Maybe.. they rebuilt it." Wala rin sa sariling sabi ni Shon sa tabi ko.
Napalingon ako sa kanya at napalingon din siya sakin pagkatapos ay dahan-dahan niyang kinuha ang camera ko na hawak niya at kinuhanan iyon.
I can't smile like she was wearing right now, I felt betrayed. I felt, what Eastrad reached before is just nothing now, like it should be valued and nobody can replace it! Gusto kong maiyak sa inis!
"Tawagan mo si Clae! Kailangan niyang malaman 'to!"
Ibinaba ni Shontelle ang camera. "Hindi mo ba ako narinig? Maaaring sila rin ang bumuo niyan. Hindi naman iyon papayag na may gumaya sa inyo!"
"Hindi pwede!"
"At bakit hindi? Sila rin ang nagtayo noon, sila din ang bubuo ngayon!"
Inis akong napakamot sa ulo. "Hindi mo ko naiintindihan, Shon. Why they need to rebuild it again? Wala na ngang Eastrad diba!"
"Calm your fvcking head, Caes! Kaya nga binuo ulit dahil nawala. And look what these new people can do? Aminin man natin o hindi, masarap sa pakiramdam ang makita sila." Huminga siya ng malalim. "Don't be bitter about this, Caes. Really, ang sarap sa pakiramdam na may nabuo ulit. Na may nagmana ng lahat ng pinaghirapan niyo dati."
Tumingin ako sa stage ngunit wala na sila roon ngunit panay pa rin ang hiyawan. Lumipad na ang utak ko. Ang gulo-gulo ng pakiramdam ko.
Pinaghahalo ang kaguluhan, pagtataka at galit na hindi ko alam kung para saan, maybe because I don't want others to claim what I had before or dahil hindi ipinaalam sakin o baka dahil may Eastrad na ulit ngunit hindi ko pa naaayos ang sarili ko.
"See? Ganun pa rin ang impact sa tao. Ok, let's say na magaling talaga sila pero sobrang laking puntos pa rin nung pangalan kaya ganyan sila sigawan ng mga tao, like how it should be. Eastrad made a history. 'Wag mo naman ipagkait ito sa mga patuloy na humahanga.. kahit sa pangalan lang."
I heard a sob behind me. It was Shane. Umiiyak siya habang tumatawa at nakangiting nakatingin naman sakin si Genie. Nag-iwas ako ng tingin. Kinukurot ang puso ko. Nilibot ko ang paningin sa mga tao.
Maybe, maybe these people can't recognize us, the old members.. but still.. I am so proud at kailangan ko nang aminin iyon sa sarili ko. Tanggap ko na. Everyone has their time and moment of being in the spotlight and mine's end there. But I'm hoping that it's just the beginning.
Ina-announce ang nanalo. I felt bad when they did not call Eastrad's name.. my Eastrad. Pero ramdam ko ang sobrang pagka-proud. Hindi man ako kasali ay gusto kong maramdaman nila na ok lang, na talagang ganyan.
I felt the urge to meet them and started wondering if they know me? Alam kaya nilang minsan din akong nag-exist sa grupong iyan? Sinabi kaya nila Kirt, kung sila man ang talagang muling nagbuo.
"Celebrate kaya tayo bukas tutal walang pasok?" masiglang sabi ni Genie pagkalabas namin ng gate ng school.
Tumaas ang kilay ng isa naming kaklase na bakla. "Celebrate saan? Sabihin mo nagyayakag ka lang ng gala friend! Daming paliguy-ligoy!"
Tumawa si Genie. "Loka! Syempre kasama na 'yun pero na fi-feel ko talagang tayo ang nanalo sa mga rep. e!"
Umiling ako at tumawa. Kitang-kita naman kasi tho, magaling rin ang ginawa ng department ng business.
Gabi na nang makauwi ako dahil nagkayakagan pang kumain ng buong block. Pagka-uwi ko ay nadatnan ko ang kapatid ko na kakalabas lang ng banyo at bihis na bihis pa. Siguro'y kakauwi lang rin galing sa galaan.
"Saan ka galing?" tanong ko habang kumukuha ng tubig.
Nagkibit-balikat siya. "Pinanuod lang namin 'yung tropa.."
Hindi na ko nakapagtanong dahil narinig ko ang boses ni mama na kausap nanaman si papa. Lumapit ako doon pati ang kapatid ko. Isang buwan na siyang nakabalik sa London. Next year ay magre-resign na daw siya kaya makaka-stay na siya dito at magpo-focus sa restaurant dito.
"Caes. Samahan mo ko." malambing na sabi ni Shon sakin isang araw.
"Saan?"
"Simba tayo."
Nangingiti akong napalingon sa kanya. "Wow. Anong meron?"
Hinampas niya ko. "Grabe ka! Pag nagsimba dapat may happenings?"
Tumawa ako at tumango nalang. Hindi na rin kasi ako nakakasimba dahil sa sobrang hectic ng sched. ang dami naming shoot at panay ang editing. Natapos ang misa kaya't lumabas na kami ni Shon.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ko siya! At kasama niya... ang anak niya!
I felt shallow and tired. Puros galit nalang ang nangingibabaw sakin. Ganun ba dapat iyon? Sa unang pagkikita ay may rebelasyon at sa pangalawa ay meron ulit? I'm not a robot to endure all these!
Hindi ko kayang tignan ang bata... alam ko na ito e, pero bakit ang hirap tanggapin? Bakit ang hirap-hirap pakawalan at hayaang isiping hindi na talaga kami pwede.
Kailan ko ba matatanggap?