Kabanata 24

300 9 0
                                    

Made to be broken

Tulala ako sa harap ng cellphone ko. Napaupo ako sa kama. Naririnig ko ang bawat paghagulgol ni Shon. Paanong nangyari, hindi pwede!

"H-how? Shon. Damn!"

Pinunas ko ang luhang pumatak. Akala ko ayos na ang lahat. Wala akong alam!

[Sina Vann at Luther. Kagabi, nagpunta silang lahat sa isang bar para mapag-usapan ang mga problema. Sabi ni kuya, ayos na lahat nung una pero nung naungkat nanaman 'yung issue, Vann got pissed. Sa tingin mo ba talagang may gusto sa'yo si Luther?]

Hindi ako nakasagot dahil hindi naman iyon ang iniisip ko kundi ang nangyari kagabi. Pero sabi ni Vann sakin maaga daw siya kaya maaga siyang natulog pero hindi pala. "A-anong nangyari? Nagkasakitan ba sila?"

[Of course. Pero hindi ko na idedetalye. Caes, wala na. Wala na talaga. Sinusubukan kong kausapin si Vann but he declined all my calls.] medyo tumatahan na siya. [I don't know how it happened. How it come to this--]

"Sorry.."

Sa mga oras na ito ay iyang mga salitang iyan lang ang kayang kong sabihin sa kanya. She sacrificed Kirt just to make the group stayed in their spotlight, pero ako? Ako ang sumira, ako ang dahilan kung bakit ngayon nawalang parang bula lahat ng ginawa nila. I am the pest in their lives. At iyon ang hindi ko matanggap. Bakit nga ba ganun, habang umiiwas ka lalo kang napapahamak.

"I'm so--

[Sige na marami pa kong tatawagan para humingi ng sorry dahil lahat ng appointments niyo dapat ay makakansela. Bye, take care, Caes.]

I felt it! Kahit hindi niya sabihin alam kong galit siya sakin. I know she will, and I have no choice but to understand. Intindihin kahit miski ako sa sarili ko walang maintindihan. Shontelle is my bestfriend yet she thinks me the way others think of me. Masakit. Pero katulad nga ng sinabi ko dapat kong intindihin.

Sa buong araw na iyon ay wala akong ginawa kundi ang umiyak, magkulong sa kwarto at sisihin ang sarili. Nahihiya nalang ako sa kapatid ko dahil kanina niya pa ako pinagmamasdan habang kumakain, I think she sensed something's wrong at kasalanan ko nanaman. Maga ang mga mata ko at matamlay ang mga kilos ko, I'm a transparent person when it comes to my emotion kaya alam kong may mga naglalaro na sa utak niyan. But I adore her way of thinking and understanding, hindi na siya nagtatanong dahil well, obviously, there is no need to ask. At si mama, ngayon lang siya dumating, hindi ko alam saan galing kaya hindi niya alam ang mga pag-iinarte ko pero nahalata niya ata ang mata ko pero hindi naman siya nag-react.

"Caeslei Rehm. Bukas bago ka pumasok kunin mo 'yung mga bagong kurtina sa kwarto ko para mapalitan 'yung iyo."

"Ako ma?" tanong ng kapatid ko.

"Oo. Isabog mo nanaman 'yung drawer ha, Calei Mher. Ikaw ang isasabog ko."

That's my mother...

"Tapos ka na, achi?"

Tumango lang ako at saglit na naghugas ng kamay. Ako pala ang maghuhugas ng mga pinggan. Nagpababa lang ako ng kinain sa sala at naghintay na matapos na din sila para magawa ko na ang trabaho ko at makabalik na ulit sa kwarto. Konting sabon at anlaw ay natapos ko ang gawin. Paglabas ko ng kusina ay nasa working table niya si mama habang prenteng nakahiga ng pagilid ang kapatid kong nasa armrest pa ang mga binti habang kumakain nanaman at nanunuod sa telebisyon.

"Calei Mher. Baka hindi pa nakakarating ang bukas ubos na 'yang ubas." sita ni mama ng may gumulong sa tabi niyang ubas na kinakain ng kapatid ko.

Ngumuso ang kapatid ko. "Konti lang."

"Oo nga pero bawat segundo kumukuha ka. Tirahan mo ang ate mo."

Ngumuso lang siya at nang makita ako ay itinaas niya ang isang tangkay upang alukin ako. Umiling ako at pumanhik na sa kwarto ko. Ito nanaman. Wala bang pahinga? Sa tuwing mapag-iisa ako naaalala ko lahat. Wala akong lakas ng loob tawagan o kausapin si Vann. Siya din naman kasi kanina pa ko hindi kinokontak. He promised, I assumed. But in the end he prove the quotation "Promises are made to be broken."

Latang-lata akong humiga sa kama. Oras-oras ay nakakatanggap ako ng iba't-ibang tawag at text. From, Clae, Dwane and many more. Isa lang naman lahat ang laman. Sorry at nangangamusta. Hindi ko alam kung bakit sila nagso-sorry sakin, bakit sila? Dapat ako. Miski si Shon ay nagsorry din sa ginawa niya kanina. She admitted, she is mad. Pero sabi niya hindi sakin, sa nangyayari, stress lang din siya kaya niya nagawa iyon. Wala namang kaso sakin kahit sakin pa siya magalit, tatanggapin ko hindi ako magagalit sa kanya kaya sinabi kong hindi dapat siya nagso-sorry.

"Haay. Magkaharap nanaman tayo." wala sa sarili kong sabi sa kisame. "Nagsasawa ka na ba sa mukha ko? Ako, sawa na kong umiyak na ikaw lang ang kaharap ko at walang reaksyon."

Gusto ko nang matawa sa sarili ko. Nababaliw na ko. Nakuha ng pintuan ang atensyon ko, bumukas ito at niluwa ang kapatid ko. Hindi siya nakangiti pero hindi rin siya malungkot. Dire-diretso lang siyang tumalon sa kama ko kaya nadaganan niya ang daliri ko. Napaupo ako at hinampas ko siya at doon siya tumawa.

"Palit tayo kwarto."

"Ano?!" hinigit ko sa kanya ang kumot ko. "Doon ka na nga. Guguluhin mo nanaman 'tong bedsheet ko!"

"Anla! Wala pa nga akong ginagawa." inayos niya ang upo. "Kung ayaw mo na sa kisame mo, palit tayo o kaya patanggal mo para kita mo 'yung langit, ha ha ha! Astig 'yon achi."

Ngumiwi at gumawa ng pekeng tawa. "Edi ikaw para kung sakaling may dumaang bulalakaw sa'yo tatama."

Umirap siya at tuluyang humiga. Sinita ko siya ngunit matigas pa po sa semento ang bungo nito kaya umismid lang siya sakin. "Nakita ko."

Kumunot ang noo ko ng balingan niya ako ng tingin. Bumangon siya at tinuro ako. "You bashed."

Natigilan ako pero agad akong bumawi upang ipakitang hindi na ako naaapektuhan. Ayokong magsalita dahil hindi niya pa maiintindihan. She's just a girl for this. I don't want her to think difficult things, it'll just cause curiosity to her.

"Hindi ko sila lahat maintindihan kung bakit nila nasasabi iyon sa'yo, pero isa lang ang naiitindihan ko." ngumiti siya sakin at hinawi ang buhok ko papunta sa likod. "Inggit sila sa'yo, achi."

"Talaga ba?"

Lumawak ang ngiti niya. This is her, my little treasure without her knowing. "Sobra. Kaya 'wag ka malulungkot kapag inaway ka ulit nila dahil ibig sabihin lang 'nun sobra silang inggit sa'yo kaya para hindi sila malugi, kung ano-ano ang sinasabi nila laban sa'yo. Pero kapag hindi mo na kaya sabihin mo lang. Susuntukin namin nila mama."

"Gagawin mo 'yon? Baka naman umiyak ka lang kapag nandiyan na sila?" natatawa kong sabi.

Tumaas ang kilay niya. "Tss. They are just as easy as our essay."

"Yabang."

"Nope. Ipapakagat ko kay Antonio 'yung mga labi nila para mamaga at hindi na sila makapagsalita ng masasama sa'yo." umusod siya at humiga sa lap ko. "But I'm sure na kayang-kaya mo sila. Goodluck nalang kung mapapaiyak ka nila."

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon