Missing
"Ate!"
Muling kumunot ang noo ko at padabog na sinampay ang towel sa cr. Pabagsak ko ring sinarhan ang pinto. Kahit hindi pa nagsusuklay ay lumabas na ako ng kwarto.
Ganitong puyat ako, 'wag mo kong subukang bata ka!...
Kanina pa iyang kapatid ko kasi. Sinabi ko namang babangon na ko ayaw pa rin tumigil ng kaka-ate. At sinong hindi maiirita kala niya megaphone ang bunganga niya! Ipalunok ko nga sa kanya 'yun e, makita niya.
"Ano ba?!"
"Waaaa!"
Ayan sumigaw nanaman. Lumayo siya. Nagulat din ako kasi ang lapit niya sa pinto ko, actually nakatunghay talaga siya sa pinto ko kaya nung pagbukas ko ay mukhang-mukha niya ang sumalubong sakin. Tumawa naman siya habang sobrang layo na sakin.
"Ano bang sigawan 'yan?" singit naman ni mama sa labas. Naglalaba.
Tumawa lalo ang kapatid ko. "Si ate.. ha ha ha ha!" sinilip niya si mama sa labas. "Mama, may panda tayo sa bahay! Kaso hindi cute kasi mukhang mangkukulam na mukang puyat lang." muli siyang humalakhak.
Inirapan ko lang siya. I know, alright. Miski ako nagulat sa itsura ko kanina nung tumingin ako sa salamin. At hindi rin ako nakapagsuklay! Pishti. Kasalanan ito ng Savellano na iyon! Alas tres na siguro ako nakatulog noon. Wala lang, hindi kami nag-usap puro nga paghinga namin ang naririnig ko, pinanindigan niya talaga. But it has effect on me like it is a lullaby. It drove me in my sleep in a second.
"Sorry, wala tayong mga damo dito. Hindi ka makakakain.." sunod sakin ng kapatid ko dito sa kusina. Sabado kasi ngayon kaya andito ito.
"Bobita. Hindi damo ang kinakain ng mga panda."
"Uy oh. Alam na alam.." halakhak niya.
"Of course, I'm not like you."
Sumimangot siya at ngumisi ako. Alam ko namang sa bandang huli siya rin ang maaasar ko kahit siya ang nag-umpisa. Tinawag namin si mama para makakain muna siya ngunit mamaya nalang daw. Nang matapos ay agad nagsuot kung saan ang kapatid ko, tinakasan nanaman ang hugasan, tsk. Pinunasan ko muna ang basa kong kamay bago humakbang papuntang sala upang sagutin ang tawag sa landline namin ngunit bigla namang sumulpot ang kapatid ko at siya na ang sumagot.
"Ah wait po.. Ma!" sigaw niya. "Si ma'am, Convento!" bumalik naman siya sa telepono. "Eto na po siya"
Bumalik na ko sa ginagawa. Kay mama pala iyon. Pagkatapos magligpit ay tumingin ako sa bilog naming orasan sa may sala. Maya-maya ay tatawagan ko na si Shon, sigurado'y tulog pa iyon hanggang ngayon. Tumabi muna ako sa kapatid ko na ngayo'y nakakunot ang noong nagtitipa sa kanyang cellphone.
"Madurog naman 'yan." agaw pansin ko.
"Bwisit kasi si Emerald e, hindi sinabing nasa kanya pala 'yung notebook ko sa science. Kaya pala maloka-loka na ko kakahanap.." panay pa rin ang tipa niya at maya-maya pa'y..