Hiring
Panay ang hilig at tili ko sa braso ni Shontelle habang siya ay kanina pa inis na inis at pilit na tinatanggal ang mga kamay ko sa kanya. Actually, wala talaga kaming next subject dahil may meeting na pinuntahan 'yung teacher namin sa subject na 'yun kaya wala kaming klase. Gusto ko lang siyang dalhin sa room namin para makita ng mga kaklase kong mahadera na kasama ko siya, hahahaha! Kapag ganung wala kaming klase, tumatambay kami sa room... 'yung iba ang palabas-labas. For once, I want them to know that even I'm just a plain and white paper, may halaga pa rin ako. Grabe kasing makalait iyang mga iyan, kala mo pinaglihi sa mga greek god ang mga pagmumukha, eh parang sa creek lang sila pinanganak! Kaya ayun ang mga seaweeds ng creek ay abot-langit na ang mga kilay kaya sinabi ko na sa library na lang ako pupunta tutal dito naman talaga ang usapan namin ni Shon. And, take note hinatid niya pa rin ako dito!
Lucky day ko ba ngayon?...
"Ghaad! Isa pa, Caes. Tignan mo tuloy, parang drawing itong ginagawa ko!" inis niyang sita. Sumilip ako sa ginagawa niya at nakitang may mga mahahabang linya sa notebook niya. Nag-peace sign ako at umayos na ng upo.
"Ingat ka, Rehm.."
Hindi pa rin matanggal ang mga ngiti ko sa tinawag niya sakin. For pete's sake, it's my second name, nakakagulat na alam niya. So, ano close na kami? Parang mas maganda yata 'yung second name ko, ipatanggal ko na kaya 'yung Caeslei?
Dahil sa mga naiisip ay hindi ko magawang pigilan, minsan ay hindi ko na talaga kakayanin, tatakpan ko ang mukha ko at doon titili tapos muling aayos ng upo. Nilingon ko si Shon dahil nakita ko sa gilid ng mata ko na umiiling siya habang patuloy sa pagsusulat. Hm.. sa kanya lang naman ako ganito, I mean sa kanya ko lang napapakita ang ganitong side ko.
Muli siyang umiling. "Malala ka na.."
Ngumuso ako at tumagilid upang makaharap sa kanya. Ipinatong ko sa mesa ang kanan kong siko saka inilagay sa pisngi ko ang kamay, tumanghod lang ako sa ginagawa niya. Hinawi ko ang sumabog niyang buhok ng liparin iyon ng malaking electric fan sa likod namin.
"Alam mo na iyan kaya 'wag ka ng masungit dyan."
Tumingin siya sakin ng nanliliit ang mga mata at nakapirmi ang mga labi. "Kaya nga natatakot na ko sa'yo, baka mas lumala ka pa." saka muling umiling at ipinagpatuloy ang ginagawa.
"Hmp. Grabe ka naman. Pero kasi iba talaga 'yung feeling ng-
"Kasama mong maglakad 'yung ultimate crush mo. Maraming naiinggit sa'yo kasi mukha kayong close na close.." umirap siya. "Saulo ko na diba?" sarkastiko niyang sabi.
Lumabi nalang ako. Tumakbo ang araw ng maayos at pag-uwi ko sa bahay ay ako palang ang tao. Teacher ang mama ko at nasa ibang bansa ang papa ko. He is a chef-one of the chef ng royal family sa London. May isa akong kapatid and she's with my mother, elementary palang kasi siya at doon siya nag-aaral kung saan nagtuturo ang nanay namin. Kadalasan ay mga alas-sais ang dating nila kaya ako lang ang gumagawa dito. I can cook rice, at kailangan malinis ang bahay. Strict kasi si mama. Ayaw niya din ng katulong para daw may silbi kami.
Pagkatapos magpalit at itali ang buhok ay nagsaing na ko habang nagwawalis-walis sa buong bahay. Hindi malaki kaya ayos lang. Isang storey lang kasi ito. Tatlong kwarto. For me, for my sister at 'yung kwarto nila. Balak ata nilang palagyan ng second floor ito next time. Tumingin ako sa orasan ng matapos sa lahat ng ginagawa. Kumunot ang noo ko ng makitang pasado alas syete na ay wala pa rin sila. Kukunin ko na sana ang cellphone ko nang biglang narinig ko na ang pagbukas ng gate namin.
"Ginabi kayo, ma?"
Tumango siya. "Ang tagal kasi nung meeting namin." tumingin siya sa kapatid kong halatang inaantok. "Bilisan mo magbihis para makakain na tayo at makatulog ka na agad."
Lumakad naman siya papunta sa kwarto niya na latang-lata. Siguro'y inantay niya si mama na matapos ang meeting kaya ganyan. Nagkibit-balikat nalang ako at nagtungo sa kusina, may dala ng lutong ulam si mama dahil alam niyang matatagalan pa kung magluluto pa siya. Pumasok ang kapatid ko sa kusina na gulo-gulo pa ang buhok. Tinignan ko si mama at nakita kong nakaharap na siya sa desktop namin-kausap si papa.
Saglit naming kinausap si papa dahil 'yung isa ay bumabagsak na ang ulo sa sobrang antok. Ano bang pinaggagagawa nito sa school? Matapos kumain ay nagdiretso na ko sa kwarto ko. Nagawa ko na rin ang assignment ko kanina.
Makapag-facebook na nga lang...
Pagbukas ko ay ganun pa rin naman. Walang bago. Puro mga nagmamagandang pagmumukha nanaman ang nakikita ko. Ngunit may isang post doon na pumukaw ng interes ko, lalo na't sa Eastrad page iyon galing.
Soon is coming. Excited for a new home?
Umabot sa 1k+ ang likes at marami rin ang nag-comment. Ilang beses ko iyong tinitigan at clueless parin ako. Anong home? Soon? Ano 'yun? Dahil sa curiosity ay tinignan ko isa-isa ang mga comments kahit bumabaha iyon. Ngunit wala akong napala, maging sila ay walang alam. Puro kasi..
Ang gwapo mo, Kirt Rivero!
Ohmy gosh! Luther, marry me!
I love you, Clae!
Kyaaaa! Ano 'yan? Mahal ko kayo Eastrad!
At kung ano-ano pa. Pumunta ako doon sa page pero ni hint ay wala. Kaya nang makita kong bukas ang bruhang Shontelle ay nag-chat ako.
Me: Shon. Ano 'yung post ng Eastrad, 16 minutes ago?
Typing...
Shon: They're planning to hired newbies
Me: What?
Shon: The group will do auditions by saturday. Ewan ko ba kay kuya Luther... ang daming pakulo!
Me: But it doesn't mean na may mawawala sa kanila diba?
Shon: Nope. Please read what I said earlier, Caes. Psh. Hindi ko rin alam kung bakit gusto nilang magdagdag.
Nakangangang napatango nalang ako bago siya nireplayan ng thanks for the info. Iyon pala iyon. So, ang siste-madadagdagan nanaman ang mga kababaliwan ng mga kakabaihan, well including me. Nags-scroll lang ako nang muling mag-chat si Shon.
Shon: This time.. may pag-asa ang mga dancer na babae.
Nanlaki ang mga mata ko. What?! Bakit mga babae? Wala na ampangit na, I mean puro lalaki silang lahat tapos may mga babae? Hindi naman sa minamasama ko ang mga kakayahan ng babae, I can dance too, but parang ang lame lang na nakita mo na sila as a boy group tapos biglang may mga babae na?
Me: Bakit ganun?
Shon: Kasi nung malaman ko na magpapa-audition sila sinabi ko kay kuya na gusto kong sumali, actually dati pa, ang kaso nga ayaw niya dahil bata pa ako. But he agreed now, so.. kasama ako sa mga mag-audition, HiHi! I'm excited!
Hindi agad ako nakareply. Hindi ko alam ang sasabihin.
Shon: I know you can also dance, Caes. I can feel it. Sama ka sakin. Audition tayo?
Shon: Come on, Caes. Let's try. I know you can dance kaya 'wag mong sabihin saking hindi ka marunong dahil alam ko. Sumayaw kayo noong first year tayo sa mapeh, I saw you. You had the talent, bruu. Grab it. Malay mo may progress sa inyo ni Vann? Hahaha.
Me: Loka ka. Idamay talaga si Vann? Pero pag-iisipan ko ha? Alam mo namang takot ako sa maraming atensyon.
Shon: Eastrad lang naman ang nandoon at 'yung ibang mag-audition. And, what they care? Maganda tayo kaya tumahimik sila, baka bombahin ko sila doon. At alam ko namang Cai Joshvann ang magic word para pumayag ka.
Napatawa ako. I sensed she's rolling her eyes. Kahit may pagka-clumsy, careless at isip bata iyan ay talagang mahal ko iyan, not because she's closed to those bad looking yet heaven made guys. She has this attitude na mapapatawa ka nalang dahil sa mga pinaggagawa niyang kalokohan still, inosente pa rin ang mukha niya.
Me: Ewan ko sa'yo. I'll try.