Kabanata 23

313 10 2
                                    

Promise

Tahimik akong pumasok pagpatak ng Lunes. Hindi ako ganun pinapansin ni mama pero binalaan niya nanaman ako.

"Magkipaghiwalay ka na, Caeslei Rehm. Kung hindi papaliparin talaga kita sa London ora mismo."

Iyan ang naging bukambibig niya sakin. Kaya ngayon hindi ko na alam ang gagawin. Kung hindi ako makikipaghiwalay mas malalayo ako sa kanya. Pero hindi ko siya kayang saktan. Kunot-noo akong naglakad papunta sa room namin. Iniisip ko kung paanong nalaman nila, wala naman silang mga social account, si papa skype pero iyon lang. Wala akong kilalang pwedeng magsabi sa kanila dahil wala rin naman kaming pakiealamerang kapitbahay.

"Siguro kahit mabangga ka hindi mo pa rin alam."

Halos mapatalon ako sa sumulpot na Dwane sa tabihan ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Hinipan ko ang humahaba ko ng bangs dahil nakikita ko nanaman ang mga panuring tingin at iba't-ibang bulung-bulungan sa tabi-tabi. Pasalamat na rin ako dahil hindi na sila buong araw nagpaparinig. Napagod na rin ata.

Tumingin ako sa katabi ko. Parang puyat at stress sa buong gabi. Maitim ang ilalim ng mata, pagod ang mga mata, at bagsak ang mga balikat. Nahuli niya ang titig ko kaya natawa siya.

"I know I look horrible. Pero 'wag mo naman masyado ipahalata." Natatawa niyang sabi kaya natawa rin ako.

"Ano bang nangyari sa'yo? Natulog ka ba?" tumawa ako ngunit inirapan niya lang ako.

"Tsk. Kainis kasi. Sinita ako nung guard. Nakasalamin lang naman ako. May araw rin sakin 'yung guard na 'yun."

Siniko ko siya. "Baliw. Gusto mong ma-guidance—"

Napatigil ako at nagkatinginan kami saka sabay na tumawa. Oo nga pala, sa Eastrad si Dwane ang warfreak. Sabi nila nung hindi pa nabubuo ang Eastrad ay gangster itong si Dwane. Actually, nagkakilala sila dahil naka-away noon ni Dwane si Clae. That time magkakakilala na sila nila Luther, Vann at Kirt. But the table turned, they're good friends now.

Nang makarating ako sa room ay marami na ring nandoon. Si Dwane ay tumungo na rin sa kanyang sariling room. Maya-maya pa ay dumating na ang teacher namin kaya doon ako tumutok. Matapos nun ay ang pang-araw-araw naming routine ni Dwane. Puro ganun lang ang nangyari ng tatlong linggo ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakausap si Vann. Nagkikita pa rin kami pero hindi ko pa nasasabi ang napag-usapan namin ni mama. Ang kondisyun ni mama. Kung sakali kayang sabihin ko, papayag kaya siya.

"Ang lalim nanaman ng iniisip mo." Malamig niyang sabi.

Nasa field kami ng college niya, nakaupo sa damuhan. Mag-iinquire ang naging palusot namin sa guard. May court ito at may mga naglalaro doon. May ilang pamilyar dahil sila ang senior namin nung high school. Sa field naman ay may nag be-baseball kanina ngunit tinigil dahil may tinamaan sa binti.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Malalim ka ba?"

Nag-tss lang siya saka umirap. Hinigit niya ko upang mas lalong mapalapit sa kanya. I have the urge to lean on his broad shoulder so I did. I felt the security and the contentment only by his existence. Ngayon ko mas napapatunayang ayoko siyang pakawalan. Pero hindi ko rin maiwasang magalit sa sarili ko dahil hinayaan kong dumating ako sa ganitong punto. Na hindi ko na magawang makapag-isip ng maayos. Hindi ko na magawang magdesisyon ng tama, sa ikabubuti ng lahat dahil puso ko ang mismong umaayaw.

"Vann may tatanong ako sa'yo."

"What?" mahina niyang sabi bago hinaplos ang bawat hibla ng buhok ko.

"Paano kung isang araw maging duwag akong panindigan ka?"

Hindi ako nakarinig ng sagot. Alam kong nabigla ko siya pero kailangan kong malaman kung ano ang gagawin niya, kung ano ang magagawa niya.

"Sa isang relasyon hindi maiiwasang may maging mahina. May susuko. May matapang. May selfish. Kaya kung mangyayari iyon sa'yo, hindi ako magagalit dahil natural iyon, normal iyon."

Tiningala ko siya at nasalubong ko ang mga mata niya. "Pero hindi ibig sabihin nun ay susuko na rin ako. Kapag hindi ka na lumalaban, ako ang susugod. Kung hindi mo na kaya, ako ang magpapatuloy. At kung dadating sa puntong bibitawan mo ko, ako ang kakapit. Ipapaalala ko sa'yo na hangga't hawak kita hindi ako susuko. Na hangga't sakin ka hindi ako magsasawa kahit ayaw na ayaw mo na. Hindi ako mapapagod na hawakan ka dahil ikaw ang lakas ko."

"Promise?" kinagat ko ang labi upang hindi na humikbi pa. Ayaw niyang umiiyak ako ngunit hindi ko na mapigilan dahil sa halo-halong emosyon ko.

Pinunas niya ang luha ko. "Promise. Infinity and beyond."

Ngumiti ako. Sandaling katahimikan. Pero may naalala ako. "Vann.."

"Hmm."

"Don't leave us. Don't leave the group."

Tiningala ko siyang muli at huminga siya ng malalim. Umiling saka tumingin sakin. "Buo na ang—

Umayos ako ng upo at hinawakan siya sa mukha. "Please, Vann. Alam kong maayos pa ito. Kausapin natin si Luther. Alam kong hindi niya rin gustong masira ang grupo at lalo na ang pagkakaibigan niyo."

"Really? Pagkakaibigan? If our friendship really means to him he will not hit on you." binaba niya ang kamay ko.

Natahimik ako ngunit nakakuha pa rin ako ng lakas ng loob. "H-hindi. B-baka infatuation lang. May girlfriend siya!"

Umiling siya. "Hindi sila ni Mitchy. Wala silang relasyon."

Nalaglag ang panga ko at naguluhan. So, ano iyon? Napitlag lang ako ng hawakan niya ang kamay ko at ilagay sa mukha niya. Pumikit siya ng mariin. "Alright. Kung iyan ang gusto mo hindi ako aalis, but promise me, you'll stay away from him. Pagkatapos na pagkatapos ng battle natin sa ibang bansa aalis na tayo sa grupo, ok?"

Tumango ako at excited na yumakap sa kanya. Nang lumayo ay muli kong hinawakan ang mukha niya at ako na mismo ang sumiil sa kanyang labi. Sana lang ay hindi kami makita ng mga school administer. He respond and deepen the kiss. I felt the same yet newest feeling over again.

Sa dumaan na mga araw ay hindi naging madali sa bahay dahil ganun pa rin ang sinasabi ni mama. Sa tuwing sinasabi kong bumubwelo ako ay mas lalo siyang nagagalit. Si papa naman ay kinakausap na ko pero sa bawat pag-uusap namin ay hindi maiiwasang maglabas siya ng sama ng loob. Naiintindihan ko iyon, totoo. Pero minsan nakakasawa ng marinig.

Pagkatapos kong ligpitin ang mga kalat sa kwarto ay kinuha ko ang cellphone upang makipag-facetime kay Shon. Matagal-tagal na rin nung huli kaming nakapag-usap. Nung kahapon ha ha. Ikinuwento ko na rin ang nangyari sa bahay at sinabi niyang bigyan ko lang dawn g time sila mama at papa baka sakaling kapag lumamig, mag-iba ang ihip ng desisyon nila.

Ilang sandali pa ay sinagot na niya ang tawag. Nagulat pa ako ng namumugto ang mga mata niya.

"Uy ano nanamang nangyari sa'yo?"

Lagi nalang ako binibigla ng babaeng ito...

[Caes..] garalgal ang boses niya. [E-eastrad's schedules are all cancelled.] nalaglag ang panga ko at tumigil ang paghinga ko. [Including your battle in States. Because no Eastrad will appear. Buwag na ang grupo.]

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon