Prologue

3.6K 52 7
                                    

Prologue:

Hinawi ko ang kremang kurtina at binuksan ko ang double glass door upang marating ang veranda ng kwartong iyon. Pumasok ang malamig na hangin kahit maliit palang ang awang ng pagkakabukas ko. Humawak ako sa railings at pumikit habang taas-noo kong dinarama ang preskong hangin sa mukha ko. Tanging mumunting mga kuliglig lamang ang ingay na naririnig ko doon. It was so refreshing. It's like a lullaby to me. Liwanag rin mula sa bilog na buwan ang nagliliwanag sa buong kalangitan.

Binuksan ko ang mga mata ko at pinagmasdan ang mga skyscapper at ang buong syudad ng London sa harapan ko. Niyakap ko ang bathrobe na suot lat nanginig ang kamay ko ng dahil doon. All of this was a shit. Hindi ko alam kung bakit humantong sa ganito, but what's important now is... nakaganti ako. I hope it was.

Muli akong lumingon sa likod at nakita kong gumagalaw na siya. Pinagmasdan ko siyang hilahin ang unan at yakapin niya. Something's wrong in my heart when I saw that action of him. Tila gusto kong tabihan siya at ako ang yakapin niya.


Nakita ko pang kumunot ang noo niya ng himas-himasin niya ang unan at nang maramdamang hindi tao iyon ay unti-unti siyang dumilat. Nagtama ang mga mata namin. Bumilis ang tibok ng puso ko at tila katulad iyon ng kanina. Ngumiti siya sakin at ikinumpas ang kanyang mga kamay, inaayayahan akong lumapit sa kanya. Dahan-dahan kong isinara ang double glass door saka unti-unting humakbang papunta sa kanya. Umupo siya. Ako naman ay sa edge lang naupo.

Kumunot ang noo niya. "Closer."

Umusod ako ng kaunti ngunit kumunot nanaman ang noo niya. Bumuntong-hininga siya at dahan-dahang kinuha ang kamay ko upang marahan akong hilahin patungo sa kanya. Ngunit hindi ako tuminag dahil hindi ako nagpatianod sa kanya.

"What?"

Hinila ko ang kamay ko. "I need to go home."

Tumingin siya sa orasan sa dingding pagkatapos ay mataman niya akong tinignan. Kumabog ang puso ko nang makita ang mga mata niyang nag-rereflect pa sa liwanag ng buwan sa labas. "It's midnight and you know I will not let you."

Pumikit ako. "Seven.."

"Why? Is there any problem?" lumapit siya sakin at ginagap ang kamay ko.

Nag-iwas ako ng tingin at umiling. "I just need to go."

"Why? Ah, wait, I know something's up to. I'm sorry if I hurt you, I promise I'll be more gentle next time. Tell me, what is it Rehm-

"Don't call me that way!"

Gulat man ay lumapit pa siya at... "I'm sorry."

Bumuga ako ng hangin at tumayo na. My face is surely as red as hell! Hindi niya na kailangan pang sabihin ang ganun. Dinampot ko ang mga nagkalat kong damit. Muli akong napailing. Am I desperate? Heck, I've just given my all! But, there's a fulfillment here in me. Muli akong napatanong fulfillment? Is it a medal to be proud of? Bakit parang taliwas ang sinasabi ng utak ko sa puso ko? Malala na talaga ako.

"Matulog ka na. I'm going home."

Ngunit mabilis niyang nahawakan ang braso ko. "W-wait. Sorry. Uh-" tinignan niya ang mga damit niya sa sahig saka muling tumingala sakin na parang bata dahil nakaupo pa rin siya. "O-ok, uuwi ka. Pero sasama ako."

Bumaling ako sa kanya ng masama ang tingin. "What were you thinking?! Hindi ka sasama!"

Umungot siya. "But... but.." tila nag-iisip siya. "It's already midnight."

"I can manage.." blankong tingin ko bago humakbang papunta sa banyo.

"You're sore!" sigaw niya kaya't napakagat ako sa labi at napapikit nalang.

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon