Kabanata 20

367 10 0
                                    

Kabanata 20

Everything is just like air. Passing me through but never leaving me. Hindi ko alam paano lahat nangyari pero sa isang iglap ay na sa akin na ang babaeng mahal ko. Isang umaga nagising nalang ako na malaya ko na siyang nahahawakan, natititigan at nakakausap. Kahit hindi kami legal ay ayos lamang sakin. Hindi naman iyon mahalaga sa ngayon, aantayin ko siyang maging handa. Pero kung sakali namang malaman ng parents niya ay paninindigan ko si Rehm. Dahil hinding-hindi ko siya bibitawan kahit anong mangyari.

Dumaan ang mga araw na lalo akong nahuhulog sa kanya. Tuwing gabi nga ay malayo ang nararating ng pantasya ko. Palagi iyon. Na siya at siya lang ang pagbibigyan ko ng apelyido ko. Wala ng iba. Masydong mabilis at maaga para sabihin pero iyon ang nakikita ko, iyon ang nararamdaman ko. Kaya nang sumapit ang araw ng anniversary ng kamatayan ng papa ko ay inanyayahan ko siya. At least my family will know her as mine. But she refuse, but her reason's fine with me tho.. kung alam ko lang ay alam niya na ang balak ko at nahihiya pa siya o hindi ready.

That day, I was sent by an email. Sina Luther at Rehm na magkasama. Nang makita ko iyon ay nagmadali akong tawagan si Rehm but Mitchy called me. Nagulat pa ako dahil hindi ko alam na may numero pala ako sa kanya. She was in a hurry, na-stuck daw siya sa Amadeo at wala siyang ibang mahihingan ng tulong for her car. The car she used when me and Rehm almost hitted.

"Please help me, Vann. I don't know where Luther is. Pasensya ka na talaga but if—

"Fine. Antayin mo ko."

Sa unang pagkakataon ay nakapag-drive ako mag-isa. Buti nalang at may dalang kotse ang mga kamag-anak kong pumunta sa bahay. I tracked her exact location in my gps at nang makarating ay nagulat ako sa nakita. Umuusok ang bumper ng kotse niya at bumangga sa isang puno! Maraming pulis ang nasa lugar at napansin kong paalis na rin ang mga tao.

"What happened?"

Nagmamadali siyang lumapit ng marinig ang boses ko. Malikot ang mga daliri niya at kita ko rin ang panginginig at takot sa buong mukha niya. Agad akong lumapit upang pakalmahin siya ngunit bigla na lamang siyang dumamba sakin at niyakap ako ng mahigpit. I was taken aback but when I heard her sobs, I patted her back—telling her everything's fine.

"Wag mo na kasing gamitin iyan." sabi ko habang naiiling sa sinapit ng kotse niya.

"Hindi ko na talaga magagamit iyan."

Napakunot nalang ang noo ko. Hindi ko alam kung balak niya bang magbiro doon o hindi. Maya-maya pa'y may lumapit na officer samin. Inaanyayahan siya sa opisina upang magmulta ng mga nasira.

Tinanggal niya ang pagkakayakap at humarap sakin. Mugto pa rin ang mga mata. "Thank you pala. But if you don't mind, can you stay for a while? Samahan mo lang ako sa opisina nila."

What can I do? "Aright."

Naayos ang lahat dapat nga'y ikukulong pa siya ng isang araw but of course I cannot let that happen. Ako ang nagbayad ng piyansa niya dahil nakulangan na siya dahil hindi niya daw nadala ang card niya.

"Ang lapitin mo sa disgrasya."

Ngumiti siya at ininom ang kape na inorder namin sa Kapehan sa Amadeo—isang sikat na kapehan sa lugar. "So are you telling me that I'm one hell pain in the ass?" tawa niya.

"You're reckless."

Tumingin siya sakin na malambot ang expression. Ngumuso siya kaya't itinaas ko ang kilay ko. "I don't want that to happen, ok. That's why it's an accident!"

Tumawa siya pero nanatiling seryoso ang mukha ko. Sinaway niya iyon kaya kung saan-saan na dumako ang usapan. Inaasahan ko nang medyo madilim na sa labas dahil ang dami niyang sinasabi. At tama ng ako, agad kaming sumakay sa kotse at pinaandar iyon. Iniisip ko kung nasaan na si Rehm dahil nakalimutan ko na siyang tawagan. Masyadong akong naokupa ni Mitchy.

"Someone's calling, Vann. Kanina pa iyan, ayaw mong sagutin. Are you ok?"

Natauhan ako at agad na nilingon ang cellphone kong nasa dashboard. Napatigil ako at agad na sinagot iyon.

Kanina pa siya natawag?...

Si Rehm. Siya lang naman ang kayang magpatigil sakin. Nawala lahat ng paghihinala ko sa boses niya at lalo na't magkikita na kami. Kaso ay dumating din si Mitchy at tinawagan pa si Luther. I don't know what's going on between them but recently they always seeing each other at wala akong pakielam doon pero nagtaka ako kung bakit si Rehm pa ang sinama niya upang bumili ng tela namin na hindi naman nila nabili. I have my whole trust on Rehm kaya hindi ko na siya tinanong pa doon. What she says is enough.

"Great! Like double dates eh?" hiyaw ni Mitchy habang pumapalakpak pa.

"Tara kain muna tayo. Hindi pa ko na kain e." alok ni Luther habang nakatingin sakin.

Hours passed ng hindi ako nagsasalita. Inoobserbahan ko lamang silang magusap-usap. I know Mitchy because of Luther. Sabi nila Clae ay childhood at long time lover daw ito ni Luther pero hindi niya tinatangkang ligawan, nobody can't give the answer why, only Luther. Hanggang sa inaya ni Mitchy si Rehm na mag-cr. And as the two girls gone he immediately leaned towards me. Saying the words I can't rely on and believe in. I know he was trying to rile me! But his eyes, fvck!

"Aagawin ko siya sa'yo.."

That words wake me up. Hitting me, squeezing me like I'm dying but I'm fighting still. Nabuhay ang galit sa loob ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya, but I won't let him near with my property. Akin iyon kaya hindi siya pwede. The whole month gives me more horror. Frighting every bit of me and it's intoxicating! Kita ko sa mata ni Luther ang pakikipag-kompitensya kaya mas lalo akong natatakot. Hindi dahil takot ako sa kanya kundi takot ako sa pwede niyang gawin para makuha niya ang akin.

"Wow. You two look good. What a perfect couple."

Nag-init and dugo ko sa sinabi ni Mitchy. Kanina pa rin ako naaalibadbaran sa kamay niyang nakapulupot sakin. But I have no choice. Sabi niya ay gamitin ko siya para hindi na lumapit si Luther kay Rehm. Ganun nga ang ginawa ko pero when I saw the emptiness in my Rehm's eyes I immediately pulled her arms out and reach my girlfriend.

"Bakit kayo nandito?"

"Eh ikaw bakit ka nandito?" balik-tanong ko kay Luther.

Ngumiti naman siya. "Easy there. Bawal ba siyang dalawin?"

Naramdaman ko si Mitchy sa tabi ko ngunit hindi ko siya pinagtuunan ng pansin. "Halos araw-araw na tayong nagkikita sa practice."

Tumingin siya sa paligid at ngumisi. "Eh sa gusto ko nga siya makita. May problema ba tayo doon?"

Nag-igting ang panga ko. At lalapit na sana ako ng pigilan ako ni Rehm. Atomatikong kumalma at tumigil ang pagragasa ng galit sa sistema ko. Nasa tabi na ni Luther si Dwane na ibinaba ang tray na hawak. Marami na rin ang nakikiusyoso at kumukuha ng kung ano-anong pictures. Kinuha ko ang kamay ni Rehm saka siya hinila palabas ngunit narinig ko pa ang sinabi ni Luther na lalong nagpalakas ng bulung-bulungan.

"I love her! And she'll going to be mine!"

natatC#

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon