Kabanata 49

319 12 5
                                    

Small world


Humakbang ako papunta kay mang Ramon. Nakita ko si papa sa gilid ng garahe, nakikipagkwentuhan kay mang Jesy-isa ring driver.


"Pa.."

Nilingon niya ko. "Oh ang aga mong nagising? Anong oras ang pasok mo?"

"Mamaya pa po." umupo ako sa tabi niya. Nakatingin lang siya sakin kaya natawa ako. "Bakit, pa?"

Nanliit ang mga mata niya. "May pupuntahan ka 'no?" mausisa niyang tanong.

Tumawa ako. "Wala."

"E, bakit ang aga mong nagising?"

Ngumuso ako. "Parang imposible naman mangyari pa, grabe ka. Saka maaga ako kapag alas sais ang pasok ko."

"Kaya nga nagulat ako, hindi naman alas sais ang pasok mo."

Tumawa si mang Jesy. "Ey ako ang maghatid sa'yo mamaya, hija?"

"Ah kayo po bahala."




Tumango siya at uminom din ng kape. Umupo si mang Ramon sa tabi ko at hindi ko na siya magawang tanungin dahil bukod sa nahiya na ko, masarap na ang kwentuhan nila papa. Nagpaalam akong aakyat na na agad naman nilang pinayagan.




Pagkarating ko sa kwarto ay napapikit ako sa naiwang amoy ni Seven sa kabuuan ng silid ko. His scent is strong but never irritated my nose, my kind of perfume. Naglakad ako papunta kung nasaan ang phone ko, gusto ko siyang i-text. Bakit biglang naging ganun siya? Saan siya nagpunta ng ganito kaaga? But what do I care? Naisip kong tawagan si Shontelle na sinagot niya naman.




We've been planning to reunite so we calculate our schedules. May pagka-business woman na kasi siya. May maliit na siyang pastry store doon galing sa ipon niya dahil nag-working student siya, ayaw niya daw umasa sa magulang niya. If I know gusto niya lang may mapatunayan sa parents niya.



Nang sabihin ko nga sa kanyang may girlfriend na si Kirt, ramdam ko namang nasasaktan pa rin siya. Pero siya ang may kasalanan kaya magdusa siya, joke.




Matapos naming mag-usap ay saglit akong naligo ulit bago bumaba upang kumain at makapasok na. Pagkatapos ay inihatid na ko sa school. Hindi ko alam pero bigla-bigla nalang akong nalungkot. Kanina pa rin ako check ng check sa phone ko. I don't want to say it but I'm stupid because I'm waiting Seven's message. Kinunot ko ang noo at huli ko nalang nalaman na tumitipa na ako.


Ako: Nasa school ka na?



Habang naglalakad sa hallway ay may mga nakakasabay akong ex na panay pa rin ang paghingi ng chance at syempre nirereject ko sila. Nag-lunch at ngayon pauwi na ko wala pa ring Seven na uma-appear sa notification ko.



I even went to his department at hindi ko manlang siya nakita, don't tell me nagka-cutting siya? Pero bakit ang aga niyang umalis kanina? Pasakay na sana ako sa sundo ko ng maisipan kong magliwaliw muna. Ewan ko ba hindi ako mapakali. Ayaw ko munang umuwi.



Binuksan ko ang pinto sa passenger seat. "Ah, mang Jesy. Mauna na po kayo. May bibilin pa po kasi ako sa mall. Project."

"Ah ganun ba? Hihintayin nalang kita."

Umiling ako. "'Wag na po. M-may kasama naman po ako."

Kumunot ang noo niya. "Sino?"

"Si... s-seven po." Kinagat ko ang labi. Anong kasinungalingan 'to?

Ngumisi siya at tumango. "Ah. Magkasama kayong pupunta?"

"Uh, hindi, hindi po. Magkikita nalang kami doon. Mauuna nalang po ako, m-may ginagawa pa kasi siya."

"Edi idadaan na kita. Kesa naman mag-cab ka. Sasabihin ko nalang sa papa mong may kailangan kang bilhin."




Tumango nalang ako at sumakay na. Hindi naman issue kay papa kung si Seven ang makasama ko, mas ok pa nga 'yun sa kanya. Ilang minuto pa ay nasa mall na kami, wala pa din siyang reply. Pagpasok sa mall ay muli akong tumipa ng mensahe sa kanya.




Ako: Where are you? Bakit hindi ka pumasok? Andito ako sa mall, 'yung malapit sa school. Mag-usap tayo.




Tho hindi ko talaga alam kung pumasok ba siya o ano. Hindi naman ako nagtanong sa mga nakikita kong kasama niya minsan sa school. I can't explain the feeling, it's weird but I'm really tensed and worried about where he was now. And his act before he left in my room, he become sudden cold to me. What the hell!?




Dumiretso ako ng ladies room to freshen up. Lumabas ako ngunit hindi pa rin nawawalan ang ligalig ko. Hindi siya nagrereply for fvck's sake! Ngayon lang ito nangyari! Hindi siya nade-delay ng reply! Dahil sa sobrang inis ay tinigilan ko na ang cellphone ko baka maibato ko pa ng wala sa oras, ako lang ang mapeperwisyo.




Nilibang ko ang sarili sa pagtingin ng mga lens at mga camera. Na-engganyo ako sa mga mas high-tech na camera kaya ipinangako ko sa sarili na pag-iipunan ko iyon. Nakasilip lang ako mula sa labas sa mga camera-ng naka-display nang may nasilip akong dalawang taong pamilyar sa akin.


Nasa loob sila ng shop at ako ay nasa labas. Nakatagilid silang dalawa sa akin at kitang-kita ko kung paanong masuyong hinalikan ni Aikah sa labi si..


Seven...



Nalaglag ang panga ko at nanlaki ang mata. Oo, alam ko namang ayos lang dito ang mga ganyan pero.. Napaayos ako ng tayo at unti-unting umatras. Siya ba? Siya ba ang boyfriend na tinutukoy ni Aikah? Paanong? Paanong hindi ko alam! Putangina! Bakit siya!?



Tumalikod ako at dire-diretsong humakbang sa kung saan. May nakita akong malapit na ladies room kaya pumasok ako. Nagulat pa ang dalawang babae sa bigla kong pagbukas ng pinto. Tinignan ko ang sarili sa salamin. Para akong hinihingal sa bilis ng tibok ng puso ko.


Naloko nanaman ako?



Pumikit ako sa tinanong ko sa sarili. Mas lalo kong naramdaman ang kaninang hindi ko pinapansing kurot sa aking dibdib. Mas tumindi iyon ng ipikit ko ang mata. Nilalamukos. Hinihiwa ng dahan-dahan. Pinipiga. At ang nakakademonyo, bakit kailangan kong makaramdam ng ganito. Bakit sobrang sakit!? Idinilat ko ang mata. Ayoko nito.

Hindi ko pwedeng maramdaman ito!



Kinagat ko ang labi at naghilamos ng mukha. Pag-angat ko ay bumukas ang pinto at tumambad ang mukha ni Aikah. Nanlaki ang pareho naming mata. Sumugod siya sakin ng yakap. Nag-tiim bagang ako.



Lumayo siya sakin. "Hindi mo sinabi saking andito ka!" malawak ang kanyang ngiti.

"Hindi ko naman alam na nandito ka." Kayo. Tangina.

Ngumuso siya. "Anyway. Kasama ko siya! Kakagaling lang namin sa condo niya. And you know what happened there.." tumawa siya



Muntik na kong mapapikit. Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan. Ang sarap magmura! At galing sila sa condo niya?! Tangina!



Binasa ko ang labi. "Sino?" mariin kong sinabi.

"'Yung boyfriend ko! 'Yung kinukwento ko sa'yo? I'm with him since early in the morning ha ha! See? He's also craving for me. Paranoid lang siguro ako nung nagkwento ako sa'yo." mataman niya akong tinignan. "Tara pakilala kita!"



Na-alerto ako. Nangapa at nataranta. Hindi pwede! Baka masampal ko siya ng wala sa oras. At ayokong magtanong ka!


"Ah.. ano bang pangalan?" I don't know but I want to be assured. Kahit nanlalamig na ang mga kamay ko gusto kong makumpirma.


Nakangiti niya akong tinignan. Kitang-kita sa mata niyang inlove siya. Damn! "Seven. Gideon Seven. My boyfriend, my future husband, my forever." malalim niyang sinabi saka humagikhik. "Oh wait lang. Mag c-cr muna ako. Antayin mo 'ko. Nauna na kasi siya sa resto."



And when she entered the cubicle, I saved myself. I runaway.

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon