Kabanata 33

369 11 7
                                    

The video is not mine.

R.O.D


Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naramdaman ko ang hinlalaking daliri niyang humahaplos sa ibabang labi ko. Nakatingin na rin siya doon. Saglit akong natigilan ngunit agad akong bumawi at buong lakas siyang itinulak kaya't nakawala ako.


"You pervert burglar!" nanggigigil kong duro sa kanya. Kinakapa ko ang lalagyan ng kutsilyo ngunit hindi ko makapa. Narinig ko ang halakhak niya na umalingawngaw sa buong tenga ko. Very authoritative and... dangerous.


"Really, miss?" tinapos niya muna ang huling tawa bago tumingin sakin muli. "Who the hell are you?" madiin niyang sabi.

Tumaas ang kilay ko at tinuro siya. "You. Who the freaking hell are you!?"

Tumawa nanaman siya. "You're amazing, miss. Are you a new maid here?" tinignan niya ko mula ulo hanggang paa bago kinamot ang tenga at nakangising umiling. "I'm not inform that you already changed your uniforms, huh?" turo niya sa damit ko.


Tinignan ko ang sarili. White see through longsleeve na tacked-in sa high waist denim shorts ko. Binalik ko ang tingin sa kanya at nakitang nakatitig pa rin siya sa katawan ko, buti nalang nagsuot ako ng itim na sando sa loob dahil sa see through nga ito.


Matalim ko siyang dinuro. "I'm not a maid. And I don't care who you are. So if you don't want me to call the security to drop you off... get lost!" tiim-bagang kong sabi. Nasaan na ba ang mga tao dito?! Mananakawan kami ng wala sa oras e!


Muli ay humalakhak siya tila aliw na aliw sa akin. "You really think I'm a trespasser, huh?"

Blanko ko siyang tinignan. Nahagip ng kamay ko ang kung ano kaya tinapat ko iyon sa kanya. Tinidor. "Yes and I can kill you now if you will do anything harm."


Hinawakan niya ang baba niya at buong puso akong tinitigan. Aba aliw na aliw talaga ang walangyang 'to, akala mo nag sshow ako dito. "Do it then. But just tell me your name first. Sino ka at anong ginagawa mo dito?"


Nanlaki ang mata ko at muntik ko ng mabitawan ang tinidor na hawak ko sa mga huling salitang lumabas sa bibig niya.


Nagtagalog siya!


"W-what?"


Ngumisi siya at nakahalukipkip na sumandal sa likod ng upuan. "Oh c'mon. Don't tell me you don't understand what I've said? Nagtagalog ka rin kanina."


Tumagilid ang ulo niya sa paghihintay sa sagot ko. Eh nagtatagalog pala itong lecheng 'to e! Pero ibig sabihin ka-baro ko siya? Kalahi ko siya? Bakit parang hindi naman Pilipino features ang mukha niya? Mukha siyang... koreano.


"Bakit ko sasabihin ang pangalan ko sa isang magnanakaw?"

Ngumisi siya at tila mas nagiging interesante sa kanya ang lumabas sa bibig ko. "Wala pa nga akong nakukuha.. so it means hindi pa ako magnanakaw."

Huminga ako ng malalim at tinaasan siya ng kilay. "Kung sino ka man huwag mong hintayin na tawagin ko ang mga guards dito, dahil kapag nahuli ka nila mabubulok ka na sa kulungan."

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon