Kabanata 31

363 11 5
                                    

Stay here




Napapikit ako sa munting pagdampi ng hangin sa mukha ko pagbaba ko ng eroplano. Idinilat ko ang mga mata kasabay ng paghinga ng malalim. Itinulak ko ang sariling paa upang makapasok na sa loob ng airport.






Hinanap ko ang magsusundo sakin at nakita ko siyang mula sa maluwag na pagkakangiti habang hawak ang placard na may kung ano-anong drawing ay unti-unting naging blanko ang mukha niya kasabay ng pagliit ng mata niya sakin.





Tumawa ako at lumapit sa kanya. "Papa naman, muntik ko ng hindi makita 'yung pangalan ko diyan sa placard mo. Akala ko doodle na two years old ang gumawa e."




Patuloy pa rin siya sa pagtitig sakin. Hinawakan ang buhok kong hanggang balikat ko nalang na kumikinang sa araw ang kulay nitong red violet. "You cut your hair. Do make-up on your face. And.. dressing like a fine lady?"





Ngumuso ako. "Masyadong mainit at new look na rin. Saka if you don't remember my father, ikaw po ang nagpadala ng mga make-up. Ayoko lang sayangin 'yung pera mo, and c'mmon it's just a lipstick and a dress." saka tumawa at umangkla sa braso niya.

"Nanibago ako e."





Tinulungan niya ko sa mga bitbit kong gamit at habang nag-uusap ay tumulak na kami palabas para maihatid na kami sa destinasyon namin. Binuksan niya ang likod ng white ford at iginiya akong pumasok doon. Nanlaki ang mata ko.





"Sa'yo 'to, pa?"




Tumawa siya. "Hindi. Sa amo ko 'to gusto ka lang makita kaya pinagamit ito. Idadaan muna kita sa pinagtatrabahuhan ko dahil gusto ka makilala ng mga amo ko bago tayo dumiretso sa titirhan mo."





Tumango ako at pumasok na. Sa passenger's seat siya umupo at nakipag-usap sa driver na pilipino rin. Driver ng pamilyang pareho nilang pinagsisilbihan.




"Naku. Kaganda naman pala ng mga anak mo. Imposibleng walang nobyo ire."




Tumawa si papa ngunit alam kong natigilan siya. "Wala. Matino iyan. Bilisan mo na, at baka gamitin ito."





Natahimik ako. Ang bigat sa dibdib. Kaya nga ako nandito dahil sa lalaki, nahiya ako bigla kay papa. Ilang oras pang biyahe ay nasa mansion na kami ng pinagtatrabahuhan ni papa. Dapat ay dito ako titira pero I rejected the idea. Nakakahiya. Mataas at malaki ang gate. May nakalagay sa itaas na malalaki at embosed letters na kulay silver na..




KWON'S MANSION




"Kwon?" bulong ko ng pumasok na kami sa entrada ng mansion.




Mukhang narinig ata ako ni Mang Jupit dahil tumingin ito sakin sa rear view. "Oo. Mga negosyanteng koreano na umunlad dito sa England."





Lumiko kami sa isang parang bodega ngunit malawak at doon ko nakita ang iilang may pangalan at magagarang sasakyan. Bumaba kami at muling lumabas. Nakita ko kung paanong pumindot lamang si Mang Jupit at dahan-dahan itong nagsara. Hanep.




"Tara na anak. Alam kong nakakahiyang pumasok pero 'wag ka mag-alala mababait sila. Kaya feel at home. Si papa nga hindi nahiyang maki-cr kahit unang tapak palang dito."





Natawa ako. Naikwento niya samin 'yang kahihiyan niyang 'yan. "Hindi naman kasi ako ikaw, pa." saka natatawang pumasok sa malaki at engrandeng bahay.

"Aba't"

"OMO! You're finally here!"




Umalingawngaw ang palakpak at boses ng isang babae na sa tingin ko ay nasa mid-40's ngunit napakaganda pa rin. Makinis ang kutis at wala ni isang wringkles. Tumingin ako kay papa na may nanliliit na mata at kibit-balikat siyang tumango sakin. Ang ganda pala ng amo niyang babae.





"Welcome, welcome. Ah you his daughteh?" mayroon na ring British accent sa salita niya pero maiintindihan mo pa rin naman.



I slightly bowed my head and smiled at her. Muli siyang pumalakpak at ngumiti pa kasama ang mga mata.




"You're so beautiful. You know what, we also lived in the Philippines about half a year that's why don't bother to talk in Filipino language, dal-lin." Ngiti niya.



Ang galing naman tatlong lenggwahe na ang alam niya...



"Ah no madame. I know how to speak English but not that fluent. And I'm not good in British accent."




Tumawa siya at.. "Ok lang. Anow ka ba." inilahad niya ang kamay sakin. "Btw. I'm Mrs. Kwon. Just call me tita."




Nakipagkamay ako at pagkatapos ay hinila niya ko sa dining table na puno ng pagkain at pinaupo sa katabi niyang lamesa. Pinatawag niya ang asawa niya na agad din namang nagpakita. Base sa itsura nito ay nasa mid-40's na rin siya pero hindi kakakitaan ng pagtanda.



Maganda pa rin ang postura na parang sa mga 20 years old above palang ang edad. Abala na si papa sa isang kusina dahil nilalabas niya pa ang ibang putaheng siya mismo ang nagluto.




"Ah, Remil. Take your seat. Join us. Tabihan mo na 'yung anak mo." Mukhang mas bihasa sa tagalog ito dahil matigas ang bawat bigkas niya sa sinabi niyang tagalog.

Ngumiti si Ma'am. "She's beautiful honey, isn't she?"


Ngumiti ang asawa niya saka tumingin sakin. "Pasensya na hija. Sabik ito sa babaeng anak e. Nag-iisang lalaki lang kasi ang anak namin at hindi na nasundan."

Pinalo siya ng asawa. At malungkot na tumingin sakin. "Jinja!"


Kumunot ang noo ko. Mukhang nag-korean siya. "Po?"


"She means that's true. It's true that she wants a daughter." singit ni papa. Aba nakakaintindi ng hangul.




Tumango ako. Nabuhay muli ang masayang boses ni Mrs. Kwon at nagkwento ng kung ano-ano. Nalilito na nga ako dahil pa-iba-iba siya ng lenggwahe ng hindi niya napapansin. 'Yung asawa niya nalang ang nagpapaliwanag kapag may hindi ako maintindihan. Mas matagal palang tumira sa pilipinas si Mr. Kwon kaya magaling siya sa tagalog.




"Tamang-tama. Darating dito bukas ang anak kong lalaki. Dito rin siya magka-college kaya kayo nalang muna ang magkasama. I will enroll you to his school. Don't worry Remil, I will pay for that." Tawa nito.





"Tinakot mo ako ser." Tumawa si papa ngunit biglang sumeryoso. "Pero ser huwag na may nakita na akong university na kakayanin ko naman. Doon nalang ho, saka may malapit na dorm doon."

"Remil please, let us help you. Bilang matagal ka namang nanilbihan samin ay hayaan mo na and besides I want to see her." ani ni Mrs. Kwon sa pakikiusap na tinig.

"What do you mean hon?"

"I want her to stay here. Please uhmm, Caes don't look for a dorm or whatever. Please stay here, you already have home here." hawak niya sa kamay ko.




Tumingin ako kay papa at agad naman niya iyong nakuha.




"Madame. Nakakahiya po, huwag na po. Sobra na po iyong sinabi niyo kanina na pag-aaralin niyo siya." Kamot niya sa ulo.

Tumawa si Mr. kwon. "You know your ma'am Remil, hindi 'yan titigil kahit ilang beses mong i-reject."





Muling kumamot ng ulo si papa at nakangusong tumingin sakin. The wala-anak-pumayag-ka-na-look.

"Please." Muling sabi ni Mrs. Kwon.




Huminga ako ng malalim at napapikit. Nakakahiya man pero mukhang hindi ko na ito matatakasan. "Sige po."

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon