Kabanata 41

369 11 0
                                    

Papayag



Tumunog ang steemmer kaya't napabalikwas ako ng bangon dahilan upang malaglag ako sa inuupuan ko, dumaing ako. Dahan-dahan akong tumayo kahit sumakit ang ulo ko sa biglang pagbangon at nanlalabo pa ang mata ko. Nakatulog pala ako sa mesa.






Tinignan ko ang siomai na ini-isteem na pinabantayan sakin ni papa. Tumingin ako sa wall clock sa sala na kita hanggang dito sa kusina. Napa-tsk nalang ako ng makitang mag-aalas sais palang ng umaga! Ngayon kasi ang anniversary ng kompanya ng mag-asawa at siya ang head chef nito kaya ang aga niyang nagluto para sa aming mga maiiwan dito. The couple invited me but I rejected. Hell no, I am not belong there. That was for elite people whose into business at kung sino-sino pang mga bigating tao, mabuti sana kung sa kusina lang rin ako pero hindi naman daw nila papayagan iyon kaya tumataginting na hindi! ang sagot ko.






Napakamot ako sa magulo kong buhok dahil ang tagal bumaba ni papa. Ginising niya ako ng pagka-aga aga dahil maliligo na kasi siya at maghahanda upang makapunta na sa venue dahil kailangang mas maaga sila doon. At swerte namang busy rin lahat ng kasambahay dito kaya ako ang pinagbatay niya dito sa lulutuin niya, iinitin nalang namin mamaya.





"Kakain ka rin naman mamaya, bumangon ka na diyan!" sabi niya dahil ayoko pa talagang bumangon.

"Ano bang gagawin ko dito?"





Nakarinig ako ng yapak sa likod kaya't nilingon ko iyon to see the disgusting smile on the disgusting face of the disgusting Seven! Ang aga-aga naman!





Tinaas ko ang kilay ko. "Kung mabubwisit ka, tigilan mo. Ang aga-aga kaya 'wag mo kong subukan!"




Nakahalukipkip siyang lumapit sa akin at sinilip ang ginagawa ko.





Sarcastic siyang tumawa. "Wow. That was the most inspiring 'goodmorning' greet I had ever reaceive.." saka ako inirapan.




Bumaling ako sa ginagawa at doon inilabas ang ngiti, pero syempre dapat tipid lang baka makita niya sabihin natutuwa pa ko sa kanya. Tinititigan ko pa rin ang usok mula sa steemmer at patuloy ito sa pag-iingay.






"Baka naman ma-over cooked 'yan. Tanggalin mo na. Hindi masarap ang siomai kapag sobrang lambot."






Nilingon ko siya sa likod ko at inirapan. Letse may pa turning me-turing me on ka pa nung isang araw! Kumuha ako ng maliit na tong at isa-isang tinanggal ang mga siomai doon. Siya naman ay umalis sa tabi ko kaya't nilingon ko siya. Nakita kong kumuha siya ng dalawang pirasong kalamansi sa ref at hiniwa iyon sa tabi ko.




"Anong gagawin mo diyan?"

"Ipi-prito."






Nalaglag ang panga ko hindi dahil naniniwala ako kundi dahil para siyang bakla kung maka-irap sakin. Kumuha siya ng platito at pinisil iyon doon saka hinaluan ng toyo. Pinanuod ko lang siya doon ko nakita ang buong itsura niya. Naka-pajama din siya katulad ko pero hindi siya naka-shirt kundi naka-sando lang na maroon. Hindi siya mapayat hindi rin siya mataba, katamtaman lang at kitang-kita ko mula dito ang muscle sa braso niya na hindi naman ganun kalakihan ngunit sapat na para mapalunok ako.




May abs kaya siya?...





Natigil lang ako ng makitang ngumanga siya at sinubo ang isang siomai na isinawsaw niya sa ginawa niyang sawsawan. Nakita kong apat pa ang nakalutang doon sa platito.





"Hoy! Bakit mo kinakain 'yan?! Para sa amin 'yan mamaya!"

Nagkibit-balikat siya at pumikit pa na parang sarap na sarap. "Papakainin kita mamaya." kumindat siya. "Ngayon nalang din ulit ako nakatikim nito! Ang sarap ng timpla, ikaw gumawa?"

"Duh? As if naman kaya kong gumawa ng ganyan.."

Lumabi siya at kinain ulit ng buo 'yung isa. "Kadali-dali e. Saka di ka marunong magluto, chef ang papa mo?"

"Kapag chef ang tatay dapat marunong din magluto. Hindi ba pwedeng ayoko lang talaga sa kusina?"

Tumawa siya at pinisil pa ang pisngi ko. Tampalin ko nga! "Ang sungit-sungit naman. Aga-aga. Smile, baby, smile. It's better if you'll start your day with a smile so I can be too. I will be more inspired because of it." Saka ako kinindatan ulit.


Ang pogi bwisit!



"Bwisit ka talaga! Hindi ka nakakatuwa!"

Lalo siyang natawa. "Bakit? Kinikilig ka na?"

Binatukan ko siya kaya sinimangutan niya ko. "Panira ka ng araw!"

"Ano bang ginagawa ko sa'yo, wala naman e. Ikaw nga 'tong sigaw ng sigaw. Mamaya may makarinig sabihin-

"Sige subukan mong ituloy 'yang sasabihin mo, 'yang nguso mo ang is-steem ko!"

Kinagat niya ang labi at tumawa. "Bakit? Alam mo para kang timang. Ang sasabihin ko, baka isipin nilang nag-aaway tayo." Nanliit ang mata niya sakin habang naglalaro ang ngiti sa labi. "Ikaw... anong iniisip mo ha?"






Tumitig lang ako sa kanya habang tatawa-tawa siya. Inirapan ko siya ng bongga saka umalis sa harapan niya. Luto na ang siomai! Matutulog na ko ulit! Pero nakasalubong ko naman si papa na naka-chef attire na at hawak ang toque niya.



"Oh? Luto na?"

Nakasimangot akong tumango at tumuro sa kusina. "Nilalamon na ni Seven, papa." Sumbong ko.






Tumawa siya at tumungo sa kusina. Sumunod ako. I want to watch how will my father punch his face because he is such a PG! Sasama na nga siya doon sa party, uubusan pa kami ng pagkain! What a parasite!

Nagliwanag ang mukha ni Seven ng makita si papa. "Mang remil! Grabe, ang sarap ng pagkakatimpla niyo!"






Napangisi ako dahil papalapit na si papa sa kanya at alam kong tatalsik na siya mamaya pero nawala iyon ng narinig ko ang halakhak ni papa at miski siya ay tinikman ang siomai.





"Syempre ako pa ba? Tsk, ma-ala chef Boy 'to kaso lamang lang ako ng sampung paligo ha ha ha!"






Napatunganga ako sa kanila na ngayon ay masayang nag-uusap. Umiling ako at nagpasyang matulog nalang ulit. Medyo malayo na ko sa kusina ngunit nang narinig ko ang sinabi ni Seven kay papa ay napatigil ako...





"Mang Remil, kunin kong date si Caes ha?"





Nanlaki ang mata ko, kumunot ang noo. Gusto kong bumalik sa kusina ngunit nanatili ako sa pader upang mapakinggan ang sasabihin ni papa.




"H-ha? Bakit kailangan ba ng date doon?"

"Hmm.. di naman pero I want her to be there. Alam ko kasing hindi siya sasama."

"Oh e, hindi nga. Baka magalit iyon kapag pinilit mo?"

"Hindi ho 'yan. Ako ng bahala. Basta papayag 'yun."

"Paano mo nasabi. Ang mama mo na ang nakiusap sa kanya pero tumanggi siya."





Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ko. Hinawakan ko ang dibdib at ramdam na ramdam ko ang dagundong niyon! What the heck is happening?!




Narinig ko ang tikhim niya. "Ako pong bahala. Hindi siya makakahindi sakin. I'll make her say yes at makikita niyo siya mamaya doon."

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon