Kabanata 25

320 8 0
                                    

Run away

Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil nakakasawa din ang pagtinginan tuwing umaga. Kulay asul palang ang langit at hindi pa ganon kasikat ang araw. Sarado pa ang room kaya sa labas muna ako noon tumambay. Nakikinig lang ako ng music habang nakayuko sa dalawang tuhod at nakasalampak sa sahig ng may kakaiba akong maramdaman sa gilid ko. Iaangat ko na ang ulo ko ng bigla akong higitin patayo ng kung sino. Nagulat nalang ako ng nasa mga braso niya na ko at mahigpit ang pagkakayakap.

"I miss you, babe."

Umiiyak siya sa balikat ko at iyon ang dahilan kung bakit nanghina akong bigla. Walang salitang namutawi sa labi ko dahil para akong sinasaksak ng marinig na ang bawat hikbing kumakawala sa bibig niya. Gusto ko siyang iharap ngunit sadyang mahigpit ang pagkakayapos niya.

"I miss you. I'm sorry."

"Ano bang sinasabi mo?"

Sa wakas ay pinakawalan niya ko ngunit labi ko naman ang pinagdiskitahan niya. Marahas at buong-buo. Bawat detalye sa loob ng bibig ko ay sinasakop niya. Hindi niya pinapaligtas na maghiwalay ni isang segundo ang mga labi namin kaya ng bitawan niya iyon ay hinihingal kami.

"Anong problema?"

Nagbaba siya ng tingin. Pulang-pula ang mga mata niya at matigas ang panga niya. Galit siya?

"Bakit?" hinawakan ko ang braso niya ngunti nanatili ang paningin niya sa ibaba kaya hinawakan ko ang baba niya at itinaas upang makita ko ng maliwanag ang mukha niyang pulang-pula.

Huminga siya ng malalim. "Mahal mo ba ako?"

Nalaglag ang panga ko sa kalituhan. "Oo naman."

Muli siyang huminga ng malalim at mariin pang pumikit bago ako matamang tinitigan. Iba't-ibang emosyon ang nasa mata niya ngunit nangingibabaw ang takot. Hinawakan niya ang kamay ko at muling inangkin ang labi ko. Saglit lang ang tinagal at dahan-dahan niyang iniwan sa ere ang labi ko saka sinabing..

"Run away with me.. please, I beg."

Naitulak ko siya at nasapo ko agad ang noo. "Anong sinasabi mo?" halos pabulong kong sabi.

Tila naman nanghina siya sa pagkakatulak ko dahil lulugo-lugo siyang umupo sa sahig. Umiiling siya habang sinasabunutan ang ulo at tila hindi mapakali. Hinilamos ko ang mukha at kinalma ko ang sarili bago siya dinulugan. He looks so devastated. Umupo ako sa harap niya at pinagmasdan siyang may dinudukot sa pantalon na hindi niya madukot kaya hinayaan niya nalang. Ngayon ko lang rin napansing hindi siya naka-uniform, nangangalumata rin siya at halatang hindi nakatulog. Ano bang nangyari?

"Please, just please. Tumakas nalang tayo.."

"Vann. I can't understand."

"Ako rin hindi ko na rin maintindihan."

Kinamot ko ang kilay. "Ano ba kasing nangyari?"

Kinagat niya ang labi at halatang pinipigilang magsalita. Nanliit ang mata ko sa naglalarong pag-aalinlangan sa mukha niya. Hindi pa kami nakakapag-usap tungkol sa Eastrad at ngayon may iba nanamang problema.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinaulanan ng halik. "I can't afford to lose you, Rehm."

"Ako rin naman." nanghihina kong sabi habang pinupunasan ang panibagong luha sa mata niya.

"So it means.." tumayo siya kahit nanghihina rin. Muli niyang dinukot ang kung anong dinudukot niya kanina pa sa bulsa niya. Nang mailabas niya ito ng tuluyan ay literal na nanlaki ang mga mata ko at bukas na bukas ang bibig ko.

Umupo siyang muli at pinantayan ako habang nandoon pa rin ang paningin ko. Panay ang pagkalabog ng puso ko. Pinagpapawisan na ng maigi ang buong likod at noo ko.

"Marry me."

Hindi ko alam kung ano na ba ang pumapasok sa isip niya. Punong-puno na ng mga tanong ang isip ko kaya't hindi ko na alam kung paanong itatanong sa kanya lahat 'yon. Kusang tumulo ang mga luha ko. Sunod-sunod at walang palya sa pag-agos.

"V-vann.."

"I have to do this, please. Say yes, please, please, please.." saka hinawakan ang dalawang kamay ko.

Tumalima ako at tumayo. Kinagat ko ang labi at tinitigan siyang mas lalong nasasaktan. Gumuguhit sa mata niya ang sakit at lungkot kaya pati ako ay naaapektuhan. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kabalisa at tila wala sa sarili. Alam kong depress siya sa mga nangyayari pero dapat hindi siya nagpapadalos-dalos. Hindi ko alam kung maaawa ako o magagalit. Halatang lutang na lutang siya.

Lumunok ako at tumingin sa gate kung saan may iilan nang pumapasok. "Umuwi ka na muna. Wala ka—

"Please, Rehm. Marry me."

"Vann!" marahas kong sinuklay ang buhok ko. "Ano bang nangyayari sa'yo!? Umuwi ka na lang muna. Pag-usapan natin kung anong nangyari sa'yo kapag maayos ka na. Kailangan mo ng magpahinga."

Umiling siya at tila nawawalan na ng pag-asa. "H-hindi ko kayang magpahinga. Ayokong mawala ka sakin.." and his eyes filled with tears again. The scene is so heartbreaking for me. It's really hard to see and watch him like this. He is lost.

"Vann hindi ako mawawala sa'yo."

"You'll leave me soon!"

"No!"

"Yes!" and in a snap his emotion turned that made me scare him. "Wala akong laban sa kanila! Wala akong kwenta kumpara sa kanila!" tumingala siya napaiyak nalang ako sa nakikita kong paghihirap sa kanya. "Rehm, wala na akong magagawa kapag kinuha ka na nila sakin.."

Tinakpan ko ang bibig at lumapit sa kanya. Awang-awa na ko sa itsura niya. "Vann. Walang kukuha sakin."

Umiling siya. "Hindi ako sapat sa'yo kaya—

I stopped him by my index finger. Masaganang tumutulo ang mga luha namin at pasalamat nalang ako dahil wala pa gaanong tao sa hallway na iyon. "Sshh. Don't say that. You are more than enough."

Sinabunot nanaman niya ang buhok kaya pilit kong kinukuha ang kamay niya at pinapatigil siya sa pananakit sa sarili niya. Paulit-ulit niya ring sinasabing pakasalan ko na siya ngunit paulit-ulit ko ring ipinapaintinding stress lang siya, na may panahon para doon at hindi ngayon na nagkakaganyan pa siya.

"You will leave me."

"No, Vann. Stop saying that."

"You will leave—

"Vann!" napatigil siya at napatunganga sa harap ko ng sumigaw ako. "Ang kulit mo naman e, kung iyan ang gusto mo. Pwes, magpahinga muna tayo. Hindi ako makikipag-break pero gusto kong magpahinga tayo. You are toxic, you can kill anyone. But you know, I still chose you over again even if I will die."

s ang o

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon