Kabanata 12

433 13 0
                                        

World of hiphop


"Hindi ko kailangan ng sagot ngayon, but I'll wait until next week." He winked.


Ginulo ko ang buhok, pinadyak ang mga paa at umupo sa kama. Hindi ko alam kung ngingiti ba ko o ano. Pero mas nanaig 'yung saya ko kaya dumapa ako at nag-worm dance. Parang tanga akong tumatawa habang ginagawa iyon. Nang mapagod ay muli akong naupo. Kinagat ko ang labi at sa isang beses pa ay nilamutak ko ang mukha ko.


"Gaah! Kamusta kaya ang mukha ko kanina?!" kinuha ko ang isang unan at kinagat iyon. "Should I freak out or nah?"


Hinagis ko sa likod ko ang unan at pumikit. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Iyan tama, kalma muna dapat ako, masyado akong na-eexcite. Pero the hell! Anong isasagot ko?! Kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon. Ngunit naisip ko din, dapat ay ligawan niya muna ko diba? Dapat umeffort naman siya ng kaunti.


It's your time to shine! Aayaw ka pa ba?...


Pinilig ko ang ulo. Hindi ganun kadali iyon, oo crush ko siya—baka nga hindi lang crush e. Pero paano? Paano kung hindi pala siya seryoso. Paano kung malaman ng iba, magagalit sila sakin knowing that he is one the bachelors in this town. Hindi pa iyon, dahil may branch na rin ang fans ng Eastrad so... that would be big controversy. At saka bawal ang relasyon sa grupo—tapos kami mismong dalawa na parte ng grupo ay babali doon? But when he said that 'be mine' shocks, seryoso siya! Feeling ko nga wala na kong isang fallopian tube dahil sumabog na.


Natigil lang ako sa paglandi ng tumunog ang cellphone ko. Shontelle! I forgot her, heck!


"How are you? Anong nangyari diyan ha? Nagsuntukan—

"Caes!"

Ngumuso ako. Masama ba mag-alala? "Are you ok?"


Ngumiti naman siya ngunit alam kong may dinaramdam pa rin siya. Napansin kong nag-iba ang pintura ng kwarto niya. "I'm fine." Huminga siya ng malalim. "I'm here in Clae's condo unit.."

Lumaki ang mata ko. "Bakit? Nasa'n sila? Ano bang nangyari?! Huwag mo nga akong binibitin, Acueza!"


Sumimangot naman siya. "Andoon sila sa condo ko matutulog, nag-iinuman. I insisted na dito nalang ako para mas magkaroon sila ng time. Hindi naman sila nagbugbugan, nagsigawan lang sila. Then... t-then.."

"Then?" nakakunot kong tanong.

"Uuwi na diyan si Kirt."

"Napapayag niyo?" masigla ang boses ko. Of course, kahit naman burogbog iyon ay namimiss ko rin ang kakulitan nung mamang iyon. "Great—

"Sinabi ko."


Ngumisi ako pero siya ay walang reaksyon ang mukha. If I know, mahal na mahal niyan si Kirt. Tsh, alien couple. Parehong baliw. "Hanep a, lakas mo talaga sa gung—


"Pinapili niya ko e..." tumungo siya at kumuha ng tissue sa tissue box at nagsimulang pisilin ang ilong ngunit hindi naman siya sumisinga. Nagulat ako. Akala ko'y maayos na. Kitang-kita ko ang paghihirap sa mata niya, her eyes is fixed on the floor while bursting her cries. She sobbed, again and again. "I don't want to be the reason of their misunderstanding. At isa pa, hindi ko isasakripisyo ang mga pangarap niyo para sa kapakanan ko. I chose him to leave than to stay—

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon