Kabanata 34

381 12 2
                                        

Born to play


Napakagat ako sa labi at napapikit ng mariin. Hindi nakaligtas sakin ang mga singhapan at pagtataka sa mga mukha nila. Naramdaman ko ang pagtabi sakin ni papa sabay hawak sa ulo ko upang mag-bow.


"Ah he he. Pasensya ka na Seven bago lang siya dito eh." lumapit sakin si papa. "Anong sinabi mo anak? Ngumiti ka, ngumiti ka." bulong pa niya.


Muli ay iniyuko ni papa ang ulo ko. Grabeng kahihiyan ito! Ni hindi ako makapagsalita kahit gusto kong ipaliwanag ang sarili ko! Ang sarap pa punitin ng mukha nitong lalaking 'to. Akala gwapo siya. Di bale kusang mapupunit ang bunganga niyan dahil sa lawak ng ngiti niya.


"Ah.. ikaw pala ang tatay niya mang Remil?" napaangat ang tingin ko sa kanya dahil sa cool na pagbanggit niya sa pangalan ng tatay ko.

"Oo. Scholar kasi siya ng appa mo kaya dito na rin siya pinatira."

Tumango naman ito. Lumapit sa kanya ang mga magulang na parehong nakangiti.

"So I hope na magkakasundo kayo ha?" masayang aniya ni mrs. Kwon saka humilig sa balikat ng anak at nakangiting tumingin sakin. "Seven. I treat her like my real daughter so you better treat her like your younger sister, arasseo?" sabay tingala sa anak.


What?!


"Uh-huh? If that so.. dapat malaman ko muna ang pangalan niya."


Nagulat namang umayos ng tayo si mrs. Kwon. "Oo nga hindi ka pa nag-iintroduce, Caes. Go ahead, darling."

Bakit kailangan pa nito?!


Tumikhim ako at taas noong humarap sa kanya. "I'm Caeslei." tumingin ako kay papa na nakatunganga sakin tila nag-aantay pa ng mahabang speech pero ngumiwi lang ako sa kanya.

Tumingin siya sa mga nasa harap namin at tumikhim. Inakbayan niya ko. "Seven. Anak ko. Si Caes. Dalawang taon na simula nung lumipat siya dito pero mahiyain pa rin." Saka tumawa.

Tumaas ang kilay ni Seven. "I don't think so mang Remil. Mukhang palaban nga po eh." nakangisi nitong sabi.


Lalo akong na-awkward at kulang nalang ay paliitin ko ang sarili ko at ibaon sa lupa upang makatakas sa kahihiyang ito! Hindi ko alam na may ipe-presko pa siya dahil sa paraan palang ng pagsasalita niya ay sanay siyang pinaniniwalaan at sinusunod ng lahat. Tumitig ako sa kanya—mula ulo hanggang paa. Grey shirt na pinatungan ng red leather jacket at maong pants. Napailing ako.


Magara ang suot niya kahit simple kaya paanong naisip kong akyat-bahay siya?...


Huminga ako ng malalim. "S-sorry.."

Sumilay naman ang makapanindig balahibo niyang ngiti. Oo, dahil tumindig talaga ang balahibo ko. "It's ok. Your reason is valid. And besides, malakas sakin si mang Remil kaya malakas ka na rin sakin."

Pumalakpak si mrs. Kwon. "My son is now matured!? OMO!" nanggigil ito sa anak. "Kasi dati mapagpatol ito. Kahit titigan mo lang ay nang-aaway na. But now... I'm so happy for you, hijo!"


"Umma, tsk. You don't have to mention it." Nakasimangot niyang sabi.

"Alright." agaw ni mr. Kwon sa atensyon ng lahat. "Since binigla tayo ni Seven, hindi tayo nakapaghanda ng makakain—

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon