Doubt
Hinila ako ni Dwane at pilit na pinapaalis sa dancefloor. Ilang beses kong sinabi na ayos lang ako. They are furious about him touching and dragging me out of this club! Hindi nila alam na kilala ko si Seven.
"Dwane! I'm not violated, ok? I told you kilala ko 'yon! Just.. shit! 'Wag mo kong hilahin-- pigilan mo sila! Baka kung anong magawa nila kay Seven! Dwane!" sigaw ko. Nakabaling pa rin ang aking ulo sa isang tumpok na iyon. Sobrang kinakabahan na ko!
"Naririnig kita! Pero hindi kita ilalagay doon, Caes!"
"What?! Dwane, please, please. Help him, please!!"
"Luther! Kunin mo 'yung kapatid ko saka 'yung dalawa!" utos ni Clae dahil hanggang ngayon ay hindi mahagilap sa dancefloor ang tatlo.
Mabilis na inutusan ni Clae si Jess na iparada na ang sasakyan sa labas. Nasa tabi ko na sina Shontelle at halatang nawala ang pagkalasing nila sa pagtataka sa nangyayari.
"Dwane! Luther, no guys! Please let me go!" patuloy kong panaghoy sa kanila. Hindi na malaman kung sino ang susuyuin.
"Ayyy!"
Those screams boosted my wanting to go back. I NEED to go back! Dahil sa pag alsa ng aking damdamin ay nakawala ako sa mahigpit na kapit sa akin. Shontelle or Genie or whoever called me but I didn't care to turn my head. Seven needs me!
Halos sapakin ko na ang mga taong harang sa aking daan. The bouncers are in front of me at tumatakbo rin. Nang makalapit ako ay hawak na ng mga bouncer si Vann at Kirt na pumapalag pa dahil sa hindi daw dapat siya ang hinahawakan.
"Seven!" sabay lapit ko. Hawak na rin siya ng isang bouncer. Is he drunk?
"Seven?" pinakatitigan ko ang kanyang mukha at doon ko napagtantong lasing nga siya. Mas worst pa siya ngayon kumpara the last time we saw each other.
"Caes! Layuan mo 'yan!" iritang sigaw sakin ni Clae.
Humarap ako sa kanya. "I know him, ok?!" muli akong humarap sa kay Seven at inalalayan siya. "Let's go."
Pinaubaya na siya sakin ng bouncer dahil sa aking pakiusap. Hindi ko inintindi ang bawat tawag sakin. Nakalabas kami na hirap ako dahil sa kanyang bigat.
Lumihis ako ng daan nang makita ang nakaparada pa ring sasakyan ni Jess. Tahip-tahip pa rin ang kabog ng dibdib ko, para akong maiiyak. Naiiyak na nga ata ako lalo pa't naririnig ko ang bawat ubo niya.
"S-seven.." tumikhim ako dahil nanginig ang aking boses. Pinipigilang tumulo ang namumuong luha. "Where's your car?"
He again coughed. May kinukuha siya sa bulsa habang bahagyang nakaangat ang ulo. Pinindot niya iyon at may tumunog. His car alarm. Agad akong dumiretso sa isang white Ford Everest, nasaan na kaya ang Land Rover niya?
Pahirapan bago ko siya maipasok sa loob. Umikot ako upang sa kabilang side ng backseat ako umupo katabi niya. I don't know how to drive!
"Seven.." kinakabahan kong muling banggit sa kanyang pangalan.
Hindi ko alam kung saan ko siya hahawakan. Namumula ang kanyang pisngi at may dugo sa gilid ng kanyang labi. Napapikit ako sa itsura niya ngayon. Namutawi ang inis at galit ko sa aking mga kaibigan, naiintindihan ko naman ang punto nila. Hindi nila al na kilala ko si Seven at gusto lamang nila akong protektahan.. pero mali pa ring gawin nila ito sa kanya!
Muli siyang umubo kaya napadilat ako at dinaluhan siya. Nakapatong sa headrest ang kanyang ulo at nakapikit ang mata. I want to bring him in the hospital but I don't know how. Walang dumadaan na taxi na pwedeng sakyan.
