Kay dilim na kalangitan ang sumalubong sa amin ngunit ito'y inasahan na namin. Sa kalagitnaan ng kawalan, nagsisimula nang sumabay sa indayog ng karagatan ang aming galyon. Nararamdaman na namin ang paglamig ng simoy ng hangin hanggang sa may pumatak sa aking damit.
Umuulan.
"Kamahalan, umatras na tayo. Walang kasiguraduhan ang ating patutunguhan. Manganganib lamang ang buhay ng lahat," nag-aalalang sabi ng aking kanang-kamay.
"Kung gano'n, kayo'y magsilikas na," tugon ko.
"Kayo? Ibig mo bang sasabihin, 'di ka sasama?"
Mula sa himpapawid, dumako ang aking tingin sa kanya. "Malayo na narating ko. Aatras pa ba ako?"
"Kamahalan, nahihibang ka na ba?" madiin niyang binitaw habang may bahid ng pag-aalala sa kanyang mukha.
"Nahihibang man ako, ngunit kung 'di ako magpapatuloy, mamamatay rin ako dulot ng lubos na pangungulila't kalungkutan sa Palasyo," sabi ko sa kanya. "Habambuhay na hindi mapapanatag ang loob ko dahil ramdam ko pa ring buhay siya."
Bago pa mang lumala ang bugso ng sigwa, kumilos na ako. Buong tapang kong haharapin ang lahat ng pagsubok. Kung nagawa kong mabuhay sa dalawang digmaan sa Titania, mabubuhay ako. Ipapangako kong mananatiling buhay kahit anumang mangyari, mahanap ko lang siya.
Mahahanap din kita.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix III: Ang Huling Alab [COMPLETED]
FantasyBook 3 of 3 Dalawang taon na matapos ang huling kaguluhan sa Titania. Dalawang taon na ring namuhay si Jai bilang Hari ng Kaharian ng Silangang Serentos, ngunit hindi pa rin lubos niyang matanggap ang sinapit ng kanyang minamahal. Patuloy itong baba...