Kabanata III

79 6 0
                                    

Jai

Hinatid nila ang dilag sa isang kwarto at binantayan ang kalagayan niya, habang nag-aantay kami na magising siya. Si Chonsela na nasa aking tabi, hindi mapakali at nilalaro ang palad. "Batid kong kinakabahan ka," sabi ko sa kanya.

Isang simpleng pagtango ang kanyang tugon. Pinagsabihan kasi niya ako na hindi malinaw ang nakikita niya sa hinaharap simula nang dumating ang dilag sa Palasyo. Tinahan ko na lang muna siya. "Kumalma ka muna. 'Wag mo munang pangunahan ang mga mangyayari. 'Di pa naman siya nagigi—"

Naudlot ang aking sasabihin nang dumating si Lino sa aking silid. "Kamahalan," pagtawag niya sa akin. "Mayroon kayong panauhin."

Bago pa niya ipakilala ang panauhin ay kaagad itong tumakbo papasok at dumiretso sa akin. "Jai!"

Niyakap niya ako na muntikan ko pang ikatumba. "Leia," pagbanggit ko sa kanyang pangalan. "Hindi ko inaasahan ang iyong pagdating."

"Ops, hindi lang ako!" sabi niya at may dalawa pang pumasok sa silid ko—ang kambal na salamangkero.

"Magandang araw," sabay nilang bati at yumuko pa upang magbigay-galang. "...Kamahalan."

Sa tuwing tinatawag nila akong Kamahalan, nandidiri talaga ako sa kanila. "Ayan na naman kayo."

"Eh dapat kami magbigay sa Hari ng Silangang Serentos, no," sabi ni Ella na ikinatawa ko na lang.

May isa pa akong hinanap sa kanila. "Si Philip?"

"Hay naku, umaasa ka pa talaga no'n na dumating. Abala 'yon sa Academia," ani ni Leia. "Tsaka, ang ganda na ng Academia. Saka lang gumanda no'ng umalis na tayo."

Nagagalak akong marinig ang tungkol sa Academia. Seryoso talaga si Philip sa tungkulin niya bilang tagapamahala ng paaralan. Siguradong matutuwa rin si Master Yves nito.

'Yon nga lang, medyo matagal ko na siyang nakikita. Hindi rin ako makadalaw sa Academia dahil mahigpit na pinagbabawal sa akin ang maglakbay, maliban na lang kung kinakailangan.

Dito sa aking silid kami nagkamustahan. Pagkatapos ng huling taon nila sa Academia, naging mga Sadhaka na rin sila sa kani-kanilang lupain. Ibinahagi rin nila Leia na magtatanan na sila ni Raphael at nakahanap na sila ng bagong tahanan. Natutuwa akong marinig iyon gayong matagal na rin silang magka-ibigan.

Si Rafaela naman, may nanliligaw na raw sa kanya na isang Sadhaka rin. Ipakikilala niya raw sa akin sa susunod naming pagkikita. Natutuwa rin akong marinig iyon gayong hindi masyadong interesado noon si Ella sa buhay pag-ibig.

"Eh ikaw, Jai," tanong naman ni Raphael. "Sinagot mo na ba 'yon si Lino—"

Kaagad naman siyang siniko ni Leia. "Ikaw talaga, ang kulit-kulit mo talaga no! Alam mo namang loyal kay Xand..." sabi niya ngunit naudlot na may nabanggit siyang pangalan.

Ningitian ko sila. "Ano ba, okay lang. Totoo naman."

Kita ko ang gulat sa kanilang mga mukha. "Alin ang totoo?!" tanong ni Leia.

Natawa na lang ako sa reaksyon nila na parang bang isang malaking bagay ang ibubunyag ko. "Syempre, 'yong loyal ako sa kanya."

Nakahinga naman sila ng maluwag. "Akala ko naman, totoo 'yong sinagot mo na si Lino."

"Ba't niyo naman nasabi?" natanong ko.

"Wala lang. Alam naman naming gusto ka niya. At, sa tagal ng pinagsamahan niyo dito sa Palasyo, 'di malabong magkakatuluyan kayo," tugon ni Leia.

Ave Fénix III: Ang Huling Alab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon