Jai
Sumapit ang isang gabi na yakap-yakap ko si Lino na mahimbing na natutulog sa aking tabi. Isang linggo na ang dumaan mula noong sinuklian ko ang kanyang pagtingin. Unti-unti ko nang nabibitawan ang nakaraan; hinihiniling ko na mamayapa na ang kaluluwa niya kung nasaan man siya ngayon.
Hindi ko naman maitatanggi na hindi ko siya maalala kay Lino, ngunit hanggang alaala na lang siya sa akin at ang mahalaga ngayon ay mayroon nang mananatili sa tabi ko.
Iidlip na sana ako nang biglang lumakas ang ihip ng hangin na nagpagalaw sa mga kurtina sa balkonahe. Buti na lang, hindi na nagising si Lino.
Ngunit, kakaiba. Kahit sino mapapagising sa lakas ng hangin na iyon. 'Di kaya may paparating na bagyo?
Bumangon muna ako upang isara ang pinto ng balkonahe nang may nahagilap ang aking paningin sa labas. Nagpunta ako sa balkonahe mismo at doon sa ibaba ay nakita ko si Grietta na nakatingin sa kawalan.
Sabi ni Lino, patuloy pa rin ang panghuhula ni Grietta sa bayan kung saan kumikita siya. Mag-iisang buwan na rin siyang nakikitira sa Palasyo ngunit wala na akong alam kung ano pa ang plano niya rito gayong pinagsabihan ko na siya na wala na akong plano pang hanapin siya.
Hindi ko na napansin na napatagal ang titig ko sa kinatatayuan niya. Napaatras naman ako sa sindak nang napagtanto kong nakatingin na siya sa akin. No'ng sinilip ko ulit ang ibaba, wala akong nakitang Grietta.
Kinabukasan, nagpatuloy ako sa aking mga gawain. Pinakausapan ko na si Lino na siya na bahala kay Grietta na kumausap tungkol sa pananatili niya rito sa Palasyo. Nag-aalala na rin kasi ako sa kaligtasan ng Palasyo gayong labas-pasok si Grietta rito.
"Kamahala—"
Bago pa matapos ni Chonsela ang kanyang sasabihin ay naunahan siya ni Grietta na pumasok sa silid. "Batid kong pinapaalis mo na ako rito, Kamahalan," pagbati niya sa akin.
Bagama't sa ganitong paraan niya ako haharapin, inaasahan ko na ang posibleng mangyari ngayon. Pinagmasdan ko pang pigilan ni Chonsela na makalapit pa siya sa akin.
"Grietta, kumalma ka muna, okay?" pagpigil ni Chonsela sa kanya.
Humabol na rin si Lino na nadatnan ang aming paghaharap. Dali-dali siyang yumuko upang magbigay-galang pa sa akin. "Paumanhin, Kamahalan, kung naabala pa namin kayo—"
"Naparito ako upang tulungan ko kayong mahanap ang kasintahan mo, Kamahalan, ngunit sa tingin ko'y nabalewala lamang ang lahat na ginawa ng Aire Quimera para sa inyo," aniya. Walang bahid na anumang emosyon sa mukha ni Grietta, ngunit sa tono ng pananalita niya ay hindi siya nasayahan sa ibig kong iparating sa kanya.
"Wala na akong magagawa pa, Grietta. Nawa'y igalang mo ang aking desisyon," kalmado kong tugon.
"Kung gano'n, nawa'y hindi magdurusa ang Kamahalan. Palapit na ang paghihirap ng iyong Kaharian. Hanggang hindi ka aalis, maghihirap ang taumbayan," huling mga salita na binitaw niya bago siya umalis ng silid at iniwan kaming tahimik pagkatapos marinig iyon.
Kung hindi raw ako aalis, may mangyayari rito.
"Kamahalan," pagtawag sa akin ni Lino sa akin na nagbalik sa aking wisyo. "Huwag mo nang masyadong isipin pa ang sinabi niya. Batid kong pinaglalaruan lang talaga tayo niya. 'Di ba, Chonsela?"
Lumingon kami kay Chonsela na nahuli naming tulala na rin. "A-Ah oo, este opo, Kamahalan."
Maya-maya'y iniwan na kami ni Lino upang siguraduhing umalis na si Grietta, habang si Chonsela naman ay parang hindi mapakali simula kanina. "Chonsela, may problema ba?"
BINABASA MO ANG
Ave Fénix III: Ang Huling Alab [COMPLETED]
FantasyBook 3 of 3 Dalawang taon na matapos ang huling kaguluhan sa Titania. Dalawang taon na ring namuhay si Jai bilang Hari ng Kaharian ng Silangang Serentos, ngunit hindi pa rin lubos niyang matanggap ang sinapit ng kanyang minamahal. Patuloy itong baba...