Kabanata LX

53 3 0
                                    


Dumating na ang oras na lilisan na ang mga invasor. Tuluyan nang nagpaalam ang grupo nina Leia kina Danaia, Hulian, at Fidel na napag-iwanang mamumuno sa Reino Unidos. Kasamang umakyat sa Frigata si Xandrus at ang kanyang anak na si Nexus. Sa kabila ng kanilang alok na siya ay may posisyon para mamunuan, tinanggi niya ito sa kadahilanang nais niyang bumalik sa kanyang pinanggalingan. Hindi rin niya kayang iwan si Nexus dahil napamahal niya na rin ito.

Si Grietta naman, nagpasyang magpa-iwan at ituloy ang kanyang katahimikan sa Reino Unidos.

Sa huling sandali, nagpalitan silang lahat ng pagkaway ng kamay habang hinahati na ng frigata ang karagatan. Hindi man naging madali ang lahat sa kanila, masaya sila na magbubunga ng kapayapaan ang paglisan ng mga mahal nila sa buhay.

Sa frigata, hindi pa rin napapawi ang pagluluksa ng lahat sa pagkawala ng kanilang kapitan. Dahil si S'Akessiya ang napagbilinan ni Jai ng frigata, siya ang pumalit sa kanyang pwesto upang pangunahan ang kanilang paglalakbay. Sa kabila ng iyan, natutuwa naman ang ilan sa kanila na masaksihan ang ngiti sa anak ni Xandrus habang pinagmamasdan ang malawak na karagatan. Hindi nila maitatanggi ang sayang dala ng kasama nilang inosenteng bata na unang beses pa lamang nakalabas ng kanilang Reino.

Sa kanilang paglalakbay, hindi na nila nakaharap pa ang mga Sirena at ang mga Krakken. Tila tanaging sumasalubong lamang sa kanila ay ang mapayapang karagatan.

"Pst," pasikretong tawag ni Leia sa kanyang nobyo. Lumapit naman ito sa kanya ang pareho nilang tinitigan ang kinatatayuan ni Xandrus mula sa itaas na parte ng kubyerta.

"Bakit? Anong meron?" tanong ni Raphael.

"Wala ka bang napapansin sa kanya?"

"Wala naman."

"Parang may mali sa kanya," ani Leia. "Parang may tinatago sa atin, eh."

"Guni-guni mo lang 'yan," sabi ni Raphael.

"Talaga? Sino kaya sa'tin ang nakadiskubreng may lason 'yong inuming binigay sa atin ni Miya noon?"

"Oh, anong ibig mong iparating?"

"Eh, hindi ako nagkakamali sa mga kutob ko," depensa naman ni Leia.

Nahuli naman sila ni Xandrus na nakatingin ang dalawa sa kanya at kaagad silang umiwas ng tingin.

Sumapit ang gabi at medyo hindi nila matiis ang dalang lamig ng hangin. Kanya-kanya silang pulupot ng kumot sa katawan habang pinahahatian ang init mula sa sigang ginawa nila. Tahimik lamang ang lahat at tila nangungulila pa rin sa presensya ng kanilang kaibigan.

Walang makausap si Leia tungkol sa mga napapansin niya. Wala nang kukulitin si Raphael. Walang maturuan si Ella sa mga majika niya.

Tila malaking bahagi sa kanilang buhay ang nabawasan dahil sa lahat ng pagkakataon, kasama nila Jai.

"Ang lungkot-lungkot niyo naman," pagbasag ni Xandrus sa katahimikan, habang tinatahan si Nexus na natutulog sa kanyang piling.

"Syempre, wala na si Jai," sabi ni Leia. "Eh ikaw, 'di ka ba nalulungkot?"

Sa oras na iyon, ito'y isang magandang pagkakataon para mapatunayan ni Leia ang kanyang kutob kay Xandrus.

"Malungkot rin nama—"

"May tinatago ka ba sa amin?" pag-udlot ni Leia sa kanyang sasabihin.

Nagsipagtinginan ang lahat sa gawi ni Xandrus. "Wala naman," matipid niyang sagot, sa kabila ng kabang mabibisto siya.

Ave Fénix III: Ang Huling Alab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon