Kabanata VIII

51 5 0
                                    


Jai

Sa aking pagdilat, isang pares ng mapupungay na mata ang sumalubong sa akin. Kasabay niyan ay isang ngiti na naipinta sa kanyang labi at ang paghaplos ng kanyang kamay sa aking pisngi.

Hindi ko naisip na darating ang araw na gigising akong may magaan na kalooban gayong may mananatili na sa aking tabi.

Aking pinatong ang palad ko sa kamay niya na nasa aking pisngi. "Magandang umaga," aking pagbati.

"Wala nang ikakaganda pa sa aking umaga'y ngayong nasilayan ko ang iyong mukha," kanyang tugon na hindi ko inaasahan kaya napatawa lamang ako.

Ngayong sobrang lapit niya sa akin ay saka pa ako mas humanga sa angkin niyang kakisigan, lalo pa't naliwanagan kami ng gintong sinag mula sa araw na tumatagos sa kurtina ng bintana. Mistulang nagningning ang kanyang mga mata nang aking tinitigan muli.

"Baka ako'y matunaw nang kay aga dahil sa'yo, Kamahalan," aniya na ikinatawa ko ulit.

Bumangon ako at saka ko napansin ang aking sarili na wala na palang saplot sa katawan. Gayon din si Lino.

Nang maalala ko ang lahat ng nangyari sa amin kagabi, nakaramdam ako saglit ng hiya. Pinulupot ko ang kumot sa aking katawan at tumalikod sa kanya.

"Nakita ko naman lahat kagabi—"

Naudlot ang kanyang sinabi nang tinapon ko sa kanya ang isang unan na hindi niya nagawang mailag. "I-Iwan mo na ako rito. Kita na lang tayo mamaya sa baba," nauutal kong utos sa kanya.

Hindi nagtagal ay sumunod naman siya. Hindi ko maiiwasang mapatingin sa ganda ng hulma ng kanyang katawan habang siya'y nagbibihis ngunit nilalayo ko kaagad ang aking tingin kapag lumilingon siya sa akin. Nagpaalam na rin siya at ako'y iniwang mag-isa sa silid.

Randam ko ulit ang kanyang haplos sa aking katawan. Unang beses kong pinagkatiwala ang lahat kagabi ngunit ako'y hindi pinabayaan naman ni Lino. Doon niya ipinaramdam sa akin na kaya niyang punan ang aking pangangailangan bilang tao.

Hindi ko alam kung handa ba ang lahat na malamang ang tungkol rito, ngunit sisiguraduhin kong hindi ito magiging hadlang sa pamumuno ko rito sa Kaharian.

Nakapag-ayos na ako nang pumasok si Chonsela sa aking silid. Pinautos ko namang dalhin sa silid-pagpupulong ang dalawang Sadhaka.

Sa silid, naroon na ang dalawa. Nabigla man sila sa aking desisyon ngunit batid kong irerespeto na nila iyon. "Maaari na kayong makapagpahinga. Alam kong nilakbay niyo ang buong Titania, magawa niyo lang ang misyon na nahanap siya."

Inaabot naman ng isang tauhan ang isang maliit na sako sa kanila. Nang kanilang sinilip, mukhang hindi pa sila makapaniwala. "Salamat, Kamahalan, ngunit hindi namin alam kung nararapat ba kaming makatanggap ng ganitong kalaking halaga ng salapi," ani S'Norekko.

Sa huli ay tinanggap nila ang salapi at nagpasalamat. "Makakaasa kayong gagamitin namin ito sa mabuting paraan," pangako ni S'Akessiya.

Dahil tapos na ang kanilang misyon ay balik na sila sa pagbabantay nila rito sa Kaharian bilang mga Sadhaka. Lumisan na rin sila matapos ang aming saglit na pagpulong.

"Batid ko atang nag-iba ang ihip ng hangin, Kamahalan," ani Chonsela nang maglakad kami sa pasilyo patungo sa opisina ko.

"Paano mo naman nasabi?"

Tinuro niya ang aking mukha. "Pinatigil mo na ang paghahanap kay Xandrus. Dumadalas na ang pagngiti mo, hindi tulad ng mga nagdaang taon, Kamahalan."

Ave Fénix III: Ang Huling Alab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon