Maraming salamat sa inyong pagsubaybay sa Ave Fénix Book III! Sa wakas, natapos na rin ang trilogy na ito sa loob ng isang taon. Itong tatlong aklat, metaphorically speaking, naging repleksyon ito ng aking buhay sa mortal na mundo. Sa kay dami-daming paghihirap na dinanas ni Jai, siya namang kay daming ikinaharap ko dahil sa realidad ng buhay. Maituturing kong personal ang trilogy na ito, ngunit nalulugod naman akong ibahagi ang bawat kabanata nito sa inyong lahat.
Nagsimula lamang ang lahat sa paghanga ko sa isang crush ko during my high school days, at tuluyan naging isang mundong ginagalawan nina Jai at Xandrus. Kung hindi dahil sa paghanga ko sa kanya, siguro hindi matutuloy ang istoryang ito. Siguro nasa drafts pa rin ang hanggang ngayon, at hindi matapos-tapos.
Anyway, maraming salamat sa suportang ipinaramdam niyo sa serye na ito. Batid kong maraming nag-antay na matapos muna ito bago basahin. Patawad, busy talaga ako. T.T
Tuluyan na bang matutuldukan o may karugtong pa bang istorya ang mundo nina Jai at Xandrus? Sa ngayon, walang kasiguraduhan.
Gusto ko munang tapusin ang ibang projects ko this year, at mag-explore sa ibang genre aside sa Fantasy. Iyan lang ang masasabi ko.
Pero ika nga ni Jai, "sa ngayon, maghintay ka muna. Kakayanin mo ba?"
Kung kaya ni Xandrus, kaya niyo rin! Chair up!
Sana nag-enjoy kayong magbasa! Sana nagawa kong ilakbay ang inyong mga isipan sa bawat paglalakbay nina Jai at Xandrus.
Muli, daghang salamat! <3
- jekeiski
BINABASA MO ANG
Ave Fénix III: Ang Huling Alab [COMPLETED]
FantasyBook 3 of 3 Dalawang taon na matapos ang huling kaguluhan sa Titania. Dalawang taon na ring namuhay si Jai bilang Hari ng Kaharian ng Silangang Serentos, ngunit hindi pa rin lubos niyang matanggap ang sinapit ng kanyang minamahal. Patuloy itong baba...