Kabanata XIII

48 4 0
                                    

Jai



Si Lino.

Siya ang aming nakita na uupo sa aking trono no'ng pinitas namin ang bulaklak. Isa lamang ang ibig sabihin ng iyon: siya ang sunod na itinadhanang magiging hari ng aming Kaharian.

Ayaw naman niyang bumaba ako at papalitan niya mismo ang aking pwesto. Gusto niyang kikilananin pa rin ako ng lahat bilang Hari, ngunit para mangyari ito, tanging isang paraan ang aming gagawin.

Isang pormal na kasal.

Napakabilis man para sa aming dalawa na magkaisang-dibdib dito sa Palasyo, ngunit nababanta na ang panahon sa mga mamamayan namin. Kailangan na namin kumilos upang walang maging aberya sa oras na lilisan ako rito.

Dumating ang pastor na mangunguna sa aming kasal, ngunit laking gulat naman niya nang malamang hindi prinsesa ang aking ihaharap sa altar. Wala namang siyang magagawa kung 'di sumunod sa kagustuhan namin.

Suot ko'y ang isang simpleng puting kasuotan dahil ito lamang ang naihanda para sa akin. Gayon din si Lino. Wala na kaming panahon upang makapaghanda pa ng mas magarang kasuotan para sa okasyon na ito.

"Tinatanggap mo ba siyang bilang asawa?" tanong ng pastor sa akin.

"Tinatanggap ko po siya bilang aking asawa," aking tugon.

Itinanong niya ulit ito kay Lino at isang pagtango ang kanya ring tugon. Nahawa naman ako sa tamis ng kanyang ngiti nang hindi pa rin niya naaalis ang kanyang tingin sa akin. "Oo, tinatanggap ko siya bilang aking asawa."

Pinagsabihan naman kaming hawakan namin ang kamay ng isa't isa. Hawak ni Chonsela ang isang unan na may pares ng singsing. Kinuha ni Lino ang isa at pinasuot sa akin. Gano'n rin ang ginawa ko sa natirang singsing.

"Magbunyi sa pagkakaisang-dibdib ng mga Hari!" sigaw ng pastor at nagkasiyahan ang mga saksi ng aming kasal.

Kakaunti lamang ang mga panauhin namin na nakasaksi sa opisyal naming pagkakaisang-dibdib. Alam kong naguguluhan rin sila sa nangyayari ngunit balang araw, maliliwanagan rin sila. 

Pagkatapos ng kasal ay kaagad na kaming naglagda ng mga papeles upang masigurong kikilalanin na kaming dalawa bilang mga Hari ng aming kaharian at may kontrol na rin siya sa mga ari-arian ng aming angkan.

May tiwala naman ako sa kanya. Buong tiwala ang ibibigay ko sa kanya.

Sa ngayon, kailangan lang namin kumilos para matapos na itong delubyo sa kaharian namin. Nang nakapaglagda na kami, nagtungo na kaming dalawa sa kabilang Palasyo at doon kami magpapalipas ng una naming gabi bilang mag-asawa. Wala kaming ibang kasama kung 'di kami lang dalawa.

Ganoon pa rin ang sitwasyon—sobrang lamig dulot ng sama ng panahon. Hawak naman ni Lino ang aking kamay na nagpapanatili sa kanya na makaramdam ng init sa kabila ng kalamigan. Nang makarating kami't makapasok sa Palasyo ay kaagad naming sinara ang mga pintuan. Nakaramdam naman ako ng isang pares ng braso na nagpaangat sa akin mula sa sahig, saka pinaikot. Napatawa ako sa kanyang ginawa.

"Ibaba mo nga ako,"
pagpigil ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinakinggan at dinala sa kwarto kung saan kami mananatili.

Dahan-dahan niya akong binaba at kaagad na sinalubong ang aking labi nang siya'y lumapit sa akin. Bawat pagkilos niya'y tinutugunan ko naman. Napahiga na ako at siya namang pagpatong niya sa akin. Napakapit lamang ako sa kanyang mga balikat, at patuloy na tumutugon sa kanyang halik. Nang huminto siya ay bahagya kaming hiningal, at ramdam ko ang bawat paghinga niya.

Sa gabing iyon, alam kong higit pa roon ang mangyayari nang sinimulan na niyang tanggalin ang mga butones sa damit ko. Tinanggal niya rin ang kanyang pang-itaas na kasuotan at tumambad sa akin ang hulmadong katawan niya na minsan ko nang pinagmasdan. Tila mas nang-aakit na ang kanyang mata bago niya nilapit ang sarili niya sa akin. Naglakbay ang kanyang tingin sa aking mukha, saka niya hinawi ang aking buhok patungo sa akin tainga. "Hinding-hindi ako magsasawa sa kagandahan mong taglay," kanyang ngiting sabi.

"Minahal mo lang ba ako dahil sa mukha ko?" aking tanong.

Umiling naman siya. "Bukod pa riyan ang rason kung bakit pinili kong mahalin ka, Jai," aniya. "Noong una tayong nagkita, nalito ako sa pakiramdam ko. Noong ginamot mo ang aking sugat mula sa pagkahulog natin sa bangin, alam kong ikaw na—ikaw na ang bibihag sa akin."

Nagbalik sa aking isipan ang panahong miyembro pa siya ng Siquestro at kasama ako sa kanilang nadakip. Sa totoo lang, hindi ko inisip na napalapit ko na ang kanyang kalooban sa akin.

Ang minsang pares na mata na parating nakatakip ng benda, ngayo'y nang-aakit na sa akin.
"Mahal na mahal kita, Lino," aking sambit.

"Mahal na mahal na mahal din kita, Jai."


Muli niyang pinagtagpo ang aming mga labi hanggang sa nagpatuloy siya sa aking leeg. Hindi ko maiwasang mag-ingay dahil sa pagroromansa namin. Ganon din siya.

Sa gabing iyon, pinagdarausan namin ang isa't isa. Naging malaya kami. TIla naging musika na sa aming silid ang ingay namin sa bawat pagkilos niya sa akin. Pinaramdam niya sa akin ang isang pagmamahal na kay tunay at walang kapantay.

Kinabukasan, bihis na bihis na ako. Gayon din si Lino. Hindi pa sumisikat ang araw at hindi pa ako lubusang makabawi ng lakas dahil ginawa namin. "Makakakilos ka pa ba? Maaari nating ipagpaliban ang ating plano sa araw na ito—"

"Ssh, ayos lang ako," pagkukunwari ko. Totoong nahihirapan pa akong kumilos ngunit kailangan ko nang lumisan, lalo pa't tumatagos na ang lamig ng panahon sa Palasyo. Paano pa kaya sa mga bahay ng mamamayan?

Pagkatapos kong mag-ayos ay sabay kaming nagtungo sa isang lagusan patungo sa kabilang Palasyo. Hindi na namin kakayanin pang maglakad sa labas sa gitna ng panahon.

Sa Palasyo, sumalubong sa amin sina Chonsela at ang mga Sadhaka. Kasama rin nila si Philip at si Grietta na wala pa ring bakas ng kahit anong emosyon sa mukha. Nahuli ko pa siyang nakatingin kay Lino ngunit hindi siya pinansin nito.

Dapat lang.

"Magandang umaga, Mahal naming mga Hari," pagbati ni Chonsela sa amin. "Nakahanda na po ang lahat na dadalhin ng Haring Jai sa kanyang paglalakbay."

Sa oras na sinabi iyon ni Chonsela, tila mas humigpit ang paghawak ni Lino sa aking kamay. Batid kong nangangamba pa rin siya sa aking kaligtasan. Humarap siya sa akin at nagkatagpo muli ang aming mga tingin. "Ipapangako mo sa akin na babalik ka."

"Ipapangako ko, Mahal na Haring Lino."

Isang halik sa aking noo ang kanyang binitaw saka ako sinundo ng mga Sadhaka. Sila naman ang nakakapit sa magkabilang braso ko nang sumalubong sa akin ang napakalakas na bugso ng hangin na pilit pumapasok sa aming Palasyo.

Muli akong lumingon at ngumiti sa kanilang lahat. Hindi pa naman iyon ang huling pagkakataon na makikita ko sila. Ang paglisan ko ay para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Narating namin ang karwahe at kaagad na sumakay. Sa tulong ni Philip, dadaanan sa isang lagusan ang aming karwahe palabas ng Silangang Serentos. Alam kong nahihirapan siya dahil sa lamig kaya gumawa ako ng isang bilog sa paligid niya at ipinaalab. Nang magawa niya ang isang lagusan, kaagad na gumalaw ang karwahe at pumasok doon.

Sa isang iglap, nawala ang lamig na nadarama namin. "Nasa labas na tayo ng Silangang Serentos, Kamahalan," paalala ni S'Akessiya sa akin.

Doon ay napansin kong nawawala na ang makapal na ulap sa aming Kaharian. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kasiyahan para sa aming mamamayan. Hindi na sila magdurusa pa dahil sa akin.

"Maglakbay na tayo," aking utos sa kawal.


Ave Fénix III: Ang Huling Alab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon