Kabanata XXI

35 4 0
                                    

Jai

Nakalagpas na kami sa mga krakken at heto't palapit na kami sa mahamog na parte ng karagatan. Pagod kaming lahat sa biglaang pag-atake ng mga dambuhalang nilalang, ngunit nanatili kaming alerto sa aming paligid gayong paunti-unti na lang ang aming nakikita. Mula sa asul na kulay, naging berde na ang tubig rito.

"Ayos lang ba kayo?" aking pangangamusta sa aming mga kasama.

"Wag mo kaming aalahanin," hingal na hingal na tugon ni Raphael.

Habang pinipiga ko naman ang aking kasuotan ay nilapitan ako ni S'Akessiya. "Kamahalan, magpahinga na kayo," alalang sabi niya sa akin.

Hindi ako sumunod. "Hindi ko hahayaang may mangyari ulit sa lahat rito," aking sabi sa kanya.

Kahit na mababakas sa kanyang mukha na ang pag-alala sa akin ay tumango na ito. "Mabuti't nakaligtas tayo sa mga krakken kanina. Ayon sa aming nakalap na impormasyon, pinaniniwalang mga protektor ang mga krakken sa kung anumang nagtatago rito sa karagatan. Minsan na silang nakita ng mga nagtangkang lumabas ng teritoryo ng Titania," kwento niya.

Protektor. Ano naman ang pinoprotektahan ng mga iyon rito?

"Di kaya, napakasagrado ng pinanggalingan ng mga alahas kung kaya't napakabangis ng mga protektor rito?" aking tanong.

"Mukhang gano'n na nga, Kamahalan," bahagyang pagsang-ayon niya.

Patuloy pa rin ang aming paglayag ngunit dahan-dahan na ang paggalaw nito. Nakakapansin na rin kami ng mga batuhan at mga kahoy na mula ata sa mga nawasak na barko.

Totoo ngang mayroon nang naunsa sa min rito.

"Di kaya may nabuhay pa mula sa kanila?" tanong ni Philip na nasa tabi ko na pala.

Tinutukoy niya 'yong mga nakita namin kanina bago umatake ang mga krakken. "Di mo makita?"

Umiling naman siya. "Napakalabo. Hindi ko rin makita anong nag-aantay sa atin rito," kanyang tugon na bumuhay ulit sa aking pag-aalala.

Hindi tulad sa mga nagdaang labanan sa Titania, napakahirap ng sitwasyon dahil hindi namin lubos na matukoy kung ano ang mayroon dito. Buti na lang sana kung meron kaming ideya kung hanggang saan kami tatangayin ng mga alon ng karagatan, pero wala eh. Nanahimik rin si Grietta na nakatingin lamang sa kawalan.

Nilapitan ko na lang muna siya. "Meron ka bang naririnig—"

Pinatahimik niya ako. "Ssh, pakinggan mo ang kanilang mga boses."

Maya-maya'y nakarinig kami ng mga mahihina ngunit nakakaantig na tinig sa gitna ng hamog. Lahat ay umalerto na rin dahil sa tinig na iyon. Ewan, ngunit sa kabila ng bighani ng mga boses ay mayroon kung anong meron nito na nagdadala ng kilabot sa akin.

Kasunod ng mga narinig naming mga tinig ay ang mga tilamsik sa tubig. Dumungaw ako sa gilid ng kubyerta at meron akong nahuling buntot ng isda.

"Mga sirena," sabi ni Grietta at doon ay nakakita ako ng isang babae na nakapatong sa isang malaking bato at ginagalaw ang buntot nito na kagaya ng mga isda.

"Ginoo," tawag ng isang sirena sa akin. "Halika't samahan mo ako rito sa baba," pang-aakit ng nilalang.

Hinila naman ako ni S'Norekko palayo sa gilid ng kubyerta. "Mag-ingat, Kamahalan. Hindi katulad ang mga sirena rito sa mga sirena sa Titania," paalala niya sa akin.

"Mga kasama," pagtawag sa amin ni S'Akessiya. "Kahit anong mangyari, 'wag magpadala sa nakakaantig na mga tinig nila," sabi niya at nagsipagtanguan naman ang lahat.

Ave Fénix III: Ang Huling Alab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon