Jai
Pagkatapos ng pagtitipon, bumalik ako sa Reino de Tierra at ikinuwento ang lahat na nangyari. Hindi nila labis nagustuhan ang nangyari, lalo na si Danaia. Pinagsabihan ko naman si Danaia na sinubukan naman akong protektahan ni Fidel, kaya sana'y hindi magbago ang tingin niya sa taga-Fuego dahil lang sa nangyari sa akin.
Sa kabila ng nangyari, nakumbinsi ko naman ang Rei at Reina at nangako silang papanig sila sa amin sa oras ng kailangan ko sila. Ipinangako ko naman na ibabalik ko ang Ave Fenix sa kanila kung matatapos na ang aming misyon dito.
Hindi na kami nagsayang pa ng oras at sumama na sa akin ang tatlo pabalik sa Reino del Aire. Sinalubong muli kami ng mga Myusa at hinatid ko ang magandang balita kay Hulian.
Kinabukasan, nagtipon muli kaming lahat at binigyan kami ng pang-agahan ni Hulian. Dito raw kami muna mamamalagi habang inihahanda namin ang mga sarili para sa pagtawid namin mamayang gabi sa Reino del Agua.
Nang matapos kaming kumain, lumabas muna kami upang magpahangin. Medyo maaraw, ngunit hindi ko ramdam ang init rito. Sa katunayan nga, medyo malamig ang hangin rito at napakapresko.
Dito ay sumalubong sa amin ang kagandahan ng Reino del Aire. Hindi man katulad sa Tierra, yumayabong pa rin ang kalikasan rito. Parang ka lamang nasa isang lugar sa Titania, ngunit lumulutang lamang ang buong kalupaan sa ere.
Pansin rin namin ang taga-rito. Lahat ay lumulutang sa ere habang ginagawa ang kanilang mga pang-araw-araw na gawain. Ngayon ko rin napagtanto na hindi pala lumalakad sa lupa ang mga Myusa. Pati rin sila, nakalutang, ngunit hindi agad mapapansin dahil sa haba ng bestida nila.
"Mas mabuti pa't magsanay muna tayo, Mahal na Hari," isang boses mula sa aking likuran.
Si Raphael. "Hinahamon mo ba ako, Sadhaka?" ani ko na ikinangisi niya.
Naunahan niya akong lumutang sa ere, ngunit kaagad naman akong sumunod sa kanya. Nagtungo kami sa isang maliit na isla malapit lamang sa Palasyo. Nang makarating ay hindi pa niya ako pinagpahinga at kaagad bumato ng kanyang majika. Nailag ko naman, ngunit ngayon ay sunod-sunod na ang pagbato niya ng mga bola ng pwersa.
Hindi ko na magawang ilagan ang lahat kung kaya't gumanti naman ako. Naghagis ako ng mga bolang apoy na sasalubong sa bawat bato niya, at sa bawat pagsalubong ng mga tira namin ay nagpapakawala ito ng medyo malakas na pwersa bago matunaw.
"Pinagpapawisan ka na ba, Mahal na Hari?" pang-aasar ni Raphael na ikinatawa ko na lang.
"Baka ikaw, Sadhaka."
Ngayon naman, inunahan ko na siyang magpakawala ng tira. Siya na ang umiilag sa bawat hinahagis ko patungo sa kanya. Mas binilisan ko ang pagkawala hanggang sa nagawa kong matamaan ang paa niya. Kaya naman, nawalan siya ng balanse at kinuha ko ang pagkakataon na sugurin siya at bumulusok sa lupa sa ibaba.
Nang humupa ang alikabok, doon ko nakita ang kamay sa dibdib ni Raphael, habang siya naman ay nakahiga sa lupa at napatawa na lang. "'Wag po, Mahal na Hari. Gusto ko pa pong mabuhay," pabiro niyang daing.
Nakarinig naman kami ng palakpak mula sa aking likuran.
"Magaling, magaling," sabi ni Hulian na mukhang nanood sa saglit naming labanan ni Raphael. "Walang kaduda-dudang ikaw ang pinili ng Ave Fenix."
Isang ngiti lamang aking tugon. Kasabay n'on ay isang pwersa mula sa kwintas ko. Napahawak ako rito at bigla akong nakarinig ng pamilyar na tinig.
"Wag mong sayangin ang panahon."
Nakikilala ko ang tinig ng iyon. Mula iyon sa Ave Fenix.
"May problema ba, hijo?" tanong ni Hulian na ikinailing ko.
"Wala naman po," sagot ko.
Sinilip ko naman saglit ang aking kwintas at do'n ko nakitang kumikislap ito. Mukhang malalagay na naman kami panganib.
Inalalayan naman ni Leia si Raphael na mukhang napagod kaagad sa ginawa namin. "Sineryoso mo naman, Mahal na Hari," tawa ng salamangkero.
"Kung sino pang nag-aya, siya pa ang talo," sabi naman ni Leia.
"Wala naman talaga akong laban kay Jai. Hawak niya banal na kapangyarihan," ani Raphael.
Nagpatuloy aming pagsasanay rito. Napapansin naman kami ng nga taga-rito ngunit tinataboy naman sila ng mga Myusa. Utos raw 'yon ni Hulian na hindi kami iistorbohin ng nga taga-rito.
Pagdating ng hapon, pinayuhan na kami ni Hulian sa aming gagawin. Binigyan rin niya kami ng mga kakailanganin namin sa aming pagpunta roon, gayong mahigpit ang seguridad sa isla. Sisiguraduhin lang namin na maalala namin ang bawat pasikot-sikot sa Reino del Agua.
"Medyo malamig doon sa kanila. Baka giginawin kayo roon," bilin niya sa amin.
Sumapit ang gabi at muli naming nasilayan ang pagningning ng mga bituin sa kalangitan. Hinatid kami ng mga Myusa at ni Hulian sa isang munting isla kung saan kami bababa nang hindi napapansin ng mga taga-Agua.
Kaming apat lamang ang magtutungo, habang si Grietta naman ay maiiwan sa pangangalaga ng mga Myusa. Hanggang ngayon ay hindi pa raw nagigising, kung kaya't iiniwanan muna namin siya rito.
Nawa'y gabayan kami ng Diyos at ng mga Alagad niya.
Ipinagdarasal ko na magagawa naming mahanap sina Xandrus at Jei, pati ang hawak nilang alahas, alang-alang sa kapayapaan ng apat na Reino.
"Mag-iingat kayo," paalam sa amin ni Hulian saka kami isa-isang tumalon sa bangin.
Muling sumalubong sa amin ang malamig na hangin ng gabi habang tinatahak namin ang mga makapal na ulap. Tila nahahati ang mga ulap dahil sa amin, hanggang sa tuluyan na naming natanaw ang ikaapat na Reino na aming dadalawin.
Nanatiling mababa ang aming paglipad upang hindi kami mapansin ng mga taga-Agua. Sanay na kasi ang kanilang Reino na may taga-Aire sa ere, kung kaya't binabantay rin nila ang bawat bagay na lumilipad sa kalangitan.
Tanaw na namin ang nagyeyelong isla, kung kaya't binilisan namin ang paglipad patungo sa dalampasigan nito.
"May bantay," sabi ni Raphael saka niya kami tinulak sa tubig.
Hindi na kami nagsayang pa ng oras at lumangoy patungo sa isla.
Nang makaahon kami, habol-habol ko ang aking hininga habang hinubad ko muna ang makapal na damit na binigay sa amin ni Hulian. Medyo mabigat na dahil nabadbad sa tubig.
"Grabe ka naman, Raphael. Muntikan na akong malunod," singhal ni Leia sa kanya, habang pinipiga ang damit niya.
"Humawak kayo sa akin," sabi ko sa kanila at sumunod naman.
Mula sa aking kwintas ay naglakbay ang mainit na pwersa sa katawan patungo sa braso na hinahawakan nila. "Sapat na ba?" tanong ko sa kanila at nagsitanguhan naman sila.
Bumitaw na sila at ang dalawang salamangkero naman ang bahala sa basa naming mga damit. Hawak ako ni Ella habang si Raphael ang hawak ni Leia. Kasabay ng pagkislap ng kanilang mga kamay, bumagsak mula sa aming mga damit ang tubig sa aming mga damit.
"Medyo tuyo na," sabi ko saka kami nagpatuloy sa aming misyon.
Tinahak namin ang nagnyenyebeng kagubatan ng Reino del Agua. Hindi masyadong yumayabong ang kalikasan dito dahil sa uri ng panahon na nararanasan ng buong isla. Kung gaano ka init doon sa Reino de Fuego, siya namang kay lamig rito.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix III: Ang Huling Alab [COMPLETED]
FantasyBook 3 of 3 Dalawang taon na matapos ang huling kaguluhan sa Titania. Dalawang taon na ring namuhay si Jai bilang Hari ng Kaharian ng Silangang Serentos, ngunit hindi pa rin lubos niyang matanggap ang sinapit ng kanyang minamahal. Patuloy itong baba...