Jai
Ilang oras na akong nakulong sa kadiliman. Huling naalala ko ay ang mukha ni Xandrus at ang pagtalikod niya kasama ang isang bata. May tama ako sa balikat na tuluyang nanghina sa akin, bago ako napadpad rito.
Siguro, wala na talaga ako. Tuluyan ko nang naiwan ang mga kaibigan ko. Tuluyan ko nang naiwan si Lino. Kay layo na ng aking narating, ngunit ako ay nabigo sa aking misyon na maibalik si Xandrus.
Siguro, ito na ang tinatawag nilang kabilang-buhay.
Sinubukan kong tawagin ang Ave Fenix, ngunit hindi niya ata ako naririnig. Nakaupo na lamang ako sa kawalan, naghihintay sa susunod na mangyayari sa akin dito.
"Anak," isang boses ang aking narinig.
Sa aking paglingon sa pinanggalingan ng boses, isang maliwanang na pigura ang aking natanaw. Tapos, biglang naging dalawa. Nakatayo lamang sila, kaya't ako na ang kusang lumapit sa kanila.
Nang maaninag ko ang kanilang mga mukha, nakilala ko sila. "Ina? Ama?"
Tumakbo ako papunta sa kanila at ako'y malugod na tinanggap sa kanilang mga bisig. "Nakita ko muli kayo," aking pananabik sa kanila.
"Nagtataka rin kami, anak," aniya ni Ama.
"Ang mahalaga po ay kasama ko po kayo," aking tugon.
Tila nalusaw ang kadiliman at unti-unti naging isang lugar na tila pamilyar na sa akin. Isang maliwanag na buwan, nagningning na mga bituin sa kalangitan, at ang katahimikan ng kagubatan. Nasa gitna ako nilang dalawa, at kami ay sabay na naglakad palabas ng kagubatan.
"Umabot sa amin ang balita na ikinasal ka na, anak," pagbasag ni Ama sa katahimikan.
Medyo nakaramdam ako ng hiya nang marinig iyon. "Sana nga'y andoon kayo."
"Kamusta si Xandrus bilang asawa?"
Tila napawi ang saya sa loob ko nang binitaw iyon ni Ina. Napahinto ako sa paglakad, at saka ko sila nilingon. "Ah, hindi po siya ang.."
Kita ko ang bakas ng pagtataka sa kanilang mga mukha.
"...Ang pinakasalan ko."
Napayuko na lamang ko, at sinubukang ibalik ang ngiti sa aking labi. "Tara na po," aking pag-aya sa kanila.
Patuloy kaming naglakad patungo sa isang lawa. Sa tulong ng mga gamo-gamo ay natunton namin ang lugar. Ako ay napaupo sa tabi ng lawa, at sunod naman ang aking mga magulang. Pinagmasdan ko lamang ang mapayapang tubig sa tabi ko.
"Kung hindi mo kayang sabihin sa amin, maaari mong hawakan ang tubig," sabi ni Ina.
Bahagya kong nilunod ang aking palad, at nang aking binawi, tila nagliwanag ang tubig. Isang imahe ang ipinakita ng lawa, at doon nakita nila ang pag-iisang-dibdib namin ni Lino.
"Ano ang pangalan niya?" tanong ni Ama.
"Lino. Lino ang pangalan niya," aking pagbanggit sa kanyang pangalan.
"Mukhang mabait naman," aniya Ama na siyang bahagya kong ikinatawa.
"Mabait talaga," aking sambit. "Sa panahon na parang susuko na ako, bawat gabi na nangungulila ako, andyan siya sa tabi ko. Pilit niya akong pinasaya. Kahit ayaw kong umimik, mananatili pa rin siya sa tabi ko. Ilang beses ko siyang iniwan sa ere, hanggang sa nahulog na ang loob ko sa kanya."
Habang inaalala ko ang bawat sandaling kapiling ko si Lino, mas lalo akong nangungulila sa kanya. "Dumating ang panahon na kailangan kong lumisan at sundin ang tadhana, kaya't nagkaisa kami ng dibdib upang ihabilin ko sa kanya ang Palasyo," aking pagpatuloy.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix III: Ang Huling Alab [COMPLETED]
FantasíaBook 3 of 3 Dalawang taon na matapos ang huling kaguluhan sa Titania. Dalawang taon na ring namuhay si Jai bilang Hari ng Kaharian ng Silangang Serentos, ngunit hindi pa rin lubos niyang matanggap ang sinapit ng kanyang minamahal. Patuloy itong baba...