Jai
Isang malakas na pwersa ang aking binitaw patungo sa mga kawal, saka sumabog at nasira ang mga pader ng Palasyo. Rinig ko ang paghiyawan at pagdaing nila, bago ako dumiretso sa silid kung saan kami nagkaharapan ng Reina. Binangga't winasak ko ang pader at lumapag ako sa isang tahimik na pasilyo.
Kumalat sa madilim na pasilyo ang liwanag mula sa akin, at hindi nagtagal, nagpakit sa akin ang Reina.
Hawak niya ang bolang kristal, at mayroong umiikot na liwanag sa loob nito. Bigla namang umahon mula sa sahig ang mga matutulis na yelo na umaabot sa aking kinatatayuan. Kaagad akong lumipat ng pwesto upang maiiwasan ang mga iyon.
"Kamangha-mangha. Katakot-takot. Ngunit, 'yan lang ba ang kaya ng isang Tagahawak ng Ave Fénix?" sabi niya.
"Hindi," aking tugon at isang pwesa muli ang aking pinakawalan. Sa isang iglap, tuluyang nasira ang silid at bumungad sa amin ang madilim na kalangitan na sinasabayan pa ng malakas na ihip ng hangin.
"Huwag mo nang ituloy ang mga balak mo, Reina Naida."
"Iyan ay kung mapigilan mo ako," aniya at sa aking paglingon sa likuran, sumulpot muli si Eirob.
Pinapagitnaan nila ako.
"Hindi ka ba mahihirapan, gayong tatlong Alagad ng Diyos ang iyong kakalabanin?" tanong ng Reina Naida.
"Siya nga pala, hindi ko pala naipakilala siya sa iyo. Ginoong Aeriok, aking kanang kamay. Matagal na siyang naninilbihan sa akin. Nakakasiguro akong mapagkakatiwalaan ang isang tulad niya."
Aeriok. Iyan na pala ang bago niyang pangalan.
Kung gano'n, matagal na pala siya rito, ngunit hindi ko man lang siya napansin sa ilang beses kong pagpunta rito sa Reino del Agua.
Ngunit, hindi siya ang tunay na pakay ko rito.
Kung totoo ngang kontrol niya si Eirob ayon kay Leia, kailangan ko lamang talunin ang Reina Naida upang sumuko rin ang dalawang kapangyarihan na hawak ni Eirob, pati na rin ang Agua Dragua.
Sumugod ako kay Reina Naida ngunit hinarangan ako ni Eirob. Nasa sahig ng palapag sila't nasa ere naman ako.
Mukhang mahihirapan akong makalapit kay Reina Naida.
"Kailangan mo pa talaga ng kasama para harapin ako, Reina Naida. Ganyan ka ba kahina bilang Tagahawak ng Agua Dragua," aking wika ngunit tinutugunan lamang ako ng mga malakas na hangin mula kay Eirob.
"Reina Naida," aking pagtawag sa kanya. "May imumungkahi akong kasunduan."
Tumigil naman si Eirob at umabante ang Reina.
"Imungkahi mo na," malamig niyang tugon.
"Tayo lamang dalawa ang magkaharap. Kung mapapatumba kita nang mag-isa, isuko mo sa akin ang Agua Dragua," aking sabi.
"At kung mapapatumba kita?"
"Kusa kong isusuko ang Ave Fénix. Iyan ay kung lalabanan mo ako nang mag-isa."
Isang katahimikan ang pumagitna sa amin, nag-aantay sa kanyang tugon. Sa kanyang pagbasag nito ay siyang pag-ayon nito sa aking plano.
"Papayag ako," tugon niya. "Sa isang kondisyon..."
Sa karagatan ay umahon ang anyo ng Agua Dragua. "Doon tayo maglalaban," kanyang pagturo sa karagatan.
Sumang-ayon ako sa kanyang kagustuhan, kahit pabor sa kanya ang karagatan. Wala naman sa lugar ang magpapatumba sa amin, kung 'di nasa kakayahang gumamit ng kapangyarihan.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix III: Ang Huling Alab [COMPLETED]
FantasyBook 3 of 3 Dalawang taon na matapos ang huling kaguluhan sa Titania. Dalawang taon na ring namuhay si Jai bilang Hari ng Kaharian ng Silangang Serentos, ngunit hindi pa rin lubos niyang matanggap ang sinapit ng kanyang minamahal. Patuloy itong baba...