Nagising si Juno sa alarm na niya na kanyang ini-set kagabi. Ngayon ang araw ng kompetisyon sa International Race. Hindi siya ang tipong tao na kapag tumunog ang alarm ay hihiling pa ulit ng lima pang minuto para umidlip. Oras na tumunog na ang alarm paniguradong babangon na talaga ito.
Malamig ang panahon, kahit hindi pa siya nakakapag-adjust sa klima ng lugar ay hindi na niya ito inalintana. May limang minuto na rin siyang nakaupo sa kama. Pagkatapos ng kaunting pagmumuni-muni ay niligpit niya ang kanyang higaan.
Tumungo sa switch at binuksan ang ilaw. Sa pagliwanag ng paligid ay makikita ang malinis na kwarto. Walang kalat. Wala kang mapapansin na alikabok. Wala rin gaanong gamit. Namumutawi ang kulay puti na mga bagay sa loob. Kung hindi man kulay puti ay kulay itim pero mas nangingibabaw pa rin ang puti.
Sa loob ng kwartong ito ay may kama na medyo may kalakihan. Kung tutuusin ay kasya ang dalawang tao. Sa tabi ng kama ay kulay itim na gitara na nakalagay sa stand na para bang nagmistulang display. Simple lang ang gitara pero may dating.
Nag-unat siya ng kamay at saka hinilig ang ulo pakaliwa at pakanan. Binuksan niya ang pinto ng kwarto at sa labas ng kwarto na ito ay makikita ang sala. May set ng kulay itim na sofa, sa gitna nito ay may lamesa na bilog na kulay itim. Sa kaliwang bahagi ng set na ito ay may telebisyon na 32 inches ang laki. Sa gilid ng TV ay daanan papuntang kusina at sa gilid ng kusina ay shower room/CR.
Kagaya sa kwarto ni Juno walang gaanong gamit. Halata mong marunong mag-alaga at malinis si Juno sa unang tingin pa lang ng bahay na tinitigilan niyang ito. Studio type ang dating ng bahay. Kulay puti sa labas. May balkonahe din paglabas mo ng pinto sa sala. Paglabas naman ng pinto ay makikita ang makapigil hininga na paligid. Maganda. Maaliwalas.
Ang dating ng lugar ay para bang isang resort sa isang probinsya. Wala nga lang itong swimming pool o dagat. Maganda na pagkakatanim at pagkakahanay na mga puno. Hindi ordinaryong damo ang nasa paligid. Bermuda. Sobrang patag. Sobrang luntian.
Sa hindi kalayuan ay matatanaw ang hugis na parang mga bundok. Mt. Silvanus. Mt. Silvanus ang pangalan ng lugar. Sa hindi kalayuan ay mayroon ding matatanaw na kalsada. Bibihira lang ito daanan ng sasakyan. Walang masyadong tao ang nakakalaam sa lugar na ito.
Mas pinili ni Juno ang manirahan sa ganitong klaseng lugar na medyo malayo ang kapitbahay, apat o hanggang limang kilometro siguro ang layo ng mga kasunod na bahay. Pinili niya ito kaysa sa syudad. Mala-probinsiya ang dating, may naririning minsan na huni ng mga ibon, at sariwang simoy ng hangin. Hindi problema ni Juno kung gugustuhin man niyang pumunta sa kung saang lugar dahil may motor naman ito.
Pagkatapos maligo ni Juno ay hinahanda na rin nito ang mga gamit na kailangan niya para sa Race. Pineprepara at iniisa isa ang mga gamit at ng masigurado na nitong walang nakalimutan ay nagluto na siya ng kanyang agahan at saka kumain.
Tahimik, matiwasay at walang ingay siyang kumakain ng biglang tumunog ang cellphone niya na nakapatong lang sa din sa lamesa na kanyang pinagkakainan. Ng pindutin ni Juno ang answer button at inilapat sa kanyang tainga ay bigla na lang niya itong nailayo sa kadalahilanang sobrang lakas ng boses na nasa kabilang linya.
"Ate! Good luck sa laban mo ngayon! Alam naming mananalo ka!" sigaw ng babae na nasa kabilang linya.
Rinig rin ni Juno ang nasa paligid ng kausap niya.
"Mommy Aaunt! Galingan mo po! Nalo ikaw. Abyou po". Hindi mapigilan ni Juno na mapaumis ng kaunti.
"Salamat" maiksing sagot ni Juno.
"Ikamusta mo ako kay Tita. Ibaba ko na ang tawag, aalis na rin ako" pagpuputol ni Juno sa usapan.
"Okay ate! Gagalingan mo ha. We love you. We miss you so big!" saad naman babaeng kausap ni Juno sa kabilang linya.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanfictionMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...