Sa paglipas ulit ng ilang linggo, halos papatapos na sila Aim ng pagsho-shoot, isa o hanggang dalawang episode na lang at masasabing tapos na ang lahat.
"Hindi mo na nabibisita pa ulit si Juno." sambit ni Ate Linda kay Aim.
"Nauunawaan niya naman po." sagot naman ni Aim.
"Nagtext pala siya kanina." sambit ni Ate Linda at sabay abot kay Aim ng telepono.
Napapaisip rin si Aim sa sinabi ni Ate Linda nitong nakaraan na napakabihira niyang gumawa ng oras o ng paraan para makita o makasama si Juno.
"Puntahan ko po kaya siya ngayon? Tutal maaga pa naman po." Bigang tanong ni Aim.
"Pwede rin naman pero magpa-alam ka muna kay Direk o kay Manager Juls." sabat ni Kuya Danny.
"Oo nga." sang-ayon naman ni Kuya Nestor.
Habang naghahanap ng tiyempo para makapag-paalam kay Manager Juls at kay Direk ay nagba-back read si Aim ng conversation nila ni Juno. Halos namumutawi ang mga messages ni Juno noon at kahit hanggang ngayon, mabibilang lang ang kanyang mga reply.
Napabuntong-hininga si Aim. Nagpapasalamat sa itaas na binigyan siya ng mapang-unawang nobya. Ng makatiyempo na si Aim ay agad siyang lumapit kay Direk.
"Okay go ahead, but you need to come back before the night sets." sambit ni Direk.
"Opo direk, hapon po ay nandito na ako." pagsisigurado ni Aim.
"Magpapaalam ka rin ba sa akin?" medyo sarkastikong boses ni Manager Juls.
"Opo naman, Manager, hehe." awkward na sagot ni Aim.
"Like what Direk said, before the night sets you should be here." paalala ni Manager Juls.
"Yes, Manager. I promise." pagsisigurado ulit ni Aim.
Pag-alis ni Aim ay tinext niya muna si Juno para ipagbigay-alam dito na pupunta siya sa condo. Pero pagkaraan ng ilang minuto ay walang Juno na nagrereply, habang nasa kalagitnaan na ng medyo matraffic na kalsada si Aim ay sinubukan niyang tawagan si Juno pero hindi ito sumasagot hanggang sa nakarating na siya sa condo ni Juno.
Habang naghihintay si Aim sa labas ng pinto ni Juno ay hindi niya maiwasan na hindi siya makaramdam ng inis. Tinatawagan niya ulit si Juno pero hindi ito sumasagot. Nakakailang message na rin siya. Mas minabuting tawagan na lang muna niya si Jigs baka sakaling nasa kwarto siya ni Maggie.
"Bro, are you here in Galaxy Hotel?" tanong agad ni Aim
"Nope, nandito ako sa bahay bro, Maggie is here also, why?" sagot ni Jigs.
"Can you ask Maggie if she know where Juno is?"
Maririnig sa background na tinatanong ni Jigs si Maggie kung alam kung nasaan si Juno. At sinasabi ni Maggie na hindi niya alam, na baka nasa Racing Track.
"She doesn't know bro." sagot ni Jigs.
"You don't know where she is?" tanong ni Jigs.
"She didn't inform me where she will be going today." sagot ni Aim.
"Wait for her there....? Maybe...?"
"I have a hectic schedule and yet..." hindi na tinuloy ni Aim ang kanyang sasabihin at bumuntong-hininga na lang.
"Relax. Malay mo naman at parating na." amo na lang ni Jigs sa kanyang kaibigan.
Nakaupo na lang si Aim sa hagdanan kung saan malapit sa elevator. Habang inip na inip na naghihintay kay Juno. Sa isip-isip ni Aim ay buti na lang at walang dumadaan na mga tao ni kahit isa, tanging siya lang ang makikita sa buong floor. Nagtaka tuloy si Aim ngayon kung may laman ba ang ilang mga kwarto na nasa 13th floor.
![](https://img.wattpad.com/cover/342973140-288-k417862.jpg)
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanfictionMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...