"Aim, what's the matter? Nawawala ka na focus as Mark" sabi ng director.
Pinagpatuloy pa rin nila ang pagshoo-shoot matapos ang nangyaring rebelasyon kanina na iba na pala ang may-ari ng Mt. Silvanus. Ilang oras na rin ang nakakalipas, ilang oras na rin silang nagshoo-shoot. Ang iba ay gusto na ng break, gusto na mag-CR, gusto na mag-retouch, gusto ng magphinga.
"Direk...we have so much time in our hands. Pagpahingahin muna natin sila. They can't function well if they're tired" sambit ng manager ni Aim.
"No. We don't have so much time in our hands Manager Juls." sagot ni Direk.
Juls ang pangalan ng manager ni Aim. Walang nakaka-alam sa totoong pangalan nito. May pagkalambot siya na lalaki pero kahit ganun, napakaprofessional naman ng dating nito. Kung trabaho ay trabaho, kung chill time ay chill time. Medyo may pagkastrikto siya pagdating sa trabaho pero parang barkada mo naman kapag chill time.
"We should not have act like that earlier. And now, we are at the end of our rope" sabay buntong-hininga ni direk.
"Eh 'di ba sabi naman ni Mr. Nam na mabait 'yung Ezra? Then let's just try to talk to her" sabi ng isang staff na kasama nila sa pakikipag-usap kay Juno kanina.
"We treated her like a trash and now you want us to talk to her? Anong sasabihin natin? Na sana payagan tayo na tuluyang gamitin pa rin ang lugar? After everything we have said to her? I doubt she will let us." sagot ni Direk.
"Then how about we try the charisma of Aim? I guess that Ezra knows Aim, and look who can't resist a very-known artist?" pagmumungkahi ni Manager Juls.
Tila nabuhayan ng loob ang director.
"But sir, I think I can't!" sabat agad ni Aim na nakikinig pala sa usapan nila.
"Aim, please? Marami na tayong nagawang scene sa lugar na ito, we're almost in the middle of the drama. And you know that it's hard kung magbabago man tayo ng setting ng lugar. And besides, you know that we don't have enough budget to rent a new place, right?" sabi ni direk.
Sa totoo lang kaya tinanggap ni Aim ang role na ito dahil ito ulit ang kanyang magiging bagong drama. Buhat kasi noong pumutok ang balita tungkol sa kanya ay wala ng kumukuhang entertainment company sa kanya. Ang mga product na ini-endorse niya ay pinull-out siya at pinalitan ng ibang artist.
Natatakot kasi ang mga ito na baka maapektuhan ang sales stock ng kanilang kompanya. Ipinaliwanag na rin sadya ng director kay Aim noong una pa lang, noong bago pa nito tanggapin ang role na medyo short sila sa budget. Pero hindi na ito inisip ni Aim, ang tanging gusto niya lang ay makabalik sa Entertainment Industry.
"I'll try direk" pagsuko agad ni Aim.
"Thank you Aim, the future of this drama is now depending on your hands." sambit naman ni Direk.
"Okay guys, let's wrap up and let's rest for now. We will continue tomorrow!" sigaw ni Direk.
Kapag ganitong mahaba ang pahingang binibigay sa kanila ay umuuwi muna si Aim sa hotel na kanyang tinitigilan para makapagpahinga ng maayos at bumabalik na lang siya kinabukasan. Nagpaalam na si Aim sa kanyang mga kasama.
Sa may kalsada ay may sasakyang naghihintay kay Aim. Ito 'yung sasakyan na madalas sumsundo sa kanya. Bago makarating sa kalsada ay madadaanan muna ang bahay ni Juno. Ito lang din ang bahay na makikita sa lugar. Ang iba kasing bahay ay sobrang layo na at halos palabas na ng Mt. Silvanus.
Napatingin at napatigil si Aim sa bahay ni Juno. Nag-iisip kung kakausapin na niya ba ito ngayon at kung ano ang sasabihin niya, kung paano niya ito hihingian ng paumanhin sa inasal nila kanina. Tiningnan ni Aim ang pinto, ang bintana, pero parehas itong nakasarado. Tumigil siya ng ilang saglit baka sakaling iluwa si Juno sa pinto ng bahay.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanfictionMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...