Chapter 72 What Really Happened 2

9 0 0
                                    

(Throwback 6 to 7 years ago)

Falcon's International Racing Game.

Habang nakaupo si Juno sa loob ng airport ay pinapaikot-ikot niya ang singsing gamit ang katabing dailri kung saan ito nakasuot. Hindi niya maitatanggi na kinakabahan siya, ito ulit ang laro niya matapos ng mahabang panahon. Isa lang din ang goal niya, ang makamit ang pangarap ng kanyang nobyo na ngayon ay wala na.

"This is for you, love." bulong ni Juno sa sarili, pasimpleng hinalikan ang singsing.

Tiningnan ni Juno ang monitor na malaki sa airport, isang oras na lang at flight na niya papunta sa Brazil. Habang naghihintay at nagmumuni muni si Juno kung babalik pa ba siya ng Pilipinas o hindi na. Pagkatapos kasi ng lahat, wala ng Fielle sa piling niya, ang pamilya niya rin naman ay nandito na din sa U.S.

Akmang tatawagan sana ni Juno ang kanyang Daddy sa phone ng matigilan siya ng makita niya ang isa niyang kakilala sa Racing Team. Napangiti si Juno dahil ilang panahon na rin ang lumipas nung huli niyang makita ito, tatayo na sana siya ng mapansin na may mga kasunod pa pala ulit ito. Ang iba ay naka-racer suit na.

Hanggang sa nakita niya ang Racing Team ni Fielle, may mga staff itong kasama at manager sa laro, meron ring coach at ang dalawa naman ay manlalaro din. Nagtama ang tingin ni Fielle at ang tingin ni Juno.

Hindi maintindihan ni Juno ang kanyang nararamdaman. Nagtataka, nagtatanong ang isip, hindi alam kung ano ba ang kanyang dapat maramdaman. Para bang tumigil lahat ng nasa paligid ng makita niya si Fielle at ang manager nito na nagsabi dati kay Juno na nakita na ang labi ng katawan ni Fielle.

Tatayo sana si Juno pero hindi niya magawa. May ilang napapatingin kay Juno na halata namang hindi kilala si Juno. Nakita din ng manager ni Fielle si Juno na nakaupo. Pero nilampasan lang ni Fielle at ng manager nito si Juno, nag-uusap na para bang normal lang ang nangyayari sa paligid.

Nakatulala, hindi maintindihan kung ano ba ang kanyang dapat gawin. Nilingon ni Juno ang papalayong grupo nila Fielle hanggang sa mawala na ito sa paningin niya. Napukaw lang ulit ang ulirat ni Juno ng may boses sa Paging System na pinapupunta na lang ang pasahero sa departure area.

Hanggang sa loob ng eroplano ay napapatulalala si Juno, hindi makapaniwala sa kanyang nakita, na buhay si Fielle. Maraming mga "bakit" ang lumalabas sa kanyang utak at isip. Hindi siya pwedeng mawala sa focus ng laro pero paano na ngayon?

Nakadungaw si Juno sa bintana ng eroplano, nagbabadya ang mga luha na kaunti na lang ay hindi kayang pigilan.

"Why?" bulong ni Juno sa sarili.

Pagdating ni Juno sa Brazil ay nagderitso na siya sa hotel na ipinabook ng Daddy niya. Kaunting pahinga ay naligo na at saka ulit nagmuni-muni. Kahit pilitin niya ay talagang hindi niya maintindihan. Pinili ni Juno na tawagan ang kanyang Daddy.

"Dad..." sambit ni Juno.

"Ezra, anak."

"Umiiyak ka ba?"

"Why? What happened?"

"Ezra Kwin?!" alalang sigaw ni Manuel.

"Dad...he's alive." sumbong ni Juno na sunod-sunod ang luha.

"Alive? Who?"

"Ezra, I think going back to Racing games is not good for your health, nak."

"Wait for me there, I will go to you..." hindi na natapos ni Manuel ang kanyang sasabihin ng sumingit si Juno sa kanya.

"He's really alive, Dad. I am not daydreaming or what. Check the posts of Racing Page. He's one of the players."

"...."

Bending The Fate that Destiny Brought To UsWhere stories live. Discover now