Nasa labas ng bahay ni Juno si Maggie. Inilibot nito ngayon ang kanyang mata sa paligid. Ngayon ay nasisilayan na niya ang ganda ng Mt. Silvanus.
"Para akong nasa Switzerland Kwin" sambit ni Maggie kay Juno habang maiiyak sa ganda ng lugar.
Kapag ganitong Kwin o Ezra na ang tawag niya kay Juno ay alam na ni Juno na seryoso ito sa kanyang mga sinasabi. Walang halong biro. Walang halong pagsisinungaling.
"I told you." sambit naman ni Juno.
"Everytime that I'm trying to come here lagi na lang may nangyayari, kaya minsan hindi ako nakakatuloy o kapag nakakatuloy man ay nakafocus ako sa ibang bagay. I'm now finally looking the beauty of the place. I understand now why you choose this place" sabi ni Maggie.
"Mn" tipid na sambit ni Juno.
Una ng pumasok sa loob ng bahay si Juno, alam niyang hindi agad agad papasok si Maggie at pagmamasdan pa ang ganda ng lugar.
Tanghali na, nakapagluto na rin si Juno pero hindi pa rin pumapasok si Maggie. Nagpasya si Juno na sunduin si Maggie sa labas. Nandun pa rin naman si Maggie, nakatitig pa rin sa lugar.
"Hey. Let's eat" pag-anyaya ni Juno.
Napalingon naman si Maggie noong tinawag ito ni Juno. Nakahanda na sa lamesa ang pagkain. Kanin, spam and egg, isang malamig tubig na nasa babasaging pitsel. Napatingin si Maggie kung ano ang nasa lamesa.
"It's lunch time, not breakfast" sambit ni Maggie.
"Don't eat if you don't want" sambit ni Juno.
Pero umupo pa rin naman sa lamesa si Maggie at inabot naman ni Juno ang plato dito.
"Don't have time to grocery?" tanong ni Juno habang nagsasandok ng kanin.
"I'm just staying here for at least 3 days pero babalik din ako sa condo. Nandun lahat ng groceries ko, and most of my things. Like I said the last time, I just want some fresh air" sambit ni Juno.
"Fresh air but the first thing welcomed you when you arrived here yesterday is disaster" medyo pagkasarkastiko na sabi ni Maggie.
"They already said sorry. I'll say this again...leave them be" paalala ulit ni Juno kay Maggie.
"Okay" tipid na sagot ni Maggie.
Habang kumakain si Maggie at si Juno, umimik ulit si Maggie.
"That skunk looks kind of cute when he's not angry" pag-uumpisang pag-open ni Maggie.
"Maybe you two just started in a wrong foot" sambit ni Juno.
"Started in wrong foot? Nararamdaman ko na, na hindi kami magkakasundo. Tsaka wala akong balak na kaibaganin ang tulad niya no." saad ni Maggie.
"If you say so" sambit naman ni Juno habang nakatingin sa mata ni Maggie.
"The person with Skunk earlier? Isn't it Aim?" tanong ni Maggie.
"Mn." tipid na sagot ni Juno.
"In fairness, gwapo rin pala sa personal. Iyun nga lang, hindi marunong mag-usisa muna ng mga bagay-bagay" sambit ni Maggie.
"He already apologized." saad ni Juno.
"Apologized my face!" pagtataray ni Maggie.
Natapos ng kumain ang dalawa. Naglibot libot muna sila sa lugar. Alam na ni Juno ang pasikot-sikot sa lugar na ito, sinamahan niya lang talaga si Maggie.
"Magpatayo kaya ako ng bahay katabi sa bahay mo para magkapitbahay na tayo?" tanong ni Maggie.
"It's alright. As long as you won't be annoying" pagbibiro naman ni Juno.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanfictionMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...