Chapter 54 A Dream That Come True, A Fantasy That Come True

6 0 0
                                    

"Yes, yes. I just saw your request." Sambit ni Aim.

"Since when that was?" sunod na tanong ni Aim.

"Years ago."

"That's why I can't see it in notifications."

"Natabunan na."

"Mn." Sambit naman ni Juno.

Kinakapa naman ngayon ni Aim ang sarili kung ioopen niya ba ang tungkol sa nakita niya at ang tungkol kay Fielle. Pero wari ni Aim ay normal lang naman na pag-usapan ang mga ganung bagay. Akmang tatanungin na sana ni Aim si Juno tungkol doon pero biglang tumayo si Juno.

"I will just get my phone." Sambit ni Juno.

Tiningnan lang siya ni Aim, hindi na sinarado ni Juno ang pinto. Wala pang dalawang minuto ay nakabalik na si Juno na bitbit ang telepono nito.

"Come here." Yaya ni Juno kay Aim habang inaatras papalapit sa kanya ang isang silya.

Sinunod naman ni Aim ang gusto ni Juno. Pagka-upo ni Aim ay nakita niya ang password na tinype ni Juno.

"Minimalist." Sambit ni Aim ng makita na kakaunti lamang ang laman sa phone ni Juno.

"Focus madalas ako sa laro, to the point na hindi na ako nag-install ng kung ano-ano." Sagot ni Juno.

"Mas madalas ko pang binibisita ang notepad at doon nagsusulat kaysa sa magbrowse ng social media." Dagdag ni Juno.

"But when you said to the world...that you know..." hindi matapos ni Juno ang sasabihin niya na para bang nahihiya para kay Aim kung babanggitin niya ito.

"That you're my girlfriend." Natatawang dugtong ni Aim.

"Yes, yes. I started to browse again." Sambit ni Juno.

"Ahh, I see." Sambit ni Aim habang tinatango-tango ang ulo.

Binuksan ni Juno ang social media account niya at saka ipinakita ni Juno ang mga laman nito. Napalaki ang mata ni Aim ng makita sa timeline ni Juno ang mukha niya. Kaya pala hindi ito nakita ni Aim kasi ini-private ito ni Juno, na siya lang ang tanging nakakakita.

Ang sumunod na picture naman ay billboard ng isang Aim Veleña na nakikita sa balcony ng kwarto ni Juno sa Galaxy Star Hotel. Na may caption na "My Star.", napangiti si Aim.

Ang sunod ay sa Mt. Silvanus, si Aim ay nakatawa, may hawak na script. Caption: Good luck ^_^ <3 . Hindi makapaniwala si Aim sa mga nakikita niyang posts ni Juno.

Ang sumunod ay picture ulit ni Aim, nasa Racing Track siya, makikita ang larawan ni Aim na pinipicture-an ang bukang liwayway. Caption: My sunshine capturing the scenery of sunset <3.

Ang sumunod ay picture ay si Aim ulit. Ito 'yung panahon na may laro si Juno at si Jigs, kinuha ito ni Juno sa internet. Magkatabi silang dalawa at tumatawa pero sa Racing Track ang tingin ng mga ito. Hindi maiwasan ni Aim isipin ang nakita niyang picture ni Juno at Fielle kanina. Akmang tatanungin na sana ni Aim si Juno pero natigilan ito.

Ini-scroll ng mabilis ni Juno ang kanyang cellphone pero nasa timeline niya pa rin. Nanlaki ang mata ni Aim ng ang makita ay halos pictures niya.

"Do you..." sambit ni Aim.

"Almost every other 2-3 days." Sambit ni Juno.

"Wow. Your timeline is full of my face." Mangha ni Aim habang tinitingnan pa rin ang pag-scroll ni Juno.

Napapangiti naman si Juno habang tinitingnan ang sariling ginagawa. Tuloy pa rin sa pag-scroll si Juno.

"Ah! Here! Finally!" sambit ni Juno at huminto sap ag-scroll.

Bending The Fate that Destiny Brought To UsWhere stories live. Discover now